Chapter 18: Importance

89 7 0
                                    

Chapter 18

Kasal na ni tita Minerva ngayon, at kakatapos lang nito. On the way na kami sa reception na nandito ako ngayon sa harapan nila Apollo at Uno na nagbabangayan sa parking ng simbahan. Nga-aaway sila kung kanino ako sasakay, hindi ba nila ako tatanungin kung kanino sakanila ako sasakay? Tsk

Napailing nalang ako, nagmumukha silang bata sa lagay nila ngayon

"Sa'kin ka nalang sumabay, Artemis" sabi ni Aphro na kakabili lang ng kotse noong isang linggo, napangisi naman ako at tumango

Tumingin ako muli kina Apollo na nasa harap namin, "aalis na kami ni Aphro" agad ko naman nakuha ang atensyon nilang dalawa

"Ayaw mong su—" pinutol ni Aphro ang sasabihin ni Uno, "pwede ba Ferrer tigilan mo na ang kapatid ko? Sinaktan na 'nga siya ng kambal mo makikigulo ka pa" sabat naman ni Aphro sa tabi ko

Tinignan ko si Uno na nakatingin sa'kin, "I-I just want us to be friends again, Artemis"

Bumuntong hininga ako, wala naman sigurong masama na maging magkaibigan kami ulit ni Uno diba? Kahit na kakambal siya ni Tres at naging fling kami noon ay may pinagsamahan pa rin kami maliban sa landian.

"fine, let's be friends again pero tama na sa pangungulit, okay?" lumawak ang ngiti niya at nagulat naman ako nang yakapin niya ako. My god! Bakit niya ko niyakap? Hindi ba niya napapansin na ang daming nakatingin at nanood sa amin?

Bago pa tumagal ang yakap niya ay hinigit na siya ni Apollo papalayo sa'kin, "hindi dahil magkaibigan kayo ulit ng kambal ko ay yayakapin mo na siya. No touching, jerk"

Tumingin lang sa'kin si Uno na nakangiti, "see you at the reception, Artemis!"

Napailing nalang ako at naglakad na kami ni Aphro papunta sa sasakyan nito, "you're letting a Ferrer again, Artemis"

Binuksan ko ang pinto ng kotse bago siya sagutin, "Uno is different from Tres"

PUmasok na kaming dalawa sa kotse at binuksan na niya ang makina, "narinig ko na 'yan noon sa'yo nang papasukin mo si Tres sa buhay mo"

Tumingin ako sa labas, "buti nakabili ka ng kotse mo" pag-iba ko ng usapan namin pero mukkhang nakahalata siya na ayokong sagutin ang mga sinasabi niya sa'kin

"don't change the topic, Art. As your sister, nag-aalala lang ako sa'yo. Ayokong nasasaktan ka" mapait ko siyang nginitian kaya napasulyap siya sa'kin

"Will you mind your own business like what you did to our family before, Aphrodite?" sarcastic na ani ko

"Artemis..."

I lightly chuckled and stared again outside, "pagdating sa'kin may pakialam ka pero bakit pagdating sa pamilya natin wala kang pake? You're weird, Aphro"

"you don't know anything..." I heard her mutter

"wala talaga akong alam dahil tinatago niyo sa amin ni Apollo lahat lahat na para bang hindi tayo iisang pamilya" at sinandal ko ang ulo ko sa salamin,

"Hindi mo ba naisip kung bakit hindi ko na kayo tinatawag ni Hermes na kuya at ate? Because I lost my respect for the both of you..."

Hindi siya nagsalita kaya nagsalita ako ulit, "don't try to be good sister if in the first place you are not a good daughter who cares for the family"

Iyon na ang huli kong sinabi sakaniya hanggang sa makarating kami sa reception ng kasal, pagkatigil palang ng kotse ay agad na ako umalis. She tried to call my name but I didn't stop. Ayoko na muna siya kausapin ngayon, nagsisimula nanaman lumabas ang sama ng loob ko sakanila.

Hindi niyo ko masisisi na kahit ilang taon na ang makalipas nasa puso ko pa rin ang sakit at galit dahil sa mga nangyari noon. I was 6 years old when our parents separated and it fucking hurts a lot.

One week after their announcement, at dahil maraming koneksyon si daddy ay hiwalay na sila ni mama. Kasama ko ngayon si Apollo sa kwarto at tahimik lang akong naglalaro kasama ang doll na niregalo sa'kin nila daddy noong pasko.

Tumingin ako kay Apollo na seryosong nagbabasa ng libro, "kalahating oras kana nasa page na 'yan, you're not reading..." pagkuha ko ng atensyon niya

Sinara niya ang libro at agad na lumapit sa'kin, niyakap niya ako na naging dahilan nang pagyakap ko din sakaniya pabalik

I brushed his hair, "Apollo..." lalo pa niyang siniksik ang ulo niya sa leeg ko at doon ko naramdaman ang luha niya. My twin is crying which he never does, this is a first.

"I-I...I-I can't, Ate..." hikbi nito

I tried to comfort him but I failed, he keeps crying like a baby kaya hinayaan ko nalang siya hangga't sa mapagod siya at masabi na niya sa'kin lahat.

Nakahiga na kami ngayon sa higaan ko habang yakap yakap ko siya, "Shhh..."

"Hindi mo naman ako iiwan diba, Ate? H-Hindi ka naman sasama kay daddy diba?" pinunasan ko ang luha niya at mariin na umiling

Alam niyang daddy's girl ako pero hindi ko naman siya ipagpapalit kahit kanino. My twin is more important than anybody else even to my dad, because Apollo is my other half. Kambal kami kaya wala dapat iwanan.

"Hindi kita iiwan kahit anong mangyari, Apollo. I will never leave you alone. Hindi ba may promise tayo na walang iwanan?" tumango siya

"kahit na hiwalay na sila mama, magkasama pa rin tayo. Kung saan ka nandoon ako, hindi ko hahayaan na mag-isa ka, okay?" tumango siya ulit

Niyakap ko siya ulit at doon siya nakatulog dahil sa sobrang pagod kakaiyak. Bumuntong hininga ako dahil ngayon alam ko na ang nararamdaman ni Apollo. Ako lagi ang una niyang iniisip tulad ngayon. Hindi niya manlang naisip kung papaano na kami dahil naghiwalay na sila mama, kundi inisip niya kung papaano na ako—ayaw niya akong mahiwalay sakaniya and it breaks me the most.

Una sa lahat mas dependent sa'kin si Apollo, he is always with me wherever I go. He never let me done, na kahit nauna ako sakaniya ay protective pa rin siya sa'kin kahit na anim na taon palang kami. Papaano pa kaya kung nagdalaga na 'ko?

Tumingin ako kay Apollo na ngayon ay mahimbing nautulog sa bisig ko, hinalikan ko ang noo niya at pumikit.

Hindi ko rin kaya na mawala ang kakambal ko sa'kin, ngayon ang araw na narealize ko na kaya kong mawala ang lahat 'wag lang si Apollo. Wag lang ang kakambal ko. 

Costello 2: ArtemisWhere stories live. Discover now