chapter four

355 36 7
                                    

Maraming lalaki ang nasa labas ng bahay namin pag-uwi ko galing eskwelahan. They are wearing black suit and most of them look muscular and violent.

Bagamat hindi sila nagbigay ng nakakatakot na tingin sa akin, diretso ako papasok sa sala. Nakaupo si Papa sa sala katapat ang isang lalaking kalbo. Nakasuot ito ng itim na shades and he looked like a villain. He's sitting there, dignified and respected. Siya siguro ang lider ng mga lalaki sa labas. What are they doing here? Bakit may gang na nakapalibot sa bahay namin?

"Oh.. Persia, nakauwi ka na.." sabi ni Papa sa akin. Lumapit ako sa aking ama at saka humalik ako sa pisngi.

"Mr. Cayetano, is this your daughter?" tanong ng lalaki. Napalingon ako sa lalaki at siya naman ay nakatitig sa akin.

"Ahhh..oo. Her name's Persia," my father said while introducing me. Ngumiti sa akin ang lalaki. There's a gold thing on his teeth. I wonder if that's normal teeth or a gold teeth. What the hell?

"Hello, iha. I am Hugo Claveria."

"Ahh, hello po.." Ngumiti ako at tumango sa lalaki.

"Bueno, Rowan.. I need to leave because I have some matters to attend to. I hope you'll think about my offer." Mr. Hugo said bago tumayo sa kinauupuan. My father smiled thriftly. Mr. Hugo offered his hand and my father gladly accepted it.

Nang makaalis ang mga lalaki ay kaagad kong tinanong si Papa kung bakit maraming lalaki ang nagkukumpulan sa bahay namin.

"They are planning to buy a land, iha. Nagkataon na hawak ko ang titulo ng lupaing iyon, Persia. Tatayuan ng bahay-ampunan at mga simbahan ang lupaing iyon."

Napatango-tango ako. "So pumayag po kayo?"

"Hindi, iha. Kahit gaanong pera pa ang i-offer ng kahit na sino, nakalaan na ang lupaing iyon sa pagpapatayo ng bahay ampunan." He sighed heavily. "Pero alam kong babalik pa rin sila dito para kulitin ako. This would be really difficult.."

My father is a kind man. Wala akong matandaan na sinigawan niya ako o pinagbuhatan ng kamay. Kapag may pagkakamali ako, kinakausap niya ako ng maayos at itinatama ang mali ko. Kaya alam kong hindi niya kayang tanggihan ang mga bisita. He's very kind to anyone.

"Dapat hindi mo na lang sila pinapasok dito, Papa. Paano kapag naging bayonte sila or hindi kaya pilitin kang pumayag sa kagustuhan nila.."

"Iha.. isa si Hugo sa sponsor ng isang charity dito sa bayan. Hindi pwedeng tanggihan ko iyon. Sa kanya nangggagaling ang karamihan sa kinakain ng mga bata.."

"Then, hindi po ba niya naiintindihan na tatayuan ng ampunan ang lupang gusto niyang bilhin?"

"Iyon ang lokasyon na kailangan nila para sa kanilang negosyo. Alam mo naman ang mga businessman Kleya, sadyang gagawin ang lahat para lumago ang mga negosyo.." My father answered.

I just hug my father to at least comfort him. My father is getting old. Hindi na niya kailangang gawin ito pero dahil hindi niya tinatakbuhan ang responsibilidad, he's still into good deeds. Wala na akong mahihiling pa. I maybe the luckiest daughter on Earth for having this kind of father.

"Persia, galingan mo ha? Kapag naipanalo natin ang larong ito, makakasama natin si Alastair sa joint training.." Emily tapped my shoulders habang papasok kami sa court. I smiled at her.

Today is our tournament. Kailangan kong ipanalo ang larong ito dahil kailangan kong makasama si Alastair my loves sa mga training. Luminga ako para hanapin siya pero hindi ko man lang nakita ang anino niya. Sana manood man lamang siya sa game namin. Kaya lang naman ako umabot sa ganito ay dahil gusto ko siyang makasama sa camp. Sa nababasa ko kasing nobela, maraming nagaganap kapag may mga camp and traning so might as well grab this opportunity.

Persia's PrayerWhere stories live. Discover now