Chapter 12: Hide and Seek

90 9 0
                                    

Chapter 12

"Ayoko muna umuwi sa bahay ni mom, Ares" at umupo sa upuan na nasa tapat nito, binaba nito ang salamin na suot suot niya at tumingin sa'kin

"Ano nanaman ba ang ginawa mo, Art? Did you talk back again?" I rolled eyes and crossed my arms

"Ayoko lang ng plano niya, Ares. May sarili siyang desisyon, bakit hindi niya sundin 'yon instead na sundin niya ang desisyon ni dad? Like what the fuck, hindi na kami bata para itag at isipin na sagabal kami sa ginagawa ni Athena"

Magsasalita sana si Ares pero bumukas ang pintuan ng walang pasintabi, at sino naman ang siraulong hindi kumakatok. Sabay kami tumingin ni Ares sa may pinto, at nakita namin ang magaling niyang sekretarya na para bang magmamadali.

Tinaasan ko sya ng kilay, agad aman na tumayo si Ares at pinuntahan ang sekretarya nito. Napailing nalang ako, oo nga pala, I almost forgot, Ares likes his secretary since he hired her. Kahit wala naman capability si Kath which is his secretary, ay tinanggap pa rin niya ito.

Well, unlucky for her hindi ko siya gusto kay Ares. Hindi sila bagay, gusto ko ang babagay kay Ares ay kasing ugali ni Auntie Hera. Masyadong plastic si Kath, kaya alam kong may tinatago din siyang baho sa katawan. Hindi ko alam bakit nagustuhan siya ni Ares,

"What happened?" nag-aalalang tanong ni Ares sakaniya, pinanoood ko lang silang dalawa and I saw Ares hands comforting her back.

God, iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa tao. Ares is always a cold person at hindi niya hinahalo ang trabaho sa personal niyang buhay. Pero sigurado ako na hindi magtatagal ay mawawala din ang nararamdaman ni Ares kay Kath. Itago mo man sa bato.

"I-I..." hindi niya matuloy tuloy ang sasabihin niya dahil napansin niya ata na nakatingin ako sakaniya.

"A-Artemis..." I heard her calling my name

I just raised my hand as a sign of hello to her, "can you knock before entering Ares' office, Kath? Kahit na gusto ka ng pinsan ko, sekretarya ka lang dito kaya you should know your position" at peke akong ngumiti

Agad naman akong tinignan ni Ares, "Artemis!"

Tinaasan ko siya ng kilay, "what? I'm just staying the fact, Ares. Huwag mong sabihin na bibigyan mo siya ng special treatment dito? Kung tutuusin, she has no capability to be your secretary but you still hired her. Lucky for her" maarteng sabi ko

"Mamaya na tayo mag-usap, Kath. Mag-uusap muna kami ni Artemis" rinig kong sabi ni Ares

"O-Okay..." sumulyap muna sa'kin si Kath bago umalis

I rolled my eyes, subukan lang niya na inisin ako kahit na mas matanda siya sa'kin ng ilang taon kaya ko siyang sampalin ng walang pasintabi dito.

Sinara na ni Ares ang pinto at tumingin sa'kin, "what was that, Artemis?"

I crossed my arms, "what? She's just your secretary, Ares. Huwag mong sabihin na kakampihan mo siya kahit mali yung ginawa niya kanina"

"Hindi ka sana naging harsh sa pagsasalita sakaniya, she's older than you"

"I don't care. Age is just a number, ayoko sa plastic katulad niya. Bakit hindi mo nalang siya palitan? Gusto mo ba ako maghanap ng papalit sakniya?"

"Stop meddling with my life, Artemis." Mariin na aniya

"Yeah right, sana hindi ka saktan ng babaeng 'yon. Kapag nangyari 'yon, ako ang maglalagay sakaniya sa hukay"

"stop giving threats without any evidence. Tell me what you need para makapag usap na kami ni Kath" at umupo siya ulit sa swivel chair nito

Costello 2: ArtemisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon