Should I really do this?

She even included the number. Sigurado akong nakausap na ito ni Eleanor to meet me. Paano kaya niya na-convince ang isang to? Did she make it appear like I was too desperate to date another girl? Napapikit ako ng mariin.

Then an idea crossed my mind.

Napailing ako dahil masyado naman yatang rude kung gagawin ko iyon.

I can't believe I'm being a douche now.

So does that mean, na kambal talaga kami ni Lourd?

I mentally slapped myself for such thoughts. Mukhang nasa lahi na talaga siguro ang pagiging douche namin.

But damn, I can't fool myself. I know that I'd rather spend the day with Eleanor in the woods than this stranger in a fancy restaurant trying to see how compatible we are for each other.

With a heavy sigh, I made a decision.

I grabbed the office phone and dialed the number.

***

"Saan po pala kayo pupunta Sir Chance?" tanong ni Claire nung makita niya akong nagmamadaling umalis ng office. Napatigil ako bago bumaling sa kanya, instantly feeling guilty. Napapadalas na kasi ang mga biglaan kong pag-alis ng office kahit wala namang koneksyon sa business meetings or business affairs. Si Claire na tuloy ang halos sumasalo ng mga trabaho ko.

If you have to ask me, pwede na siguro niya akong palitan bilang CEO. Not that I'm incompetent and inefficient. Sadyang madalas lang akong umaalis, dropping everything behind just for a certain girl. Buti na lang at hindi naman tungkol kay Eleanor ang pag-alis ko ngayon.

"Ihahatid ko si Fier sa airport." I stated. Claire nodded in understanding. Madalang kasi ang mga beses na umaalis ako para sa isang family emergency or anything involving my family.

"Okay po. Ingat, sir Chance."

I gave her a small smile bago tuluyang umalis. I trust Claire enough to know she'll do the work I've given her. Ilang beses na akong napapabisita ng walang pasabi sa employees at hindi ko pa siya naabutang nakikipagkwentuhan or natutulog during work hours. She seemed dedicated about her work kaya hindi ko na siya inalis sa posisyon niya. Madami na ang nagsabi na ilipat siya ng ibang Department dahil may experience na siya pero hindi ko pinapayagan. Tinataasan ko na lang ang salary niya. She's like the perfect efficient Secretary.

Dumiretso ako sa parking at sumakay sa kotse and sped off to our house. Wala pa sila Lourd at Monique dahil nasa Honeymoon pa din ang dalawa. Wala din si Mom and Dad dahil nagbakasyon sa Palawan. Since ako na yung naghahandle ng company mag-isa, my parents have been on vacations everywhere. Mukhang nilulubos na ang pagiging malaya. I couldn't blame them, though. Maybe it's time to enjoy their time together dahil malalaki na naman kami and we can handle ourselves.

Ako lang ang natirang pwedeng maghatid kay Fier sa airport. Nauna nang umalis yung asawa niya dahil kailangan sa trabaho. Naiwan naman ang anak nilang si Emma, my niece, sa US kaya kailangan na talaga niyang bumalik.

Narating ko ang bahay at naabutan si Fier na nagbababa na ng mga gamit niya sa living room. She turned to me when she heard me coming. Ngumiti ako at sinalubong siya ng yakap.

"Hello sis." I greeted. I'm not actually the type of brother who treats my siblings sweetly pero kaya ko namang ipakita ang concern ko sa kanilang dalawa. Fier hugged me back and patted my shoulder.

She pulled away before placing her hands on her hips. "Thank God you're here. Akala ko, solo flight ang drama ko mamaya." She laughed, "Wala na nga si Mom and Dad, wala pa yung kumag na si Lourd tapos busy ka din naman sa trabaho mo. Wala din yung asawa ko at namimiss ko na ang baby ko." Reklamo niya kaya napailing na lang ako.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now