Chapter 38

12.4K 180 34
                                    

Z A I R A

"A, e, si Marc ba? Pumunta muna sila sa bayan para bumili ng mga kakailanganin para sa pista dito sa amin," sabi sa akin ni Nanay Linda dahil agad kong hinanap si Xander paggising ko.

Hindi ko kasi siya nakita sa kuwarto nila ni Jexamine kaya pinili kong itanong kay Nanay Linda kung nasaan siya, 'yon naman pala, kasama ng mga ibang kalalakihan para mamili.

"Talaga po? Salamat ho," 'yon nalang ang sinabi ko at nagtungo sa lababo para maghilamos ng aking mukha at pinunasan ito ng malinis na tuwalya.

Napapitlag pa ako nang nasa tabi ko na pala si Nanay Linda, na nakatingin sa akin. "Alam mo, ang ganda mo pa rin kahit walang kolorete sa mukha, hija."

Ngumiti ako sa kanya. "Maalaga lang sa sarili, Nanay."

Pasimple niya akong pinalo sa balikat. "Sigurado ka bang may dalawang anak ka? E, sa hubog palang katawan mo ay parang dalagang Pilipina na!"

Tumawa kaming pareho. Nakaka-miss rin pala ang may magulang na makausap ka 'no? Hindi ko naman kasi makausap ang sarili kong mga magulang dahil gano'n din sila na malaki ang galit sa akin.

"Na'ko, maraming salamat ho, 'Nay."

Hinawi niya ang buhok na nasa gilid ko at isinalin iyon sa likod ng aking tenga. "Nakapagdesisyon na ako na sasabihin ko kay Jexamine ang tungkol sa inyo ni Marc. Zaira, hija, kahit na alam kong mahal na mahal nila ang isa't-isa, alam kong mali pa rin ang napasukan nilang relasyon. Ayoko namang kumalat dito sa aming baryo ang pagiging...pasensya na sa aking sasabihin....ang pagiging kabit."

Tumango ako. "Naiintindihan ko ho kayo--"

"Ano'ng mali?" Napalingon kaming pareho sa nagsalita, si Jexamine. "Ano'ng kabit?"

"Jexamine...anak." Sinubukan niyang hawakan ang kamay ng kanyang dalaga pero binawi lang nito.

"'Nay, tungkol ba ito kay Marc?" Tumango ang kanyang Ina kaya napasinghap siya. "Ikaw..." Tinuro niya ako. "Sino ka ba talaga?"

Napalunok ako ng ilang beses at tumingin kay Nanay Linda para humingi ng tulong. "Anak, kumalma ka muna at pag-u-usapan natin ito, ha?"

Kahit alam kong napipilitan siya ay nakita ko namang tumango siya. Si Del naman ay kalalabas lang ng kuwarto at tinabihan na rin ako. Kahit kailan talaga.

Umupo kami sa isang kahoy na sa tingin ko ay punong Narra ang ginamit. Kinakabahan ako sa posibleng maging rekasyon ni Jexamine sa oras na malalaman na niya ang lahat. Paano kung...hindi sana.

"H-hindi ko maintindihan, 'Nay...ang akala ko--" Pinutol ni Nanay Linda ang sasabihin niya.

"Nang dumating sa atin si Marc, pangalan lang niya ang tangi niyang na-a-alala, anak. Ibinilin lang siya sa atin para iwanan muna ang kanyang tunay na estado ng buhay sa Maynila. Anak, hindi ito ang kinalakihan ni Marc. Hindi ito ang nakasanayan niyang pamumuhay, dahil ang katotohanan anak...kailangan rin natin siyang ibalik -- sa tunay na kinalalagyan niya," madamdaming pahayag ni Nanay Linda.

Pumatak ang isang luha mula sa dalaga kaya hinawakan siya sa kamay ng kanyang Ina. "K-kamag-anak ka ba?" Tanong niya sa akin.

Umiling ako ng dahan-dahan at yumuko. "A-asawa..."

Narinig ko ang makahulugang buntong-hininga na lumabas sa bibig niya. "Dapat kahapon ko pa ito sasabihin sa 'yo, Jexamine," sabi ni Nanay Linda. "Mabuti na lamang at nakahanap ako ng tiyempo ngayon."

Binalingan ko ng tingin si Jexamine, na walang emosyon na tumingin sa akin. "Asawa? 'Nay, sabihin mo sa akin, hindi totoo ang sinasabi niya." Lumingon ito sa kanyang ina at hinawakan ang kamay nito. "'Nay..."

PLMAILY 2: Loving You Forever (The Architects Series #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon