Kabanata 11

384 31 2
                                    


“Hello,” sagot ko sa tawag ni Klare sa phone. Sana hindi sila magtampo.

“Where are you na?!”

“Paalis pa lang ng bahay, bakit?”

“Ang tagal mo naman. Bilisan mo naman, hindi kana nga nagpakita nung weekends.” Aniya na tila naiinis na sa 'kin. Natatawa na lang ako sa kanila. Mga chismosa talaga.

“Okay po, Madame,” natatawang saad ko at ibinaba na ang tawag.

Hinihintay nila ako ngayon. Gusto na nilang maki-chismis sa nangyari sa shoot nung friday. Malilintikan naman ako sa kanila kung hanggang ngayon ay hindi ko iku-kwento. Tinaguan ko sila nang sabado at linggo.

Hindi ko alam pero parang exhausted ako sa shoot. Nilibang ko ang sarili ko noong weekends, nag-mall at arcade ako nung sabado at nagsimba naman nang linggo.

The shoot went fine naman. I've told everything to Papa and Auntie rin. I told them what happened and how was my experience doing that. Alam nila na iyon ang isa sa mga dream ko. Ang magmodel.

They're seem happy about that thing. I'm happy too, it's an achievement to me after all.

But the last scene I had with Logan was haunting me. Tuwing bago ako matulog naaalala ko. He's very mad and furious.

And the heck with him, I don't even know why he is acting that way. Kaya nasira na rin ang gabi ko. Pero mas inisip ko ang naging magandang experience ko sa araw na 'yon.

Pero hindi ko pa rin makuha bakit bigla naging gano'n na lang siya.

Nag-commute lang ako, lagi naman. Hindi ako nakasabay kay papa dahil maaga rin siyang umalis.

“Bayad ho,” sabi ko sabay abot ng bayad. Jeep lang ang lagi kong sinasakyan, medyo hindi ko gusto ang amoy sa bus at nasusuka ako na ewan.

Pansin ko ang tingin ng mga kasama ko sa loob. I'm used to it. Pero ang creepy pa rin para sa akin.

“Ang ganda mo naman, hija.” Ani ng matandang babae na katabi ko.

“Salamat ho,” saad ko at nginitian ko siya ng matamis. Ang gandang bungad sa araw. Being complimented by others is such a bliss.

Pero paano kaya kung malaman nilang hindi ako babae? Pupurihin pa rin ba nila ako? Purihin man o hindi, at least masaya ako sa buhay. Kung i-judge man, dedma na lang.

Natanaw ko ang entrance at kita ko na rin sila Klare na naka-abang. Pumara na ako at bumaba. Nang makita nila ako ay sinalubong agad nila ako ng yakap.

“Bwiset ka! Na-miss ka namin, may utang ka pa sa 'min,” atungal ni Klare na parang bata na inagawan ng candy.

“Chikahan na ulit later,” si Kim na tuwang-tuwa.

“Tago ka pa ha!” pangaakusa naman ni Steph. Na nagpatawa na rin sa akin.

“Nandito naman na ako ah, kayo talaga! Oo na libre ko kayo mamayang lunch.” paliwanag ko sa kanila.

“Dapat lang ano! Pinatagal mo pa kasi, pwede naman nang sabado.”

“Oo na nga eh, tara na at baka ma-late pa tayo. Basta mamaya ko na iku-kwento ang lahat.” Sumang-ayon naman na sila pero inirapan lang ako ni Klare. Ang bruha grabe magtampo.

Dumiretso na agad ako sa building namin. As usual ako na naman ang mag-isa bakit kasi naghiwalay ni Klare. Wala tuloy walking buddy.

Umupo na lang ako sa upuan ko pagdating ko sa classroom namin. Nakita ko nagre-review ang katabi ko.

Indulging With The Beast (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon