Chapter 7: Deal

98 9 2
                                    

Chapter 7

Nilutuan ko siya ng lugaw, noong una umaayaw pa siya dahil nakakahiya daw. Nagulat 'nga ako dahil marunong din pala siyang mahiya. I really thought he's heartless tulad ng mga naririnig ko sakaniya noong nasa high school ako. Kaya nga si Uno ang nilandi ko sakanilang dalawa at hindi siya.

Buti nalang talaga na si Uno ang nilandi ko noon at hindi siya kundi sasayangin ko lang ang oras ko sakaniya noon tulad nga ng sabi ni Shadow kanina sa'kin. Tres is over the heels to Vita since then and until now.

Nilapag ko ang lugaw sa harapan niya at binigyan ko naman siya ng kutsara. Umupo na ko sa upuan na nasa tapat niya.

"Kumain kana, kailangan mong uminom ng gamot katapos" mahina siyang tumango at nagsimula na sumubo. I stared at him, he's still topless.

"Nasaan ang kwarto mo?" nabigla naman siya kaya't napatingin siya sa'kin

"bakit?" hindi ko siya sinagot at tinignan ko lang siya. Tinanong ko siya tas sasagutin din niya ako ng tanong? Tsk

tinuro niya ang isang itim na pintuan, tumayo na ko. Tatayo din sana siya pero tinignan ko siya ng masama.

"ubusin mo 'yan" mariin kong ani, parang tuta naman siyang sumunod sa'kin. Napangisi naman ako, he's cute.

Nag lakad na ko papunta sa kwarto niya at pagkabukas ko ay ramdam ko na lalaki ang natutulog dito. That manly smell, damn. Umiling ako at hinanap ang cabinet niya. I need to find him some decent shirt. Alam naman niyang may sakit siya, naglalakad pa siya na nakatopless. May ubo din pala siya sa utak tulad ni Shadow, I guess same feathers flock together.

Kumuha ako ng isang puting shirt, at sinara ko na ang cabinet niya. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto niya at may napukaw ng tingin ko. Dalawang picture frame ang nandoon sa tabi ng higaan niya. Sumulyap muna ako sa labas at napansin ko na busy pa siya sa pagkain kaya pinuntahan ko ang mga picture frames na 'yon.

Ang unang picture frame ay litrato nilang mag pamilya. They looked so close with each other, nakaakbay pa si Uno sakaniya habang nakangiti naman siya. Mukhang close na close silang kambal. At tinignan ko naman ang isa pang picture frame, it was Tres with a girl. I guess that's Vita na kinukwento ni Shadow kanina sa'kin. They looked in love with each other, sana all...

I heaved out a sigh and left his room. Nakatingin siya sa akin pagkalabas ko palang ng kwarto niya. Binigay ko sakaniya ang shirt na kinuha ko sa kwarto niya, tinanggap naman niya 'yon.

Umupo ako muli at nagsalita, "suotin mo 'yan. Alam mong may sakit ka tapos naglalakad ka nakatopless" ani ko

Napanisn ko na napangiti siya sa sinabi ko, "akala ko wala kang concern sa'kin" aniya at sinuot na niya ang shirt

I rolled my eyes, "ibang usapan pag may sakit ang tao, Tres. At pwede ba tigilan mo na ang pagsusunod sa'kin? at para siguro matahimik kana sasagutin ko na lahat ng mga tanong mo" ani ko

Nakatitig siya sa akin, kaya niliitan ko siya ng mata.

"Ba't ganyan ka makatitig sa'kin? May dumi ba 'ko?" at tinignan ko ang mukha ko sa screen ng phone ko, wala namang dumi

"wala naman akong dumi" ani ko pero patuloy siya sa pagtitig sa'kin

"hey!" pagkuha ko ng atensyon niya

he cleared his throat and nodded his head, "now I know why Uno likes you" he said

Bumuntong hininga ako, "okay fine, your twin likes me pero pwede bang stop na? Nakakasawa na puro siya ang pinag-uusapan natin pag nagkikita tayo. Pwede bang ikaw naman? Like duh, wala manlang akong kaalam alam sayo maliban sa..." hindi ko alam kung itutuloy ko ang sasabihin ko tungkol sakanila ng ex niya

"maliban sa?"

napalunok ako at napakamot ng ulo, "about your ex?"

