Chapter 8

54 4 8
                                    

Their house was big as a mansion. Pagkapasok pa lang ay bumungad na agad sa akin ang ingay ng speakers. Nasa labas ang handaan. Mayroong malaking space sa gilid ng bahay nila at doon nakahanda ang mga tables at pagkain. It's a buffet.

"V!"

Nilingon ko ang sumigaw at nakitang si Emily iyon.

"Ganda mo, girl!" aniya.

"Huwag ka nga! You look good, too!"

Nag-pose pa siya nang parang model kaya nagtawanan kami.

"Bagal ni Oli talaga," dinig kong reklamo ng paparating na si Sam.

"Whoa! Who is this pretty lady, Oli?" tanong ni Sam nang may diin sa pangalan ni Oliver.

"Shut the fuck up, Samuel. Come on, Verena."

Naunang maglakad si Oliver at sumunod naman kami. Nagbubulungan si Emily at Samuel sa likod ko.

Ilang hakbang pa ay narating namin ang malaking gazebo nila. May mga nakapalibot na ilaw rito at nakahanda na ang mga lamesa't upuan. Naroon na ang iba niyang mga kasama.

"Uy, Pres!"

"Pres!"

"Pres V!"

Nilingon ako ni Oliver. Isang beses ko muna siyang tinapunan ng tingin bago ko nginitian ang mga tumatawag sa akin.

Hinila ako ni Emily sa upuan namin. Ako, si Emily, si Abigail, at ang dalawa ko pang co-officers ang nasa lamesa namin.

Nagkaingay nang dumating ang sasakyan ni Sir Andrada. Bumaba siya sa kanyang sasakyan at nagsigawan ang mga kalalakihan. Kami naman ay tawa nang tawa dahil kinantsawan na ng mga players si Sir Andrada.

"Batang-bata, Coach!"

"Chix oh!" panunuya nila sa kanilang coach.

Nakita kong parang may hinahanap si Sir Andrada.

"Ayun si Pres, Coach," wika ng isang player sabay turo sa akin.

Nagtama ang paningin namin ni Sir Andrada. Kinawayan ko siya at ngumiti. Lumapit naman siya sa lamesa namin.

"Buti nakarating kayo, lalo ikaw, Verena? Ayos lang ba ang pwesto niyo rito?"

Sabay-sabay kaming tumango.

"Opo, Sir. Ayos na ayos po. Komportable naman," sagot ko.

"Mabuti naman. Oh, tara na? Kain na tayo."

Tila gatilyo ang mga salitang iyon dahil nagkaingay na naman sila.

"Ayon, sa wakas!"

"Paunahin ang mga babae, mga p're," dinig kong mando ni Oliver.

Isa-isa kaming pumila at kumuha ng kanya-kanyang pagkain. Tatlong putahe ng ulam ang kinuha ko. Hinintay ko munang makaupo ang lahat ng kasama ko sa lamesa bago ako nagsimulang kumain.

Abala ako sa pag-nguya nang mahagip ko ang mga mata ni Oliver. Gumalaw ang mga kilay niya na tila ba nagtatanong kung komportable pa rin ba kami sa aming lamesa.

Hindi naman nalalayo ang lamesa namin sa kanila. Nakagitna pa nga ito ung tutuusin. May mga lamesa pa sa likuran namin na inuukupa ng ibang mga players.

Marahan akong ngumiti sa kanya at tumango. Bumaba ang tingin niya sa plato ko. Tinuro niya ang hilera ng mga ulam. Tumango ako bilang sagot na ayos na ang dami ng pagkain na kinuha ko.

Nag-serve ng juice at tubig. Inaya naman ako ni Emily na kumuha ng panghimagas na leche flan.

"I should've added blueberry cheesecake on the menu."

Take My Heart With YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt