1

2.9K 181 345
                                    

"Heck! Ang sakit ng likod ko," sabi ko nang mahulog ako sa kama. Tumayo ako at pinatay ang alarm clock. Saglit akong natulala nang maalala ko ang panaginip ko kanina.

"The heck! We kissed! He kissed me! Someone kissed me!" My heart immediately pounded and jumped with joy.

Kasabay no'n ang pagwawala ng mga paruparo sa kalamnan ko pero agad akong nagising ng reyalidad nang hindi maalala kung sino ang humalik sa akin. Pilit ko mang inaalala ay hindi ko masyadong maiguhit ang kanyang pisikal na anyo sa isip ko.

He looks familiar but the dream was not that clear. I shook my head just to focus myself on what should I do right now. I dramatically sighed when I remembered that today is Monday. Another hell week with my great annoying Hisoler!

It was ages since I admitted to myself that I also like him even though he keeps teasing me without any reason. My junior high school year was peaceful with my books and one close friend by my side. Not until he appeared in the story.

Nag-iba ang ihip ng hangin dahil simula no'ng tumuntong ako ng senior high, minsan gusto ko na lang lumayo sa kanyang presensya dahil nagkagulo ang buhay senior high ko dahil sa kanya. Naging matalik ko lang naman siyang kaaway na palaging kinaiinisan.

Umiling na lang ako nang maalala ang mga kahihiyan na nangyari sa'kin dahil lang sa kanya. Napatingin ako sa orasan at bumaba na lang sa kama para maligo. Pumunta ako sa banyo at pagkabukas ko no'n agad kong naamoy ang loob nito.

It was a scent of a sweet aroma that came from the soap that I always use. I have already taken off my clothes and taken a shower. The cold water that came from the shower touched my soft skin and it made me shiver a little bit.

Makalipas ang ilang minuto natapos na rin akong maligo. Nang matapos matuyo at mapaganda ang mukha ko agad ko namang isinuot ang uniporme ko para makahanda na para sa eskuwela.

Lumingon ako sa kabuuan sa loob ng aming bahay nang makababa at hinahanap ko ang magaling kong Kuya. Nasaan kaya 'yon?

Hindi nahagilap ng aking mga mata ang kanyang presensya kaya tumingin ako sa relo ko. Patay! Malapit na magsimula ang klase namin. Ang dami kasing sinasabi! Lagot na naman ako sa Christopher na 'yon! Baka nagagalit na 'yon kahihintay sa akin sa labas.

"Sweetie, kumain ka na!" tawag ni Mommy nang salubungin ako ng matamis na ngiti.

"Doon na lang po sa eskuwelahan. Mahuhuli na po ako sa klase." Lumapit ako sa kanya at agarang humalik sa kanyang pisngi at pati na rin kay Daddy.

"Mag-ingat kayo ng Kuya mo!" sigaw ni Daddy nang makapunta na ako sa pintuan papalabas.

"Sige po!" Paalam ko sa kanila at lumabas na agad.

"Ba't ba ang tagal mo? Late na ako sa klase ko!" 

Nagulat ako nang makitang nakatayo si Kuya sa labas ng gate. Nakita ko ang naiinis niyang mukha habang ang kanyang makakapal na kilay ay nagkasalubong.

"Sorry na po hindi na mauulit," mapagbiro kong tugon at natawa sa kanyang reaksyon. Sunod ay hinatak niya ako padabog papunta sa kotse niya.

Agad din naman siyang nagmaneho pagkapasok niya sa loob. Magkaibang paaralan kasi kami simula nong magkolehiyo siya sa ibang unibersidad at ako naman ay nanatili sa dating pinapasukan ko.

Lumipas ang ilang minuto nakarating din ako sa eskuwelahan at agad akong lumabas sa kotse. Hindi ko na inantay na makaalis ang Kuya ko at nagmadali na akong tumakbo papasok ng campus.

Dahil sa bilis kong tumakbo, hindi ko namalayan na may tao pala sa harapan ko at nabangga tuloy ako sa maskulado at matigas na likuran niya.

"Aray!" daing ko, "ba't ba palagi akong nasasaktan ngayong araw na 'to?" tanong ko agad sa sarili habang napakamot ako sa ulo ko dahil sa sakit. Tumingala ako para matignan ang taong nabangga ko.

Our Substantial Hopes (High School Teen Series #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now