Chapter 5: Ferrer Twins

122 9 1
                                    

Chapter 5

Sinuntok ko si bobo, "tangina mo, bakit nandito 'yan?" Ani ko at umiwas na ng tingin sa kakambal daw ni Uno. Hindi sila masyadong hawig ni Uno kaya hindi ko napansin 'yon. Mas mukha siyang mature kay Uno dahil sa itsura niya.

"Gwapo niya diba? He likes you by the way" tinaasan ko siya ng kilay

"Bobo, masamang magbiro"

Nagpalumbaba siya at ngumisi, "hindi ako nagbibiro, Artemis. He likes you at alam din niya na ex fling kayo ng kakambal niya"

"Edi gusto niya ako pero wala akong pakialam sakaniya, bobo" at tinignan ko siya ng masama.

Lalo pa itong ngumisi sa akin, "sigurado ka bang wala kang pakialam? Hindi ka ba nagtataka kung bakit nandito siya at hindi si Uno?" May pang aasar ang tono ng boses niya

Umiwas agad ako ng tingin dahil ang pinaka ayaw ko ang pinag uusapan si Uno, tapos na kami kaya hindi na dapat balikan 'yon.

"Stop teasing, Shadow. Bakit hindi ka nalang pumunta sa cashier para makaalis na 'ko" natawa naman siya at ginulo ang buhok ko

"Ihahatid ka ni Tres pauwi sainyo" aniya

Nanlaki naman ang mga mata ko, gago ba siya?!

"Gago ka ba? Bakit niya gagawin 'yon? Hindi naman kami close" ani ko at nag ekis ng braso

"He likes you but I know he's just playing around. Why don't you play again like what you did with Uno back then?"

Maigi ko siyang tinignan at pinitik ang noo nito, napa aray naman siya, "what the-"

"Matanda na tayo, Shadow. Hindi na uso ang makipaglaro ngayon at lalo na ang huling pinaglaruan ko ay iniwan din ako sa ere kaya ayoko ng makipaglaro"

"Ilan beses ko na ba sinabi sa'yo noon na hindi ka nga iniwan sa ere ni Uno? He left because his mother needs him. Tatawagan ka naman niya pero-"

Pinutol ko ang sasabihin niya, "pero hindi niya nagawa dahil sobrang busy niya? Sawa na 'ko marinig ang paliwananag mo tungkol sakaniya, Shadow. Tapos na kami. Umalis siya dahil sa nanay niya, acceptable 'yon magulang niya 'e. Pero sa limang taon na 'yon, may natanggap ba ako na text o tawag galing sakaniya?"

Napayuko siya kaya't mapait akong ngumiti, "wala diba? I didn't even change my number for the whole 5 years kaya meron siyang oras na kausapin ako sa limang taon na 'yon pero hindi niya nagawa." Tumayo ako at kinuha ang sling bag ko, tinapik ko ang balikat niya

"Take care of the shop, Shadow." At naglakad na ako papalayo sakaniya, nadaanan ko pa yung table ng kakambal daw ni Uno. Inaamin ko na gwapo nga siya at wala sa itsura nya na kakambal siya ni Uno.

Uno is a mischievous type of guy unlike him na para bang napakaseryoso sa buhay. Laging nakakunot ang noo nito.

Tumayo siya nang dumaan ako sa table niya pero wala akong pakialam, ako sana ang magbubukas ng pinto pero nauna ito kaya't napatigil ako

Nakatingin lang siyang seryoso sa akin, napailung naman ako. I guess he's just really playing around. Pero bakit sa dami dami ng babae bakit ako ang naisip niyang paglaruan? May alitan ba sila ni Uno? Nah, hindi naman siguro siya ganon ka immature.

Lumabas na ako habang hawak hawak pa nito ang pinto, hinei ko siya pinansin, hindi ko nga siya pinasalamatan. Wala akong gana makipaglaro sakaniya, kung alam ko lang na ganito pala siya edi sana siya nalang ang nilandi ko noong highschool ako at hindi si Uno. Baka hindi niya ako iwan sa ere non hindi tulad ng kakambal niya, but that's impossible right?

Nag-abang ako ng taxi, at ramdam ko naman na tumabi siya sa akin.

"Ihahatid na kita"malamig na aniya

Costello 2: ArtemisWo Geschichten leben. Entdecke jetzt