Epilogue

624 23 8
                                    

"Umalis nga kayo!" sigaw ng isang batang babae. "Isusumbong ko kayo sa Daddy ko," dagdag pa niya na parang hindi ito natatakot.

Agad namang nagsitakbuhan ang mga batang pinagtulungan ako kanina. Bigla akong napadaing sa hapdi galing sa mga galos sa aking tuhod na natamo ko sa pagtulak nila sa aki kanina.

"Ang sakit..." bulong ko sa aking sarili.

"Oh my gosh! May sugat ka!" sigaw niya ulit kaya napatalon nang kaunti ang aking puso.

Lumapit siya agad sa akin 'tsaka tinignan ang sugat ko. Napangiwi ito ng tignan iyon at biglang sumalubong ang aking kilay sa kung anong kinuha niya sa kanyang munting bag.

Agad namilog ang aking mga mata nang makitang alcohol ang kanyang kinuha at dali-daling napatayo ako sa kaba pero natumba nang humapdi ang sugat ko.

"Bakit ka naman tumayo?"

"Eh, sino namang hindi mapapatayo sa ginagawa mo? Really an alcohol? That's insane!" bulyaw ko nang tumaas bahagya ang aking boses at nakita ko siyang umirap.

"Baka ma-infect 'yan! Bakit ka ba nagpapaapi sa mga batang 'yon?" suplada niyang tanong.

"Eh, ayaw kong gumante... mas mabuti na 'yon," simple kong tugon pero siningkitan niya lang ako ng tingin.

"Kung patuloy mo silang hahayaan, they will abuse you over and over again. Hindi naman ata masama lumaban para protektahan 'yang sarili mo," pangaral niya at nag-alok siya ng kamay para tulungan akong makatayo.

"Sabi ng Mama ko masama ang gumante."

"At sabi ko naman, minsan dapat pinoprotektahan natin ang sarili natin," pilosopong tugon niya.

"Ewan ko sa'yo! Para kang Nanay ko kung makasumbat."

"Sorry for being nosy but it's true. Kung wala pa ako dito matagal ka nang nagkapilay-pilay."

"Ang dami mong alam." Iyon lang ang nasabi ko sa pag-iingay niya.

Tahimik kaming naglakad paalis sa park at nagtataka akong sumusulyap sa kanya. Sunod kasi siya ng sunod sa akin.

"By the way, I'm Vic!" pagpapakilala niya at tumango lang ako. "Ikaw, anong pangalan mo?"

Napangiwi ako sa tanong niya at nag-atubiling sumagot pero hindi naman ata siya masamang tao para hindi ko paunlakan ang tanong niya.

"Zack... bakit ka ba napadpad doon sa park?" tanong ko naman.

"Dito kami nakatira, sa subdivision na ito. Ikaw?"

"May pinuntahan lang ang magulang ko at ako naman ay sumama lang sa kanila. 'Yang bahay na 'yan." Sabay turo ko sa papalapit na bahay na pinuntahan namin.

"That's our house! Ikaw pala 'yong anak na kinukuwento ng magulang mo kanina. Halika na't nag-aalala na 'yon sa'yo," aniya at agad dumampi ang mainit niyang palad sa kamay ko.

Dali-dali niya akong hinatak patakbo sa kanilang bahay. Nang makapasok na sa loob ay agad akong nilapitan ni Mama at nakita ko sa kanyang mukha ang pag-aalala nang makita niya ang munting galos sa aking paa.

"What happened to you? Anong bang ginawa mo sa labas? Saan 'to galing?" Sunod-sunod niyang tanong ngunit isa roon ay hindi ko nasagot. Marahil natatakot din akong sabihin sa kanya.

"Don't you worry, Tita. Ako ang gagamot niyan." Nabigla ako sa pagrerepresenta ni Vic at agad naisipan ang mga posibleng mangyayari.

"Oh, that's so sweet, Vickie... can you take care of these wounds? I heard you want to be a doctor someday," galak namang tugon ni Mama sa kanya.

Our Substantial Hopes (High School Teen Series #1) [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن