chapter eleven

211 7 9
                                    

"Tsk, what are you doing? Ang bagal mo naman!" reklamo ni Dylan sa akin. Hingal na hingal ako habang nakakapit sa bato. Iyon na ang pinakamahabang assault sa buong buhay ko.

If ever you're wondering, the coaches decided to hike. Ayaw na ayaw kong sumama dahil tinatamad akong sumama at kabi-kabila ang exams ko. Pero dahil pinagtutulakan ako ni Papa na magpapawis, wala akong ibang nagawa kundi ang sumama. Isa pang dumagdag sa stress ko si Dylan. Wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang sabihan ako na ang bagal kong maglakad.

"Will you please wait! Alam mo namang ito ang unang beses kong umakyat ng bundok?"

"Are you really an athlete? Bakit ang hina ng stamina mo?"

This damn muscle head. Natural na mapapagod ako. May dala dala akong tent. Sumasakit na ang likod ko dahil mabigat ang dala ko. And Dylan have no plans on helping me. Mas mabigat ang dala niya kumpara sa akin.

"Eh bakit ba? Sinabi ko naman sa'yong ayaw kong sumama e!"

Naiirita na ako dahil pagod na pagod ako. Gusto ko na lang bumaba ng bundok at matulog na lamang.

"I told you we can share dito sa tent ko. Edi sana magaan ang dala mo!"

"Ayaw nga kitang tabihan! Mamaya pagnasahan mo ako eh!"

Nahuhuli na kami sa umaakyat. Ako yata ang pinakamabagal sa grupo kaya alam kong iritado na si Dylan.

"I have no plans on doing that, Persia. Give me your damn bag at ako na ang magbubuhat. Kapag nahuli tayo, baka maligaw lang tayo. Malinaw ang trail pero maraming naliligaw dito," Dylan said.

Umirap ako kay Dylan at saka nagpatuloy sa pag-akyat. Dalawang grupo kaming umakyat. Nauuna ang basketball team, at ang vollyball team ay nahuhuli. Sadyang ayaw lang akong iwanan ni Dylan dahil siya itong nagpumilit na magsama sa akin.

"Okay ka na?" Dylan asked habang nakaupo at nagpapahinga sa may lilim. Tumango ako at saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Kaya kita pinilit na sumama is because you need to take a break. You're pushing yourself too much. Puro ka na lang aral," sabi niya. Nasa bandang patag na kami kaya hindi ko na gaanong nahihigit ang hininga ko.

"Take a break from what? I need to take a break from seeing Alastair. And yet you forced me to come," I said in monotone.

"I forced you to come here to reconnect with nature. Not to reconnect with Alas. Are you dumb?"

I smacked Dylan with the bottled water. He winced in pain.

"Wow, may energy ka na ulit. Tsk," Dylan snorted. "I need to replenish the water bottles. Mauna muna ako and don't rest too much. Hihintayin kita after kong mapuno ang bote ng tubig," Dylan said.

Nauna na si Dylan para kunin ang tubig sa tour guide. Ako na yata ang umubos ng tubig ni Dylan. Because I was sweating a lot, maya't maya din ang inom ko ng tubig. Damn, I am not hiking again.

Lumingon ako sa likod. Nakikita ko sila Celestine na may kausap. Hindi ko na namamalayan ang paligid dahil busy ako sa paghigit ng hininga habang umaakyat. Walang hangin at kahit maraming puno, pakiramdam ko ay kinakapos ako ng hininga.

"Are you okay?" Celestine asked. Kasama niya sina Dane at alam kong sila ang magkakabuddy ngayon. Nadaaanan nila ako na nagpapahinga sa may malaking bato.

"I'm fine, mauna na kayo. Susunod na ako," I said. Another assault and my knees are about to give up. I really need to take a rest.

"Oh, okay. Don't worry, may kasunod pa kami. Doon ka na lang sumabay para hindi ka maligaw," Celestine said. Tumango ako at kumaway sa kanila. Dane and Celestine continued to chat. It's like they are enjoying their hike. Hindi katulad ko na anumang oras ay makakatulog na sa pagod.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Persia's PrayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon