Chapter 11

2.7K 77 4
                                    

Again, thanks sa mga bumabasa at nagtiyagang mag-comment! Kayo inspiration ko! :)

--

BEA

Ilang araw na nga ba nung huling kinausap ko si Jia? Siguro mga 5 days... tama, 5 days. Tinanong ko din sina Mich kung kamusta na siya, ayos lang daw tas parang wala lang sa kanya. Tas nalaman ko na madalas siyang sinusuyo ni Miguel, parati din sila magkasama ngayon. Habang ako, kina Therese or sa iba naming teammates sumasama. Okay lang sa akin kasi nawawala yung isip ko kay Jia kahit papaano. Ang problema, pagdating ng Dorm, super awkward. Wala eh, roommates kasi kami tas super tahimik pa pwera na lang pag nandyan sina Gizelle at Kim.

Sariwa parin sa akin yung sakit. After kung umiyak sa harap nila Therese ang lakas kong isipin na kinabukasan mawawala na yung sakit, mali pala ako. Madalas ko ba naman makita ang JiaGuel na halos makasalubong ko pa kanina sa may Library. Buti nga umiba ako ng daanan at nag-kunwaring walang nakita kasi pag tumingin ako directly, masasaktan nanaman ako. Malala na nga, papalalain pa.

Saklap.

"Jia nanaman?" Na-realize kong kanina pa akong tulala dito sa upuan nang tawagin ni Karen. Kaklase ko siya ngayon sa English subject namin, "Kanina pa hindi gumagalaw ang ball pen mo, buti na lang masipag akong kumopya."

Umiling ako, medyo topakin 'to minsan eh, "Muntikan ko silang makasalubong kanina." Sabi ko and she shook her head. Sesermunan ulit ako nito, ganyan siya sa amin, parang Nanay. Pero siya yung kambal ni Therese sa pagiging pasaway, "Sige, sermunan mo na ako." I immediately said after reading her facial expression.

"Hindi na, ano pa ba magagawa ko eh masakit na nga 'yang puso mo? Baka hindi ka na maka-move on niyan." Sagot niya at tumawa kami ng mahina. Tumingin siya sa board tapos balik ulit sa akin, pareho kaming hindi nakikinig talaga, "Nakita ka ba?" I knew it, magtatanong nga siya.

"I don't think so, tsaka hindi ko rin alam kasi iniba ko yung tingin." I said and said nodded, assuming that she understood what I just said.

"Okay, class dismissed."

Tumayo agad kami at kinuha ang gamit saka lumabas ng klase. Inabot sa akin ni Karen yung notebook niya para kopyahin ang notes kanina. Ganun pala ako kalutang at hindi ko natutukan ang tinuturo nung Professor kanina. Mga nagagawa nga naman ng pag-ibig.

"Kita na lang tayo sa Gym, akyat na ako sa next class." Sabi ko at ngumiti.

"Sure! Basta ingat ka, baka madapa pag nakita mo ulit sila. Haha!" Karen joked and I just laughed, nag-make face ako bago siya talikuran.

Habang paakyat ay nakarinig ako ng dalawang pamilyar na boses. Boses palang ay kilala ko na kung kanino nanggaling. Hindi ako nagpadala at nanatili ang diretso kong tingin paakyat ng hagdan. Naka-earphones ako kaya kung may tumawag, hindi ko maririnig.

Sa kasamaang palad, may nabangga akong babae at nalaglag ang mga libro niya. Kinuha ko iyon at tumayo, nagulat ako nang si Jho pala ang nabangga. Tumawa ako ng mahina at kaagad nag-sorry.

"Okay lang, alam ko naman kung bakit ang layo ng tingin mo." Mahina niyang sabi at ma-swerte dahil wala masyadong nakatingin. Inabot ko sa kanya ang libro tapos nag-sorry ulit.

"Okay nga lang, ito naman. Nasawi ka lang eh." Medyo lumakas ang tawa niya kaya tinakpan ko ang kanyang bibig, baka mamaya nandito pala sina Jia at makarinig pa, nako. Pag-tanggal ko ay ngumiti siya sa akin.

Saglit akong natulala, maganda pala ang ngiti nito. Para ba akong nahawaan ng kung ano. Hay, ito nanaman ang utak ko't umaandar.

"Bei?" Nagising ako sa realidad at natawa nanaman siya sa akin. Mahiyaing ngiti ang binigay ko, "So, baba na ako? See you later!"

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon