Chapter 11

17 2 0
                                    

"Okay, let's have our quiz in 10 minutes. I'll just go to the bathroom," announce ng professor namin. 

Agad kong binuklat ang notes na sinulat ko kanina sa discussion at nagbasang muli. Habang hinihintay ang professor namin na bumalik, sumagi sa isip ko ang naging pangyayari kahapon. 

"Let's go..." bulong niya.

"Teka lang, Oliver, magpapapicture pa 'yung mga babae oh," pigil ko dahil palabas na kami ngayon. 

"Yeah, I know."

"Oh, e bakit tayo umaalis?" Ayaw niya pa ring tumigil sa paglalakad. 

"I'm tired, Verena. Sana kumuha na agad sila ng nagpapicture at hindi ikaw pa ang inutusan." 

Nilingon ko si Emily na malaki ang ngisi. 

"Bad trip..." bulong nito sa akin. 

Nawala ako sa pag-iisip at bumalik sa katinuan noong bumukas ang pinto. Shocks! Wala pa akong narereview. 

Mabilisan kong sinuyod ang written notes ko habang mabagal na naglalakad ang prof namin papunta sa kanyang table. 

"Okay, number 1..." 


"Grabe inaantok talaga ako. I hate 8 am classes!" reklamo ni Emily sa tabi ko habang nandito kami sa coffee shop. Sobrang aga ng klase namin kanina. Kahit ako ay inaantok pa rin. Buti na lang ay may nasagot ako sa quiz namin kanina dahil hindi ko rin alam paano ko nakaya yon. 

"Kumusta kaya ang naging laro nila?" biglaang tanong ni Emily. 

May laro ang UP Men's Basketball team ngayon. FEU ang kalaban ngunit hindi naman kami makakapanood ni Emily dahil umaga ang game nila at may klase kami. Sobrang busy rin dahil sa dami ng pinapagawang activities. 

Binuksan ko ang laptop ko at nag-open ng document na ginagawa ko kagabi. Tumunog ang cellphone ko at tinignan kung sino ang nag-message. 

Samuel Alcantara:

Panalo kami! 

Remind me how did he know my Facebook again? Ni hindi nga kami friends sa Facebook. 

Ako:

Congrats! Who are you again? 

Pagbibiro ko. Kasi naman, wala man lang pa-add friend muna bago siya mag-chat sa akin. 

Samuel: 

Ouch! Porket kayo lang ni Oliver ang friends sa Facebook ginaganyan mo na ako. 

I laughed. Nilingon ako ni Emily. Tinaas niya ang kilay niya na para bang nagtatanong. 

"It's Samuel. Panalo raw UP."

Pumalakpak siya at paimpit na sumigaw. 

"Sayang talaga hindi tayo nakanood!" pagmamaktol niya. 

"Basketball or quiz?" tanong ko na may halong pang-iinis. 

"Syempre... quiz," sagot niya sabay simangot. 


It's the day where UP will fight against Adamson. Unfortunately, hindi kami makakapunta dahil natapat na naman siya sa oras na may klase kami. I am maximizing my work time dahil pinaplano namin ni Emily na kahit sa finals man lang ay makasama kami at makapagbigay ng suporta. I just messaged Sam this morning and told them good luck. 

Ako:

Good luck sa inyo, Samuel! Hindi kami makakapunta ni Em. We have classes, sorry :(

He replied after a few minutes. 

Take My Heart With YouWhere stories live. Discover now