Chapter 12

17 1 0
                                    

Wala kaming nagawa kung hindi ang sumunod na lang sa SC office. Si Ma'am Heidi na ang nagpatawag kaya alam kong importante itong meeting namin. Idagdag pa na hindi siya naka-schedule dahil usually ay days prior nag-a-announce kami before ang meeting. 

"Bakit anong pagmi-meetingan daw?" tanong ko. 

"Walang sinabi. Nasa SC Office kasi ako, gumagawa ng backlogs ko tapos biglang dumating si Ma'am Heidi at nagpatawag. Ikaw agad ang hinanap, Pres," sagot niya. 

I bit my lower lip. Looks like it's either malalate kami sa game ng UP or hindi na kami tuluyang makaka-attend dahil rush hour na. 

"Aalis ba kayo?"

"Oo. Manonood sana kami ng laro ng UP Men's Basketball sa MOA eh," sagot ni Emily. 

Mabilis kaming naglalakad patungong SC Office. Ni hindi ko na nasabihan sina Samuel at Oliver na may biglaang meeting kami. Mamaya na lang siguro pagkatapos nito. 


"There! Are we complete yet?" bungad sa amin ni Ma'am Heidi pagpasok. 

"Yes, Ma'am," sagot ng isa namin kasamahan. 

"I'm so sorry for the urgent and unannounced meeting, guys. Bukas na kasi ito kailangan at need ngayon ma-announce sa lahat." 


The meeting lasted for less than 2 hours. Maraming napag-usapan pero ang pinakaimportante sa akin ay ang walang klase bukas dahil binigyan kami ng isang araw para manood ng mga laro sa UAAP. 

Nang makaalis si Ma'am Heidi ay agad kong binuksan ang cellphone ko at in-open ang wifi. 

Tadtad ang messages ko galing kay Oliver at Sam. Mabuti na lamang ay naka-silent ito at kung hindi ay baka nagsitunugan na ang notifications ko. 

Oliver:

See you later, Verena!

Are you near yet?

Where are you?

You're coming, right? 

The game's about to start. Are you here already?

Tell me where you are seated so I can give you snacks. 

Wave at me, I'll be looking around later. 

I'll have to go now. 

Are you here? Pinagpahinga muna ako ni Coach. Saan ka nakaupo?

Can you come down? I have snacks here. 

The game's over. We won. Were you able to come?


Samuel:

Nasaan na kayo?

Hinahanap ka ni Oliver. Nasaan na kayo? 

Nandito na ba kayo ni Emily? Saan banda kayo nakaupo? 

Verenaaaaaa!

Huy! Tapos na 'yung game nasaan kayo?


"Tapos na siguro 'yung game nila, 'no?" tanong ni Emily habang malalim na bumuntong hininga. 

"Oo, ito nga tadtad ako ng messages nila. Nakakahiya sabi pa naman natin pupunta tayo."

"Hindi mo ba nasabihan kanina?" tanong niya.

"Hindi na e. Wala na 'kong time, nag-start na agad si Ma'am Heidi."

Una kong nireplyan si Oliver.

Ako:

I'm so sorry, Oliver. Paalis na kami kanina nang nagkaroon ng biglaang meeting ang Student Council Officers. But don't worry, nandiyan naman kami bukas. That's for sure. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Take My Heart With YouWhere stories live. Discover now