21

277 22 5
                                    

[TRIGGER WARNING: FIGHTING AND STRONG LANGUAGE]

"Goodnight have a sweet dreams of me," paalam niya nang tinanggal ko ang seatbelt.

Kararating lang namin sa bahay at sina Dave at Hans naman ay umuwi na rin. Sobrang saya ng gabi ko kung itatanong niyo man. The meteor shower was the best thing happened. I hope those wishes of mine will be granted.

"Goodnight! Ingat ka sa pagmamaneho," paalam ko at binuksan na ang pinto ng sasakyan at umalis na sa loob.

Agad akong pumunta sa tapat ng gate ngunit hindi ko pa nabuksan iyon  ay narinig ko ang pagbaba ng bintana ng kanyang sasakyan, kaya napalingon ako pabalik at tumambad sa akin ang mukha niyang nakangiti. 

He stretched his left arm outside his window and he was holding a paper bag. I was curious so I went near his car.

"What's that?" I asked and my voice sounded jolly.

"Just open it in your room. I should go, my parents already called me. Just wanted to give that to you, a congratulation gift," he said while giving me a lovely smile.

"Thank you for this gift! Goodnight," I said as I uplifted the paper bag.

"Hope you like it!"

Pagkatapos no'n ay nagmaneho na siya paalis at ako naman ay dali-daling pumasok sa loob pero 'di pa tuluyang nakapasok ay tumambad sa'kin sa loob ang mukha ng Mommy ko, kaya sobrang gulat ko at napahawak ako sa dibdib.

"Mommy naman!" I yelled at her.

"Be silent!" she said and positioned her index finger on his mouth. "Natutulog na ang mga tao. Ang lakas ng boses mo."

"Eh paano ba naman, nanggugulat ka," I whispered.

She just rolled her eyes and her hands immediately flew in front of me. It made my brows met out of curiosity. She then pointed to the paper bag I was holding.

"What?" I asked and she raised an eyebrow. "Mom, it's none of your business!" I exclaimed again.

"Vickie, tahimik nga, 'di ba?" 

"But you always make me raise my voice. It's your fault, not mine." I shrugged as reasoning out.

"Oh come on, sweetie! It's what mothers do." She prolonged the last word and it made me smirk.

"Fine! I will open it, happy?" I scoffed but she just giggled. So childish!

Nag-aatubili akong buksan ang paper bag kaya inalog-alog ko muna ito at pansin kong may hindi kalakihan na box sa loob. Nagtaka ako ng dahil doon. Ano kaya ang nakalagay sa loob ng box?

Hinay-hinay kong binuksan ang paper bag at nang mabuksan iyon ay kinuha ko agad ang box. Hindi na ako nagpaligoy at agad ding binuksan iyon at namilog ang aking dalawang mata sa nakita ko.

It was a metallic gold hair clip barrette which the design is a sunflower. There were two of them in the box so I took one only and my eyes won't even blink because I was totally mesmerized by the beauty of it.

"Your boyfriend knows you well." My Mom giggled.

"Well, what's the point of being a couple if you don't know your likes and dislikes," I scoffed and we laughed.

"Oh siya, bukas ka na lang kiligin at matulog ka na."

I just rolled my eyes and we headed inside then I went straight to my room. Nagmadali akong nagtungo sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagpatuyo. Nagbihis na rin ako ng damit pantulog.

Umupo muna ako sa upuan ng study table ko at kinuha muli ang box na ibinigay ni Zack. Kinuha ko ang hair clip at isinuot ko iyon. 

Kinuha ko rin ang round mirror ko at pinagmasdan ang sarili sa salamin habang suot iyon. Pagkatapos kong mabighani sa ganda nito ay agad kung ibinalik iyon sa box.

Our Substantial Hopes (High School Teen Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon