Chapter 2

37 2 0
                                    

Chapter 2

Thank God it's Friday! Agad akong bumangon pagkagising dahil 11 am pa naman ang pasok ko. Mahaba pa ang oras ko para makatambay sa paborito naming coffee shop ni Emily.

"Ma, anong almusal?" tanong ko habang sinusuklay ang gulo-gulong buhok ko.

Usually sabay-sabay kaming nag-a-almusal pero dahil maagang pumasok si Papa ngayon, nauna na silang kumain kanina.

"Andiyan sa lamesa nakatakip," sigaw ni Mama mula sa kwarto nila dahil nag-aayos na rin para pumasok sa trabaho.

Lumabas ng kwarto si Mama at hinalikan ako sa pisngi. "Mauuna na ko, V. Kumain ka na lang diyan, ha."

Tumango ako at nagpaalam na rin. Pagkatapos kumain ay naligo ako kaagad para makapagpatuyo na ng buhok. Nagsasabon ako ng braso nang makaramdam ako ng sakit. Tinignan ko ang kaliwang braso ko at nakitang naroon ang pasang tinamo ko mula sa pagkakatama ng bola sa akin kahapon.

Pagkalabas ng cr ay agad akong nagtungo sa kwarto ko para humanap ng t-shirt na maisusuot para matakpan ang pasa.

Pumikit ako nang mariin nang limang minuto na ang nakalipas ngunit wala akong mahanap na t-shirt. Mayroon ditong isa ngunit short-sleeve 'yon. Makikita ang kalahati ng pasa ko at kung sakaling itaas-taas ko ang kamay ko o maglikot ako ay makikita ito nang buo.

Wala akong nagawa kung hindi ang suotin iyon. Alas-otso na at baka naghihintay na si Emily roon. Nagsuot na lang ako ng pantalon, nag-ayos saglit ng mukha at nagpatuyo ng buhok bago umalis.

Mabuti na lang pagkarating ko roon ay wala pa si Emily. Saktong pagkaupo ko ay agad din naman siyang dumating.

"Kanina ka pa?" tanong niya.

"Hindi, kakaupo ko nga lang e," sagot ko sabay tawa.

Binaba niya ang gamit niya at nagtungong counter para um-order.

"Bili lang ako. Hindi ako nakapag-almusal. Inubusan ako ng mga kapatid ko," aniya.

Habang abala siya sa pagkain ay sinimulan ko naman ang pagsulat sa planner ko.

Mayroon lang akong 3 klase ngayon. Kaya paborito ko ang araw ng Biyernes ay dahil sa maluwang na schedule at Sabado kinabukasan.

"Nasend na sa'yo ni Sir Carlos ang comment niya sa draft?" tanong ko.

"Oo, may babaguhin lang akong kaunti tapos pwede na 'ko mag-umpisa."

Tumango-tango ako.

"Sa'yo ba?" tanong niya pabalik.

"Ganoon din. Baka umpisahan ko na bukas para matapos na. Malapit na ang UAAP, panigurado magiging abala ang Student Council niyan," sagot ko.

"Ayaw mo pa namang natatambakan," aniya.

Ngumisi ako. Kilalang-kilala na niya talaga ako.

"Tama," sagot ko.

Nang malapit na mag-11 am ay umalis na kami at pumunta na sa room.

"Sakit ng puson ko," bulong ni Emily sa akin habang nag-di-discuss ang professor namin.

Binalingan ko siya.

"Punta tayong infirmary pagkatapos nito," aniya.

Tumango naman ako at bumalik na sa pakikinig sa professor namin. Tinitignan-tignan ko si Emily tuwing tumatalikod ang professor namin at kulang na lang ay yumuko siya at mahiga sa pamimilipit dahil sa sakit ng puson.

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay agad kaming nagtungo sa infirmary. Bahala nang ma-late sa huling klase. Hihingi lang naman kami ng gamot at magpapalagay ng hot compress.

Take My Heart With YouWhere stories live. Discover now