He faintly smiled, "ah about Vita. Mukhang sinabi sa'yo ni Shadow kung ano talaga ang rason kung bakit ako nandito" aniya

"bakit mo pa siya hinahabol? Shadow said the she's getting married" ani ko

"Gusto ko lang marinig sakaniya na ayaw na niya sa'kin, mahirap ba 'yon? I know that she's getting married, siya pa nga nagpadala sa'kin ng invitation para sa kasal niya"

I gasped, "really? Oh God, that's...painful"

pagak siyang tumawa at tumingin sa'kin, "ang sakit diba? She even kissed me that time, kaya hanggang ngayon umaasa ako na ititigil niya ang kasal pero wala pa rin. Sa susunod na araw na ang kasal niya"

"w-what the fucking hell?! sorry for the bad word pero she fucking kissed? No offense but she's a bitch"

Ang kapal naman ng Vita na 'yon para halikan si Tres. Kung ikakasal na siya bakit kailangan pa niya halikan si Tres? Ano 'yon? goodbye kiss? Luh, pinapaasa lang niya si Tres 'e. Kagagahan niya, ang sarap niya sabunutan.

Nakayuko lang si Tres sa harapan ko ngayon, I know he doesn't know what to do right now. Mas tumindi ang pag-asa niya na magiging sila pa ulit nong Vita dahil hinalikan siya nito pero mali 'yon! Maling mali! God!

"We will go to her wedding..."

"a-ano? Nasisiraan ka ba ng ulo?" umiling ako at ngumisi, "I will help you in a good way, Tres Ferrer. That Vita is not good for your life especially for your heart, okay? We will go to her wedding to show that you're fine. Kailangan mong ipakita sakaniya na hindi mo siya kailangan. Like goddamn it, ginagamit ka lang niya okay?" hindi siya makasagot sa sinabi ko

Bumuntong hininga ako, hinawakan ko at magkabilang kamay niya at mahinang pinisil ito.

"Listen Tres, I will pretend to be your girlfriend to forget her. Yes, tama-magiging girlfriend mo ko hangga't sa makalimutan mo siya at makahanap ka ng mas better sakaniya, okay? I will help you to be in a better state"

Yeah, goodluck to you Artemis. I just hope na hindi ako karmahin sa gagawin at papasukan kong 'to. Remember Artemis, magkaiba na 'to. Pretending. Yeah, sanay na ko magpretend, kaya madali lang 'to.

I looked at him, nagmumukha pa siyang nag-aalangan sa itsura nito ngayon pero kailangan ko siyang pilitin kundi masisira siya ng tuluyan.

"okay lang na magmahal pero isipin mo naman kung masisira ka ba ng pagmamahal na 'yon o mailalagay ka niya sa maayos na kalagayan." ani ko, "so are you in or not? minsan lang ako tumulong, Tres Ferrer"

"how about Uno? Magagalit 'yon pag malalaman-" pinatigil ko siya magsalita gamit ang index finger ko

"Shhh, alam kong inaalala mo si Uno but I have no feelings for him okay? At isipin natin 'yan pag nandiyan na tayo sa sitwasyon na 'yan. Sa ngayon, tutulungan kita kalimutan si Vita at tulungan mo naman ang sarili mong makawala sa pagmamahal na nakakasira sa'yo, okay?"

Tumango naman siya, napangiti naman ako.

"Now, let's do it. Gagawin natin ang ginagawa ng bawat nasa relasyon, pero dahil pagpanggap lang 'to, huwag dapat umabot sa sex okay?" namula naman siya sa sinabi ko, wow, nahihiya pala ang isang Tres sa ganon? cute.

I chuckled, "you're cute..."

_______________________________________________________

follow me on dreame: robleselainemae

add me on facebook: facebook.com/elainemaemariedrobles

follow me on twitter for updates: www.twitter.com/elainemae_wp

follow me on instagram: instagram.com/robleselainemae

Costello 2: ArtemisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon