-14-

192 8 0
                                        

Chapter Fourteen.

"Baby Girl"

 



Napili ni Eleanor na kumain sa isang restaurant na malapit lang sa office ko. Naglakad na lang kami din dahil sabi nga niya, dapat matuto na mabuhay with a healthy lifestyle. All the while, nakaakbay pa din ako sa kanya at hindi na yata mapawi ang ngiti sa mukha ko. Nakikita ko ang pagsulyap ng ibang tao kapag nakakasalubong kami, with curious expressions on their faces pero hindi ko na iyon pinakealaman. Hindi rin naman inalis ni Eleanor ang kamay ko sa balikat niya.


Alam ko na din naman kung bakit. Lahat naman ng ito ay walang kahulugan sa kanya. We're friends at para sa kanya, tinutulungan niya lang ako na sumaya sa buhay despite everything I've been through.


So far, she's doing a great job. Talaga namang sumasaya ako kapag andyan siya. Just the mere mention of her name is enough to make me smile like a total idiot.


Pumasok na kami sa loob ng restaurant at naupo sa table na binigay ng waiter para samin. She was sitting right across me pero hindi pa rin siya umiimik. Tinitingnan lang niya ang mga taong nasa paligid namin at mukhang hindi siya mapakali.


Napakunot ang noo ko as I called her, "Hey." Tumingin siya sakin, ngumiti ng bahagya pero tumungo ulit at binalingan ang phone niya. Ano kayang problema ni Eleanor? I rarely see her like this: worried and absent-minded. In fact, it's the first time I see her like this.


Tatanungin ko na sana siya kung ano ang problema pero dumating ang waiter para kuhanin ang order namin. Umorder na lang ako para sa aming dalawa, at nang makaalis ang waiter, tiningnan ako ni Eleanor before giving me a reassuring smile.


"Bakit parang hindi ka mapakali diyan?" tanong ko. She heaved a sigh but didn't answer my question. Napakunot lang ang noo ko.


"Spill it, Eleanor. Wala namang mawawala."



"It's nothing. Mamaya ko na lang aasikasuhin. At ikaw naman babe, kumain ka na lang diyan. Bakit kasi hindi ka kumain? Naghuhunger strike ka ba?" Sandali kong nalimutan ang problema niya sa kanyang sinabi.


Napangisi ako, "Do you care?"


"Yes. What are friends for? So ano nga? Naghuhunger strike ka ba? Sabihin mo lang dahil susuportahan naman kita sa pinaglalaban mo." I chuckled with her statement. Minsan ay may pagka-exaggerated and pag-iisip ni Eleanor when jumping into conclusions.


"Drop it, silly. Nakalimutan ko lang kumain dahil nababad ako sa trabaho." I told her which was kind of true. Alangan namang sabihin ko sa kanya na kaya naman ako nababad sa trabaho ay dahil sa kanya?


Napanguso siya, "Sayang naman. Parang mas masaya kung naghuhunger strike ka."


"Bakit naman?"


"Na-imagine ko na kasi ang mga mangyayari. Hindi ka kakain at bilang isang supportive friend, pupunta ako araw-araw sa office mo na may dalang pagkain tapos kakain ako sa harap mo." She grinned.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now