"S-Si...Del ito, Zai..." Napapitlag naman ako bigla.

Nanahimik ako bigla ng makilala ko na ng tuluyan ang boses na tinawagan ako. "D-Del..."

"Pwede ko bang maitanong kung nasaan ka ngayon?"

Hinawakan ko ang manibela at sumandal sa upuan ko. "Hahanapin ko si Xander," mahinang wika ko.

"I've heard about his situation right now, Zai and I want to help -- to help you," saad niya.

"'Wag na, Del. Kaya ko." Totoo naman.

Naramdaman ko naman na umiling siya sa kabilang linya. "Zai...gusto ko lang naman na makabawi sa 'yo. A-ako kasi ang dahilan kung bakit nalaglag ang nasa s-sinapupunan mo noon. Sobra-sobra ang hiya na naramdaman ko, Zai...kaya, please lang."

Umiling ako. "Kaya ko ng mag-isa, Del--"

"Payagan mo na ako, Zai!" I can hear her sob. "Hindi kaya ng konsensya ko na nasaktan ko ang kaibigan ko..."

"Del naman..."

"I'll help you find him, Zai. Promise, ako ang sasama sa 'yo para mahanap siya," pag-e-engganyo niya pa.

"Why all of a sudden you were like this?" I asked her coldly.

Hindi ko tuloy mapigilan ang pagiging mataray. Parang noon lang sobra-sobra ang galit niya sa akin tapos ngayon, gusto niya akong tulungan?

Narinig ko ang bahagyang pagbilis ng paghinga niya sa kabilang linya. "I...I wanted to say sorry and hindi ko naman talaga alam ang sitwasyon mo noon, Zai, e. Just please, let me?"

"E, kung si Lily nga ay hindi ako napa-pilit, ikaw pa kaya?"

I can hear her whimper. "Please..."

"Salamat nalang, Del..." Ibinaba ko na ang tawag.

Halos tumalon naman ako sa kinauupuan ko ng marinig akong katok mula sa aking bintana. Doon na lamang ako nagulat dahil ang kakatapos ko lang kausapin sa telepono ay nandito na! "DEL?!" Singhal ko kahit alam kong hindi niya ako naririnig.

I opened the door of my car and faced her. "I will not say sorry, kung gusto ko, gusto ko."

"Paano ka nakapunta dito?" I asked her.

Nag-kibit siya ng balikat at humagikhik. "I brought my Hennessey Venom GT, look!"

Napanganga ako. 'Yan kaya ang pinakamabilis na kotse! Tinalo kaya nito ang Bugatti Veyron! "You're insane..."

Hinawakan niya ako sa aking kamay at ngumiti. "'Yan nalang ang gamitin natin, mas mabilis pa tayong makakapunta sa kung saan 'man si Xander."

Sa huli, pumayag na rin ako. Wala na akong nagawa -- ang kulit, sobra. Pinagtulungan na naming ilipat ang mga gamit ko sa dinala niyang sasakyan. Pinasundo ko na rin kay Manong ang kotse ako at saka na nagsimula na ang paghahanap namin...

===

"Isa ito sa mga pribadong probinsya sa Pilipinas," panimula niya.

Nasa probinsya na pala kami, ang bilis talaga ng takbo nitong Hennessey Venom GT niya. "Sana naman makahanap tayo ng impormasyon dito.

"Oh! Tignan mo, Zai! May bukid do'n!" She squealed. "May picture ka ba ni Xander diyan?"

Tumango ako at hinugot mula sa bulsa ng bag ko ang cellphone ko at hinanap ang litrato kung saan ang family picture naming apat. Buhat-buhat ni Hub si Lexus at nasa kandungan ko naman si Larzene. Biglang may tumulong luha sa pisngi ko. Masayang-masaya kami dito...

"M-Meron," wika ko at pilit na ipinatatag ang boses ko.

Sumilip ako ng bahagya sa kanya at laking pasasalamat ko na ang konsentrasyon niya ay nasa daan. "Okay, let's ask them."

She parked her car at sabay rin kaming lumabas. Sariwang hangin kaagad ang sumalubong sa amin.

Good thing we were wearing gel slippers kaya malaya kaming makapaglakad ng maayos. Isa sa mga babae na may edad na ang lumapit sa amin. "Ano ang pakay niyo dito, mga magagandang ineng?"

"Uhm..." I struggled. "Nagbabaka-sakali lang ho kung kilala niyo ito...?" Ibinigay ko sa matanda ang aking telepono at agad na itinuro ang mukha ni Xander.

Nakita kong napatakip siya ng kanyang bibig at muntikan nang maibagsak ang telepono ko, pero mabilis ko naman itong nakuha. "B-bakit ho?!" Tarantang wika ni Del.

Tinignan niya ako habang ang mga mata ay nanlalaki. "Diyos ko..."

Hindi ko maiwasang magtaka. "K-kilala n'yo po ba ang lalaki na itinuro ko?" I asked her again.

Dahan-dahan naman siyang tumango at bigla namang gumaan ang lahat sa akin. "T-talaga po?!"

Nagkatinginan kami ni Del at ngumiti sa isa't-isa. Ibinilin niyang sundan namin siya kaya hindi na kami nagdalawang-isip pa. Hindi na ako makapaghintay na makita muli si Xander!

Nakarating kami sa isang kubo at sinabihan kami na umupo muna. "Maghintay lang ka--"

"Nanay!" Isang boses ng babae.

Napalingon ang matanda sa likod niya at ako naman ay ibinaling ang ulo ko sa ibang direksyon upang makita kung sino ang tumawag sa kanya.

My soul almost parted in my body when I can already see him! It's my husband! Pero, gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ko ang kamay ng babae sa braso ng asawa ko. Parang na akong pinatay.

"Meron pala tayong bisita ngayon?" Rinig ko pang wika ng babae.

Kahit na gustong-gusto ko nang tumayo at yakapin si Xander ay hindi ko magawa. Kailangan kong pigilan ang sarili ko.

"Xander..." I murmured his name.

Ramdam ko na naman ang pagtutubig ng mga mata ko nang dahil sa nakikita ko. Dumating na ang kinatatakutan ko. Naramdaman ko naman ang kamay ni Del sa akin kaya napa-angat ako ng tingin sa kanya. "Don't be, Zaira..." I heard her whisper.

"Jexamine, anak. Mag-usap muna tayo sandali?" Narinig kong wika ng matanda.

"B-bakit ho, 'Nay?"

Nakita kong ngumiti si Xander. "Why don't we accompany our visitors for a while?" Narinig ko namang inirekomenda ni Xander.

Visitors? Shit, lang. "Tama naman ho ang sinasabi ni Marc, 'Nay. Asikasuhin muna natin ang mga bisita."

Humiwalay siya mula sa pagkakahawak niya kay Xander at lumapit sa akin. "Magandang araw ho, Jexamine ang ngalan ko at Nanay Linda naman ang ngalan ng aking Inay," nakangiti niyang pagpapakilala sa amin.

"Ikinagagalak ko kayong makilala." kahit hindi naman.

Lumapit siya kay Xander at hinalikan muna ito sa kanyang labi bago magsalita, "Kasintahan ko po... si Marc."

Sa katunayan, gusto ko nang humagulhol sa harapan nila.

===
NOTE:

NO 40 VOTES, NO UPDATE.

For further reactions and questions, connect with me in these accounts:

FB: Zhiee Ehcks WP

Twitter and Instagram: ZX_0924



PLMAILY 2: Loving You Forever (The Architects Series #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon