Opposites Attract [1]

4.6K 26 1
                                    

[ 1 ]

"You don't have to be beautiful for me to love you."

Haist. May lalaki pa kayang ganyan? Yung walang pakialam sa itsura mo? Sa tingin ko wala na.  Bitter na kung bitter pero sa tingin ko talaga wala na.

Bakit ko nga ba nasabi? Eh kasi po, NBSB ako. Right. NO BOYFRIEND SINCE BIRTH. Tsk.

Kung idedescribe ko ang sarili ko, ako na yata ang perpektong modelo ng isang Modern Geek. Alam nio yun,  nakasalamin ako pero hindi ganung kakapal. Mahaba ang buhok ko pero hindi magulo. At syempre, malaki ang bag ko dahil sa dami ng notebooks at librong dala dala ko.

Yung uniform namin, blouse ang pangloob na may blue necktie at black vest ang panglabas. Black pleated skirt naman ang pang ibaba at 3 inches above the knee ang haba, pero ako? Lagpas tuhod ang suot ko. Conservative kasi ako eh. Kaya ayun, hindi ako sinasamahan ng mga girls kasi baduy daw ako. At iyon ang dahilan kaya walang lalaking nagkakagusto sa 'kin.

Pero may isa naman akong friend. At nag iisa ko syang friend sa campus na ito. Siya si Carlo. Boy version ko sya. Nakasalamin din sya at halos sumabog na ang mga gamit nya sa sobrang dami.

"Concepcion, kain na tayo."

Si Carlo. Hahai. Oo, ako si Maria Concepcion Santos. Sa panahon ngayon konti nalang siguro ang may ganyang pangalan. Pero wala akong magagawa. Hindi ko rin naman ginusto maging ganyan pangalan ko.

"Sige. Susunod na lang ako."

"Una na ba 'ko sa canteen?"

"Oo, oo."

At yun na nga. Nauna na sya sa canteen. Pinauna ko na, nakakahiya naman sa kanya eh mukang isang linggo nang di pa kumakain. Haha.

Inayos ko na mga gamit ko at saka tumayo. Pagtayo ko--

"Oh, bat nag iisa ka?"

Si Clarence nga pala, sya ang crush ko. Ngayong fourth year lang namin sya naging classmate, at unang kita ko pa lang sa kanya, naattract na agad ako.

"Ano.. Nauna na kasi si Carlo sa canteen Kaya ano.. ayun."

"Ah, ganun ba? Eh bakit hindi ka hinintay ng boyfriend mo?"

BOYFRIEND?? "Ai hindi ah! Hindi ko sya boyfriend. Ano, magkaibigan lang kami. Malapit na kaibigan, ganun. Yun lang yon, pangako."

"Ay sya, sigi. Kung sya'y iyong matalik na kaibigan, ako'y walang reklamo doon". Ginaya nya pa yung pagsasalita ko nang malalim na sinabayan nya ng hagikgik. Ang cute nya talaga pag ginagawa nya yun. Lahat naman siguro ng ginagawa nya cute para sa 'kin. Hay.

Ngumiti na lang ako. "Grabe ka naman. Haha. Sige ha, una na 'ko."

"Wag bata ka pa" nakangiti din nyang sabi.

"Adik. Haha."

Naman oh. Kung kaya ko lang magtagal pa sa room, ginawa ko na para makausap sya nang mas matagal. Pano naman kasi, hindi ganun kalakas ang loob ko. Tsaka pano nalang pag nag blush ako, mahalata nya pang may crush ako sa kanya. Nakakahiya kaya yun. Hmmmm.

Sa labas ng canteen nag aabang si Carlo.

"Oi sira. Bat dyan ka naghihintay? Pwede ka namang umupo sa loob eh."

"Hinihintay kita. Ang tagal mo eh."

"Sira."

"Alam mo namang hindi ako makakain kapag di ka kasabay."

"Adik."

"Yan lang ba sasabihin mo?"

"Ahaha. Adik ka. Tara na kain na tayo, gutom na rin ako eh."

Hinila ko na yung braso nya para pumasok na kami sa canteen. Hindi na sya nagsalita. Drama boy din kasi to eh.

Pagkabili namin ng lunch, umupo na kami sa table. Di ko napapansin nakangiti na pala ako habang kumakain.

"Bat ka nakangiti? Nakakaadik ba yung bumbilya?" Tanong ni Carlo.

Napatingin ako sa kanya. "Bumbilyang pinagsasabi mo?"

"Di ba gumagamit ka ng lampshade pag nag aaral sa gabi?"

"Di na. Di na rin ako nagrereview sa gabi. Hapon nalang, maaga na ko natutulog."

"Ah. Eh bakit ka nga nakangiti."

Tumigil muna 'ko sa pagkain, napangiti ulit ako. "Si Rence kasi."

"Ano meron?"

"Kinausap ako eh."

"Para yun lang."

"Ano'ng 'para yun lang'? Kaw kaya kausapin ng crush mo." Ngiti pa rin ako. Si Carlo nakatingin lang sa 'kin, di nagsasalita. "Ano?"

"Para yun lang."

"Adik ka talaga. Hahaha."

Pinagpatuloy na lang namin pagkain namin. Boy version ko talaga sya. Weird din eh. Hahaha.

Uwian.

"Di ka pa ba uuwi?" Si Carlo.

"Di pa. Punta muna kong library. Gagawa ako ng report."

"Sige una na 'ko"

Sabay na kaming lumabas ng room tapos ako dumiretso na sa library sa may fourth floor. Pagdating ko doon, hindi ko inaasahan ang nakita ko.

GUESS WHO? Si Rence nandito sa library. Nangiti ako, studious din pala sya? Tumuloy na ko sa loob tsaka binigay ko na rin yung library card ko kay Miss Librarian. Pumunta ako sa shelves at kumuha ng Physics Book.

"BOO!"

"Ah!" Napasigaw ako sa gulat, at kasabay nun ang pagkahulog ng libro sa sahig. Syempre, tingin ako sa librarian. Mataman ang tingin nya samin. "Sorry po." Tumango lang sya. Tumingin ako kay Rence na abot tenga ang ngiti. Hayyy. Gusto ko sana syang pagalitan sa ginawa nyang panggugulat pero may something na pumigil sa 'kin. Buti na lang.

Pinulot ko na yung libro sa sahig pero--

"ARAY!"

Oh, sh*t. Ngayon naman nagkauntugan kami. Sinubukan nya rin kasi pulutin yung libro. Hala, tingin ulit ako kay Miss Librarian.

"Mister and Miss, pwede na kayong lumabas" sabi ni Miss Librarian Sungit.

"Opo, Ma'am" sabay naming sabi ni Rence.

At yun na nga. Strict kasi yung librarian kaya lumabas na kami. Haist, tinatamad pa naman ako gumawa ng report sa bahay. Pero dahil sa cute at kulaog na lalaking to eh, mukang sa bahay ako maggagawa ng report.

"Ui, sorry ha."

"Wala yun." sabi ko pero di nakatingin sa kanya. Wala naman talaga sa 'kin yun. Kung di nya ginawa yun eh di sana di kami sabay na naglalakad sa pathway ngaun. Solve pa rin. :D

"Gusto mo tulungan kita sa report mo?"

"Di na. Kayang kaya ko 'to"

"Oo nga pala, matalino ka. Eh pano ako makakabawi sa 'yo?"

"Di na rin kailangan. Wala naman talaga sa 'kin yun eh. Tsaka, pwede ko naman gawin to sa bahay diba?"

"Sige na, pabawi ako. Dahil sa 'kin kaya ka napalabas ng library di ba?"

NEMEN. Ang sarap naman kulitin ng taong ito. Haha. Eh ayos lang naman talaga sa kin, di nya na kailangan bumawi. Di na lang ako sumagot.

"Mamaya ka na umuwi, ha."

"Ha?!"

Nagulat na lang ako sa sumunod na nangyari. Hawak na nya ang kamay ko! Gee. Hindi ako makapaniwala, kung panaginip man to, sana bukas na 'ko magising. Parang inililipad ang mga paa ko. Parang wala na rin akong pakialam kung ano'ng susunod na mangyayari. Alam ko namang hindi nya ko papabayaan.

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon