chapter six

446 40 12
                                    

Matiyaga akong naghihintay sa entrance ng subdivion nila Alastair. Ngayon kasi ang unang araw ng pagiging magkasintahan namin. Nakasuot ako ng skinny jeans na pinarisan ng floral puff-sleeve na kulay old-rose. Dagdag pa doon, nakasuot ako ng puting rubber shoes. As much as I want to wear dress, I can't. Pinag-isipan ko ng mabuti iyon. Baka hindi ako makagalaw ng maayos kapag nakabestida ako kaya ito ang napili kong suotin.

"Kuya, matagal pa po ba?" naiinip kong tanong sa security guard. Ibinigay ko na ang ID ko pero kailangan pa daw itawag mismo kay Alastair ang pagbisita ko. Ganoon kasecured ang subdivision. Itinext ko na naman si Alastair pero what's taking him so long? Today was our agreed first day in a relationship kaya dapat maaga siya. Sayang ang oras!

"Hintayin niyo na lang po si Sir, Miss.." magalang na tugon ng security guard.

Maya-maya lamang ay may puting Ranger na papalapit sa entrance. Tumigil ito malapit sa bungad ng subdivison.

Ilang sandali pa, bumaba na doon si Alastair. Nakasuot ito ng itim na T-shirt at jersey shorts. Simple lamang ang pananamit niya pero bakit nag-uumapaw siya ng sex appeal? He's a masterpiece. Marahil kung Diyos ang gumawa sa kanya, intern lamang ang gumawa sa mga katulad ko.

Wala pa rin siyang reaksyon ng makita ako. Matamis akong ngumiti pero wala akong nakuhang matinong sagot sa kanya. Napakasungit! Ngingiti lang eh!

"Pumasok ka na sa sasakyan," malamig niyang tugon sa akin. Tumango ako at saka tumalima. Pumasok ako sa sasakyan at nalanghap ko doon ang panlalaking amoy. Ano kayang perfume ang ginagamit niya? Amoy pa lang, mukhang mamahalin na. Ako kaya, kailan niya mamahalin?

Kausap ni Alas ang guard at mukhang seryoso ang usapan nila. Tumango-tango kaagad ang guard. Pagkatapos noon ay umalis na rin si Alastair.

Malakas ang kabog ng dibdib ko nang makitang papalapit na si Alastair. It really feels like a dream. Alam kong panandalian, pero hindi ko maikubli ang saya sa dibdib. Nang pumasok siya sa sasakyan, mas lalo lang akong kinilig. Me together with Alastair on a car is so romantic!

Hindi siya umimik nang buhayin ang makina ng kotse. Now this is awkward. I can only keep on watching his hands while driving. Now that I am looking into it, his hands are slender. Mahahaba at maninipis ang daliri niya which made me blush. Ano kayang pakiramdam kapag nagholding hands kami?

Nakatitig lamang ako sa kanya. I can't get enough of his perfect face.

"What?" he asked. Napansin niya siguro ang paninitig ko sa kanya. Lumingon siya ng bahagya sa akin pero nagfocus din sa pagddrive makalipas ang ilang segundo.

"I love you.." I bluntly said.

"Tsk," he said. "How can you casually say it?"

"It's just for a week so might as well say it. I love you, Alastair."

Hindi na siya umimik dahil maya-maya pa ay nakaparada na kami sa isang garahe. Nang masdan ko ang bahay, it's a big white house. Maganda ang bahay at napapalibutan din ito ng puting bakod. It looks like a  western house and I'm really amazed by it. So totoo nga, mayaman si Alastair?

"Uhh... andito parents mo?" I asked habang binubuksan niya ang pintuan.

"I will never invite you if my parents are here.." malamig niyang tugon.

Eh? Does that mean we are alone? Together?

"Oh my gosh, so tayo lang dalawa talaga? Kinikilig akoo!" I exclaimed habang pumapasok sa loob ng bahay. Hindi niya ako pinansin sa sinabi ko.

Persia's PrayerWhere stories live. Discover now