Chapter 6

13.7K 188 5
                                    

ZAIRA

"I think this one is better." Pag-aalok ko sa kanya ng isang simpleng t-shirt na kulay black na may kwelyo.

"You're really the best, Wife... Thank you." Sabi naman niya at kinuha na ang t-shirt mula sa akin.

Paano ba naman kasi, magpi-picnic lang kami tapos, gusto na niya ng formal wear! Sige nga! Pupunta ka lang sa park tapos ganon na klaseng damit ang susuotin mo?! At saka ang isa pa, hindi talaga marunong mamili ng damit si Hub, kaya ayan, ako ang pinapapili niya palagi.

Sobrang napagod talaga ang mag-ama ko kahapon. Pagkatapos na nga nilang kumain ng hapunan ay umakyat na kaagad sila sa kwarto at natulog kaagad. 'Yan kasi, takbo ng takbo. Tapos ngayon, may picnic ulit kami kasama sila Besh at Mike. Na'ko panigurado, magtatakbuhan nanaman sila... Na'ko! Na'ko! Kapag nasugatan o 'di kaya'y nadapa ang anak ko, baka kung ano na talaga ang magagawa ko kay Xander!

Napaka-kulit kasi nilang dalawa!

"Wife, sabay tayong mag-palit." Aya niya sa akin.

What?! "Ano ba, Hub... Ikaw nalang mauna." Sabi ko naman.

"Please?" Pagmamakaawa niya, tapos ginamit pa ang paawa-effect-eyes niya! "Ako ang mag-susuot ng damit mo tapos ikaw naman ang sa akin." Dag-dag niya.

Jusko! "Hub?! Ano na naman ba ang pumasok sa kokote mo?!" Reklamo ko.

"Wife... My reason is simple; I want to see your body."

Manyak! "Hub naman e!"

Bahagya siyang nag-lakad palapit sa akin at bahagya din akong umatras. Narinig kong tumawa siya ng nakaka-loko. "C'mon, Wife... Don't walk away from me, I'll get you." Sabi niya pa.

Takot ako! "Xander, umayos ka!"

"Umayos ka rin." Maikling sagot niya.

Mas lalo pa tuloy siyang lumapit sa akin, bawat abante niya ay siya naman ang atras ko. Ano bang laro 'to?! Napa-singhap ako ng kunin niya ang isang kamay ko at hinawakan 'yon ng mahigpit.

Tumawa siya ng nakaka-loko. Hinapit niya ang bewang ko at pinag-dikit ang mga noo namin. "Don't you dare to walk away from me again, Wife." Sabi niya saka niya hinaplos ang mukha ko gamit ang likod ng kamay niya. "Understood?"

Ngumiti nalang ako at hinawakan ang pisngi niya. "Don't you dare to love other woman, except for me, Hub." Sabi ko naman. "Understood?"

We both chuckled. "I will, Wife."

"I will too, Hub."

He gave me a peck on the lips. "Promise?"

I also gave him a peck on his lips. "I promise."

"I love you so much, Wife."

"I love you so much more, Hub."

Niyakap ko siya ng mahigpit at siniil ang mukha ko sa matigas niyang katawan. Alam ko, kakayanin namin 'to... Kaya namin 'to. Basta nag-mamahalan kaming dalawa ni Xander, alam kong malalagpasan namin ang pag-subok na dadating sa marriage namin.

Giving him the second chance is best decision I've ever did.

Naramdaman kong hinahaplos niya ang aking buhok. Napa-ngiti ako sa ginagawa niya, ang sarap lang sa pakiramdam. Pero kung may pag-subok 'man, sana hindi naman ganun kalaki. 'Yung tipong maaayos namin kaagad.

Ayoko ng matinding problema.

Tama na ang sakit na naramdaman naming dalawa dati. Pero, bakit ganun? Parang kinakabahan ako? Hindi ba dapat may tiwala kayo sa isa't-isa? Para maging matagumpay ang marriage life niyo?

PLMAILY 2: Loving You Forever (The Architects Series #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon