chapter seven

597 40 18
                                    

Lumipas ang limang araw at pakiramdam ko ay lumalapit na sa akin ang kalooban ni Alastair. Dahil may klase kami, madalas hapon na ako nakakapunta sa bahay niya. Sandali lang iyon dahil kapag bandang alas-singko na ng hapon ay ihahatid na niya ako pauwi.

"Ayaw mo munang tumuloy sa bahay namin? Ipapakilala kita sa Papa ko.." sambit ko sa kanya nang ihatid niya ako sa tapat ng bahay namin.

"What for? We're not gonna last anyways.."

I frowned at him. Hindi na talaga siya nagbago. Talagang matalas ang dila niya sa kahit anong pagkakataon.

It's Friday today and we're gonna end our relationship on Sunday. Pagkatapos noon, tapos na ang kaligayahan ko.

Dahil Monday to Friday ang klase ko, hindi ko maaaring ipagpaliban iyon. Halos isang oras ko lamang siyang nakasama nitong nakaraan. I suddenly felt so down. I should have asked to be with him during holidays para wala sanang pasok but that is totally impossible. In two days, matatapos na kaming dalawa.

"Stop spacing out. Bumaba ka na," utos niya sa akin. Naputol tuloy ang pag-iisip ko nang magsalita siya.

"Okay.." I said while removing my seatbelts. Marahan kong binuksan ang pintuan ng sasakyan pero nagsalita na siya bago pa man ako makababa.

"You don't have to be depressed. We still have two days left."

Pakiramdam ko ay nag-twinkle ang mga mata ko sa sinabi niya. Is he looking forward to our last two days? Papayag ba siyang mag-extend?

"Then, should we watch movie tomorrow?" masaya kong tugon.

"Sure.." he nodded pero hindi siya nakatingin sa akin kundi sa labas ng sasakyan. Hindi ko malaman kung masaya ang tono niya nang sabihin niya iyon, but I can say there's improvement on his tone.

"Also, I'll search for any strawberry recipes, too!" masaya kong suhestiyon.

He liked any strawberry recipe I made. Kaya naman gusto ko siyang busugin sa mga bagay na gusto niya. I want to do everything so that he'll appreciate me. Hindi ko na mababago ang isip niya dahil napag-usapan naming isang linggo lamang ito, but I know I won't have regrets.

"Do whatever you want.." mahina niyang tugon.

I smiled at him. Iyong ngiti na pati mata ay tumatawa.

"Then, goodbye mahal ko. See you tomorrow! I love you!" I leaned at him and kissed him on his right cheek, leaving him speechless again.

Nang makaalis ang sasakyan ni Alastair ay hindi ako muna nagdiretso sa bahay. Naglakad ako palabas ng gate at saka naghanap ng masasakyang jeep. I decided to meet up with Emily today. Hindi kasi kami gaanong nagkikita kaya ngayon ako makikipagdate sa kanya.

"You're late," nakasimangot na sabi ni Emily habang nakapwesto na sa isang coffee shop. "Nagkanobyo ka lang, nakalimutan mo na ako."

"Sorry na, Em. Pwede mo ba ako ilibre ngayon?" natatawa kong sabi. I even hugged her to calm her down.

"Why?" nagtataka niyang tanong. "Alam na alam mo talaga kung kailan ko natatanggap ang allowance ko from scholarship." natatawa niyang tugon.

"Hindi," I laughed while being so defensive. "Wala na akong napera kasi inubos ko na kay Alastair."

Nanlaki ang mata niya sa akin. "Huh? What the heck? Bakit mo naman uubusin ang pera mo kay Alastair? Alam naman nating lahat na mayaman ang lalaking 'yun!"

"I dunno.. Ngayon lang naman ito e kaya hayaan mo na.."

"Ano ka sugar mommy?"

"Alam mo kasi Emily... Parang gusto ko siyang i-baby si Alastair. Parang ang sarap niyang alagaan.." I dreamily said. "He looked so empty so I just want to make him feel loved and appreciated."

Persia's PrayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon