Chapter 39

14.8K 212 47
                                    

Z A I R A

"Maraming salamat, Jexamine. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito."

Ngumiti kami sa isa't-isa. Maibabalik ko na rin si Xander sa wakas. Hindi na ako makapaghintay, sabik na sabik na ako sa pinakahihintay kong araw. Pinunasan niya ang luha ko at niyakap ako sandali. "'Wag kang mag-alala, tutulungan din kita pagdating sa mga limot na mga alaala ni Marc."

Lalo akong naluha. "Sobrang bait mo, Jexamine. Nakakapanghinayang lang kasi sobrang laki ng nagawa mo para sa akin -- sa amin ng asawa ko. Ano'ng bang pwede kong gawin para makabawi ako?"

Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na umiling. "Ibinabalik ko lang ang hindi sa akin, Zaira. Hindi sa akin si Marc at alam kong ikaw ang laman ng puso niya kahit na nakalimot pa siya." Huminga siya ng malalim at tinignan ako. "Mahal ko si Marc pero hindi sapat ang pagmamahal na iyon para agawin siya mula sa inyo -- ng pamilya niyo."

Sobra-sobra na ang hanga ko para sa kanya. Kahit mahal na mahal niya pa si Xander ay ibinalik niya pa rin sa akin -- sa amin.

"JEXAMINE! Si Marc!"

Agad naman kaming napatayo at pumunta sa kinaroroonan ng mga sumisigaw.

"Ano'ng nangyari sa kanya?" Tarantang tanong ni Jexamine nang makalapit kami.

Hingal na hingal silang inilagay si Xander sa isang kahoy na mesa. Halos hindi ko masikmura ang hitsura niya -- umaagos kasi ang dugo sa kanyang buong ulo. Para akong nanghina at hinawakan ang kamay niya. "X-Xander..." Bulong ko.

Mabilis silang kumuha ng puting tela at agad na binasa iyon para mapigilan ang pagdurugo. Nakahawak lang ako sa kanyang kamay habang ginagawa nila ang mga 'yon. Palihim ko na rin na ipinagdadasal na magiging maayos din si Xander paggising niya.

Mabuti na lamang at mabilis silang kumilos kaya kaagad na naagapan ang pagdurugo sa ulo ni Xander. Nakahinga ako ng maluwag pero nanatili pa rin ang kamay ko na nakahawak sa kanya. Hindi ko siya iiwan.

Naramdaman ko naman na may tumapik sa balikat ko. "Magiging maayos na rin si Marc. Hintayin nalang natin siyang magising." Ngumiti siya sa akin at tinabihan ako.

"Pakisabi nalang sa kanila na maraming salamat," sabi ko kaya tumango siya.

Ilang sandali rin ang katahimakan at pareho lang kaming nakatingin kay Xander na nagpapahinga. "Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal mo sa kanya kanina -- hindi mo siya binitawan. Nand'yan ka lang."

"Kahit na hindi niya ako maalala, gusto kong maramdaman niya ang presensya ko kahit sa isang sulok 'man lang ng kanyang puso." Hinalikan ko ang kamay niya at hinaplos ang noo niya. "Sobrang laki ng naging kasalanan ko sa kanya -- sa pamilya namin. At...grabe-grabe na ang pag-si-sisi ko tungkol doon, Jexamine. Pero, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na magiging maayos rin ang pamilya namin."

Napasinghap pa ako bago ako humagulhol. Niyakap lang ako ni Jexamine at ibinulong, "'Wag kang mapapagod, Zaira."

===

"How was Dad?" Napangiti ako ng mapait. Imbes na batiin niya ako ay si Xander kaagad ang hinanap niya.

"I will bring him back soon, okay, Baby?" Sabi ko at sinulyapan si Xander.

"Tell him that I miss him when he wakes up," bilin niya na mabilis ko namang sinagot na 'Oo'.

E, ako anak? Hindi mo ba ako na-mi-miss? "Take care, Baby. I miss you and I love you."

Nagulat pa ako nang bigla niyang ibinaba ang tawag kaya parang may nahiwa na naman sa bandang puso ko. Napailing nalang ako at mabilis na pumunta sa kubo kung saan malayang natutulog pa rin si Xander.

Nadatnan ko naman doon si Manang Linda na ginagamot ang mga munting galos ni Xander sa katawan. "Nadulas pala si Marc habang kumukuha ng niyog mula sa puno nito," paliwanag niya. "Sobrang kulit kasi ng mga pinasama ko sa kanya kaya ayan, napasubo pa tuloy itong gwapong lalaki na ito."

Napailing ako habang kumuha ng baso ng tubig at agad na ininom. "Gusto niyo rin po ba ng tubig?" Tanong ko sa kanya.

Mabilis siyang tumango kaya kumuha kaagad ako ng isa pang baso at nilagyan rin ng tubig. "Salamat hija," sambit niya at kinuha mula sa akin ang tubig. "Pasensya na sa abala, nagkaroon pa tuloy ng galos itong asawa mo. Sana naman hindi kami pagalitan ng mga Del Valle kapag binalik mo siya sa kanila." Tinignan niya si Xander at humagikhik. "Ang ganda talaga ng katawan nitong batang 'to!"

Natawa ako sandali. "Kahit nga sobrang babad niya sa trabaho ay napapanatili pa rin niya ang magandang katawan, e."

Pinunasan niya ang noo ni Xander hanggang sa bumaba ito sa may bandang leeg niya, isinama na rin niya ang braso niya. Mabuti na lamang at hindi nagigising si Xander. "Oo nga pala, hija. Nakausap mo na ba ang mga anak niyo?"

Tumikhim ako umupo sa tapat ni Xander. "Nakausap ko na po kanina, kaso, sandali lang."

Tumango si Nanay Linda. "Alam mo, kahit na ipinamumukha niya sa 'yo na ayaw niya sa 'yo ay meron at meron pa ring bahagi sa puso niya na nangungulila siya sa 'yo."

"Sana nga gano'n lang 'yon Nanay Linda. Kaso, sa tono pa lang ng boses niya kanina ay kinasausuklaman niya ako bilang ina niya, e," malungkot kong saad.

Mabilis niyang hinawakan ang kamay at umiling. "'Wag mong sabihin 'yan, hija. Hindi mo dapat sinasabihan ng sarili mo ng ganyan, dahil hindi ka gano'ng klaseng ina, anak. Darating din ang panahon na mapapatawad ka ng anak mo at kung sakaling dumating ang panahon na iyon ay hindi pa huli ang lahat."

"Sana nga ho, Nanay Linda. Pero, makakapaghintay kaya ako sa araw na 'yon?" Puno ng pag-asa kong tinanong.

"Mangyayari at mangyayari iyon, hija. Basta ang payo ko lang sa 'yo e, tatagan mo lang ang sarili mo. Dapat maging handa ka oras na maalala na ng asawa mo ang lahat." Tumango na lang ako sa sinabi niya.

===

"Del! Del!" Tawag ko sa kanya.

Napakamot nalang ako sa aking batok dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin matino ang pag-iisip ni Del -- para siyang bata kung makipaglaro sa mga manok at makipagtakbuhan naman sa mga pato.

"Sandali lang Zaira! Nakikipaglaro pa ako sa kanila!" Tili niya at pilit na hinuhuli ang mga manok at pato.

"Del naman! 'Wag ka ngang makulit!" Pagod kong sinabi sa kanya.

Para siyang batang nag-martsa papunta sa akin at nakasimangot pa. "Naglalaro pa ako, e." Umiling-iling pa ako pagkatapos niyang sabihin ang katagang iyon.

"GISING NA SI MARC!"

Nagkatinginan kami ni Del sa narinig. Naramdaman kong pinisil niya ang kamay ko at tumango. Mabilis kaming naglakad patungo sa kubo kung saan nakahiga si Xander. Hawak-hawak ko pa ang dibdib ko sa sobrang kaba.

"Kamusta na ho siya?" Tanong ko nang makalapit kami.

Lumingon sa akin si Xander habang hawak-hawak niya ang kanyang noo. Napalunok ako sa kanyang titig. May naalala na kaya siya -- naalala na niya ba ang lahat?

"Xander..." Bulong ko.

Napasinghap ako nang tumayo siya at hinawakan ako sa aking mga braso -- ng madiin. "Nagsisisi ako kung bakit pa ako nagising at naalala pa ang lahat."

***

NOTE:

NO 40 VOTES. NO UPDATE.

For further reactions and questions, connect with me through these accounts:

Facebook: Zhiee Ehcks WP

Twitter and Instagram: ZX_0924


PLMAILY 2: Loving You Forever (The Architects Series #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon