Chapter 26

341 8 2
                                    

A/N: Beware sa mga batang mambabasa, may konting mature part sa dulo.

•••

BEA

"Juju, gising na."

I watched as Gizelle tries waking Jia up. Sabi ko na ngang late siya magigising kasi lagpas ala una umuwi kanina, at ngayon panigurado sasakit ang ulo niyan dahil may hangover. I'm not sure how she'll perform mamaya sa training.

FLASHBACK

"You should sleep, male-late ka mamaya." I reprimanded after removing her hands. I turned around and saw her slowly nodding her head with face down, wala na ang liwanag sa kanyang mukha.

Nanahimik lang siya't nagpatungo sa kanyang higaan.

Pagkahiga ko sa aking kama ay pinikit ko ang aking mata't huminga ng malalim. Alam ko gusto niya ako kausapin pero hindi ko kaya, dahil siya ang kahinaan ko at pag hinayaan ko na mag-usap kami ay baka makumbinsi niya akong baguhin ang desisyon ko.

END OF FLASHBACK

"Hey!"

I came back to my senses after hearing Kim snapping her fingers, "Ay, aalis na ba?" I cluelessly asked, I even checked my watch and it's almost time to leave for training.

Nainis na tumingin sa akin si Kim at hinila ang kamay ko, "Tanga, si Jia. Suka ng suka!" Turo niya sa banyo at oo nga, sumusuka si Jia dala ng hangover. "I was calling you to help us but you were just standing here." Kim continued in frustration.

Suddenly, I became hysterical on the inside. I quickly rushed to Jia's aid and massaged her back as she continues to vomit. Tinignan ko t-shirt niya't wala naman gaanong stain, but she needs to change parin. Nung huminto na siya sa pagsuka, inalalayan ko siyang tumayo at nilakad papunta sa sink para maghilamos.

"Sa sunod, huwag ka iinom ng madami pag hindi mo kaya." Mahina ko siyang sinermonan at napatingin siya sa akin ng ilang segundo bago maghilamos uli.

"I'm sorry." Dinig kong sambit na halos ibulong na lang niya. Tila sumikip ang dibdib ko doon, para kasing double meaning ang sinabi niya.

Tumango na lang ako, "Hubarin mo 'yan shirt mo at ito na ang ipalit." Sumunod siya at umiba ako ng tingin nang makita ang hubog ng katawan niya. Kahit naka-sports bra ay napalunok ako, inabot ko ang bagong shirt at inantay siyang suotin iyon bago ako humarap uli sa kanya.

"Thank you." Mahina niyang tugon at lumabas agad ng banyo.

Binigyan ako ng makahulugang tingin ni Kim at Gizelle at patago pa silang ngumiti sa akin. Umiling ako't buong lakas na pinigilan ang pag-init ng aking pisngi.

Sa kasamaang palad, hindi natanggal sa isip ko ang imaheng iyon maski ngayong nagmamaneho na 'ko papuntang BEG. Kung kaya't napahawak na lamang ako sa aking dibdib sa lakas ng tibok nito.

Ah! Tantanan mo na ako, Jia!

Okay lang takbo ng training namin ngayon umaga. We had to double up the effort dahil malapit na ang game two and Coach Tai reminded us na tuloy ang bigat ng training tomorrow, Friday afternoon. Si Jia, okay rin naman siya, nabawasan ang hangover dahil sa dami ng sinuka kanina pero ingat siya gumalaw buong training.

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon