Kabanata 1

754 38 0
                                    

“Blaise, bilis kailangan tayo ngayon sa council.”

I rolled my eyes after I heard her rants.

“Just a second, Klare,” sabi ko ng walang gana.

At ano na naman ba ang meron? Katatapos lang ng meeting namin kaninang lunch ah.

Nilagay ko na ang huling gamit ko sa bag at humarap na sa aking kaibigan na kanina pa nag-aalburuto.

“Let's go,” I said and rolled my eyes again to her.

“Good,” she said at nauna na sa'kin palabas ng classroom.

Ano ba itong pinasok ko. Hindi na nakakatuwa, ito kasi si Klare. Dinamay pa ako sa mga gusto nito sa buhay. Pilitin ba naman akong isali sa Student Council. Wala rin naman akong nagawa kung hindi magpatianod sa gusto nito.

Tumakbong Vice President itong si Klare at ako naman ay pinatakbo niya sa Secretary. She sees the potential in me daw. Alam niyang mananalo kami dahil magagaling ang nasa party namin.

At sa kasamaang palad, para sa'kin. Nanalo nga kami.

We're best of friends since Junior High. And we are now in Grade 11, Senior High. Another year to conquer.

We're not classmates anymore, she's taking ABM, while me is Humss. This is the first time that we're not classmates. Medyo sanay kasi kami na laging magkasama, seventh grade till tenth grade.

Ngayon lang, pero medyo nasasanay na rin kami.

Kaya pinuntahan niya ako sa classroom namin para ipaalam na may unfinished business pa kami sa council.

Malapit na kami sa Student council quarters nang may makita kaming lumabas galing sa loob.

“Baks, diba si Dean 'yon,” si Klare at nakaturo pa kay Dean na pasalubong sa'min.

“Good Afternoon, Dean.” We said as Dean come closer to us.

Tumango lang sa'min si Dean. Pero nang mapansin niya ako, medyo tumagal ang titig niya at napatango ng may ngisi sa labi. Weird.

“Ano naman ang sadya ni Dean sa Council? At siya pa mismo ang pumunta roon?” takang tanong ko kay Klare. Dahil na-weird-uhan sa napansin kay Dean.

She just shrugged her shoulder. “Well let see, tara na at baka naiinip na si Mr. President.” Sabi nito, sabay hatak na sa'kin papasok ng quarters.

“Bakit ngayon lang kayo?” bungad sa'min ni Chance. President ng Council. Tsk, kung 'di ka lang namin President at pogi. Natarayan ko na 'to.

Nilibot ko ang paningin sa buong silid. At nakitang kumpleto na silang lahat at kami na lang talaga ang hinihintay. Himala kumpleto kaming sampu ngayon. Gaano ba ka-importante 'tong meeting na 'to?

Masyadong mainit agad ang ulo. Tsk. Napairap ako sa kawalan.

“Sorry, Chance, hinintay ko pa kasi si Blaise. Ang tagal kasing kumilos,” sabi ni Klare na nagpalaki ng mata ko.

“Chance, hindi 'wag kang maniwala sa babaeng 'to.” Paliwanag ko sa natatarantang boses.

Napatingin na lang ako kay Chance, at pinapungay ang aking mga mata. Well sana gumana 'tong puppy eyes ko.

Chance stared at me too and didn't leave my eyes. Ang intense naman kung maka-titig itong isang 'to. Ako unang umiwas sa titigan namin. Nakakakaba kasi at nakakahiya ang dami pa naman namin dito.

“'Kay, maupo na kayo. May pag-uusapan tayo.” Chance said with that smile on his face. Malamig na agad ang ulo? We seated to our chairs with one big round table.

Indulging With The Beast (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon