Chapter 23

10.7K 164 6
                                    

XANDER

Halos hindi ako makatulog buong gabi dahil sa saya na naramdaman ko. I can't stop smiling and felt like being on a cloud nine the whole night. I still couldn't believe that - that night would be the type of proposal that I will be doing to my wife.

Ang dami ko pa tuloy naisip na opsiyon dahil hindi ko alam kung paano mag-alok ng kasal sa kanya. I was thinking about a sweet proposal but it ended up in bed after we make love last night. Doon nalang ako nag-propose kaysa naman sa hindi siya pumayag.

Wala kasi akong maisip na ibang klaseng proposal bukod sa isosorpresa siya. Pero, kahit papaano ay nagawa ko pa rin naman, 'di ba? Sa ibang klaseng paraan naman.

"Mind to share your thoughts, anak?"

I gasped when I already saw my Mom seating beside me, here in the bench of our garden. "M-mom..."

"Kanina ka pa ngumingiti, a. Pwede mo bang ibahagi sa akin ang ngiti na 'yan?" I looked at her and she was smiling. 

I smiled again and looked at the clouds. "Mom, how did you and Dad meet?" I asked her.

Hindi pa kasi ako nakikinig sa mga kuwento kung paano sila nagkakilala at tanging sila Kuya at Ate Lauren lang ang nakakaalam. I'm such a loner, before.

"Hmm..." napahagikhik siya sandali at hinawakan ang kamay ko. "The same scenario as you and Zaira meet."

I looked at her and prepared my ears to listen. "The same? Arranged marriage also?"

Tumango siya. "Sobrang uso kasi ang ganoong set-up noon, anak."

"You also hated it, before?" tanong ko sa kanya at ininom ang kape na hawak naman ng isang kamay ko.

"Yes, Anak. Pero, and Daddy mo? Hindi. He confessed to me one time that since we were high-school ay malaki na talaga ang pag-hanga niya sa akin." She smiled sweetly while she was narrating it.

"The same school?"

Marahan siyang tumango. "Also in Roosevelt, son. We were in fourth year in college at that time." Huminga siya ng malalim. "Ang kaso nga lang, may boyfriend ako noon, e."

Natigilan ako sa sinabi niya. Halos parehas lang pala kami ng situwasyon, noon. "What happened?"

"Nakaka-tuwang isipin na ang isang Philip Del Valle ay nag-tiis na makitang kasama ko ang dati kong nobyo noon."

I giggled. "Really, Mom?"

"Ibang klase kaya ang Daddy mo! Siya pa ang nag-sasabi sa amin na perpekto kami para sa isa't-isa, dahil ang sabi ng Daddy mo, sumulpot lang naman siya."

"When did you fall in love with Dad, Mom?" Hearing this kind of story makes me know my parents even more.

"Uhm..." Tumahimik siya sandali. "...M-may nangyari sa amin ng Daddy mo noong gabi na inanunsyo ang engagement namin. Doon na rin nabuo si Kuya Austin mo." I let out a slight laugh when I saw my Mom blushing. Maybe it was one of the nights that she will never forget.

"Fuck. I can't believe this." I cursed.

Hinampas niya ako. "Ikaw dapat ang dapat mag-kwento! Hindi mo pa sinasabi ang dahilan kung bakit naka-ngiti ka diyan!"

"Well..." I cleared my throat. "I... I proposed again to my Wife, last night."

My Mom almost squealed in happiness at tinakpan ang kanyang bibig para pigilan ang malakas na boses kapag siya ay sumigaw. "Talaga, anak?!" she asked, excitedly.

"I proposed...a-after our love-making."

Napahagalapak pa siya sa katatawa pero, ilang sandali rin ay napatigil siya. "Ganyan din ang ginawa ng Daddy mo sa akin, noon."

PLMAILY 2: Loving You Forever (The Architects Series #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon