"Hoy, tara na. Para ka talagang tanga riyan." Napangiwi ako nang marinig si Missy na nang-aasar.

Nagmadali ako sa pag-aayos para hindi na siya mangulit pa at makapagsabi na naman ng mga salita. After the my third subject for this day, I've decided to meet Kesha while we are still on a vacant. Good thing we have the same vacant time for this morning, so it wasn't difficult to see each other.

"Been a while since we last talked. How are you, bess?" Bungad ni Kesha pagkaupo sa harapan ko.

Ngumiti ako nang maikli. "Okay lang naman."

Naalarama ako nang biglang pinasingkit nito ang mga mata sa akin dahilan para mapaiwas tingin ako. May napapansin na naman 'to ngayon.

"You look stress. Any problem?" Rinig kong tanong niya.

Natawa ako nang mahina bago siya nilingon at umiling. Ngunit mas lalong kumunot ang noo nito at binigyan ako ng isang malisyosang tingin. Kapag ganyan, alam kong hindi ka niya titigilan kakatanong kaya mas mabuting sabihin mo nalang ang problema.

Huminga ako nang malalim para ikalma ang sarili. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa sasabihin ko.

"It's Kendrick." Ngiti ko nang maikli.

Hindi ko na maitatago pa dahil kilala ko na ang pagkatao nito. Lahat aalamin niya at pipilitin ka para makuha ang gusto niya. Nakita ko ang mas lalong pagkunot ng ulo nito sa sobrang pagkalito.

"What about him?" She asked, confusedly.

I took a deep sigh first before speaking. Isang linggo ko rin 'tong kinimkim sa sarili dahil hindi ko masabi kina Missy at tanging siya lamang ang nakakaalam sa nangyari dati. Alam naman din niyang lilipat si Kendrick ng paaralan e.

"Lumapit nga siya ng paaralan." Gano'n pa rin ang mukha niya, tumatango tango nga lang ngayon.

"Oh, anong problema? E lumipat lang naman ng paaralan. Hindi malabong mag krus pa rin ang mga landas niyo sa liit ng probinsiya natin." Kaswal na sagot nito.

Napangiti ako nang maikli. Hindi niya 'yon masasabi yan kapag nalaman niya ang totoo. "Sa Cebu."

Natigilan siya nang mapagtanto ang narinig. Unti unti niya akong nilingon at halata ang pagkagulat nito sa mukha. "Ohh so he really move to Cebu?" Mabilis din namang magpalit ang ekspresyon nito nang tingnan ako. "Awwee, are you sad? That he left you?"

Napatigil ako sa sinabi niyang iyon. Halata naman sa tono na may konting pang-aasar sa likod ng boses na iyon. Hindi ko rin 'to maintindihan e, mang-aasar muna bago ka dadamayan. Saya 'yan?

"Hindi 'no. Duh, sino ba siya para iyakan ko?!" Napangiwi ako sabay halukipkip.

Kinabahan ako nung bigyan niya ako ng nakakaasar na mukha. Geez, kainis talaga 'to kapag ganyan tumingin sa akin. "Weh? Talaga ba? Alam kong may isang salita ka, pero pagdating sa pag-ibig, wala kang kasiguraduhan. Kaya nga lagi kang nahuhuli e."

Tila natamaan ako sa salitang iyon niya. Mabilis ko siyang tiningnan nang walang pag-asa kabaliktaran sa seryoso nitong mukha sa 'kin. Pambihira 'to kung makapagsalita, napaka diresto. Tagos iyon ahh.

"Hoy, 'wag ka ngang issue, parang alam mo lahat ahh. Duh, hindi kaya ako gano'n, kahit nga kay Nathan e." Mas tanga akong sabihin iyon kahit alam ko sa sarili ko na totoo ang sinabi nito. Syempre ayoko lang din i-down ang sarili ko.

Napaismid na lamang siya at animo'y sumusuko nang pagsabihan ako. Napakamot nalang ako sa ulo dahil sa hiya.

"Speaking of Nate, have you seen him already since day one?" Pag-iba nito ng topic.

Too Late, EllieWhere stories live. Discover now