Chapter Two.
"Bitter"
—Eleanor Kai Gonzales—
Kung hindi lang ako mabait, baka matagal ko na siyang naitapon palabas ng kotse. Or maybe, kung hindi lang ako nagpapakabait sa kanya.
I don't know him personally but I know his name and some details about him. Kilala ko ang family nila at friend ko yung kapatid niyang Doctor niya na si Marie Fier. Alam ko din na siya ang older twin brother ni Lourd Simoun, isang malanding lalaki. Aside from the fact na kilala ko ang family niya, kasabay ko siya nang mag-aral kami sa UP. Mula-first year hanggang sa maka-graduate kami ay na-maintain niya ang record ng pagiging University Scholar kaya hindi nakapagtataka na gagraduate siya ng Summa Cum Laude. Medyo kilala siya sa University dahil matalino siya, maganda daw ang accent niya at gwapo. Madaming babae ang nagkagusto sa kanya but he was dating Nathalia Montealegre that time. They even got engaged at nalaman ko lang yun nung maka-receive si Daddy ng invitation ng kasal nila. I was there on their wedding day with Dad and I witnessed how he got left at the altar. It was tragic and yes, humiliating.
Mula noon, ang alam ko ay mas naging snob siya and he took women for granted hanggang sa maka-graduate na kami ng college. I started studying in UP College of Law and I heard that he started working for his father's company. Don't get me wrong, but I'm not his stalker. Madalas ko lang naririnig mula sa Daddy ko dahil best friends yata sila nung father ni Chance.
After a while, I heard he started dating Monique and they were serious. I knew her because she's James' cousin. James Aldea is my friend as well. Kasama ko kasi sa parties. Hindi ko alam ang nangyari but I heard that things didn't end up well―Monique end up with Lourd tapos si Chance ay nagpunta ng Australia at doon nanatili ng dalawang taon.
He came back more than a year ago tapos narinig ko na lang na siya na daw ang baong CEO ng kompanya nila. Then Lourd and Monique got engaged. And I was in the bar when I saw him, wasting himself with his scotch. I didn't know what came to my mind pero nilapitan ko siya. I tried being nice, you know. Gustong-gusto ko na siyang hambalusin at bugbugin dahil napakasungit niya talaga. But I knew what he went through and that should be enough reason why I should treat him well.
And that's how I end up stuck with this wrecked asshole.
At isa pa, lasing siya at konsensiya ko na naman kung mabugaw siya sa tabi-tabi. At baka seryosohin niya nga yung pananagutan ko sa kanya. Hindi pa ako handa sa responsibilidad.
Napailing na lang ako habang nag-iisip kung saan ko ba dadalhin ang lalaking 'to. Hindi naman pwedeng sa bahay nila at ayaw kong may masabi pa ang ibang tao. Kilala ko ang pamilya Sandoval pero hindi naman kami close ni Chance. Kung ano pa ang akalain nila, diba? Shet lang.
"Bwisit talaga o." I muttered. In the end, sa condo ko pa rin napadpad ang lasing and unfortunately, tulog na Chance Lucas Sandoval. How lucky can I get?
Dahil hindi ako malakas, kinausap ko pa yung isang staff sa building para alalayan siya nang mag-elevator kami hanggang sa 23rd floor kung nasaan ang condo ko. Two-bedroom lang naman yun at hindi ko masyadong ginagamit. Doon lang ako nagsstay kung hindi ako makakauwi sa bahay due to my 'hectic' schedule.
Binagsak ko si Chance sa kama ng extra room ko dito. Buti na lang pala at minsan, napapadpad dito si Ava para makitulog kaya nagkaroon ng kama dito. Tiningnan ko na lang siya ng masama bago umalis.
YOU ARE READING
No Strings Attached
General Fiction[For my beloved Chance Lucas Sandoval] Chance Lucas Sandoval meets Eleanor Kai Gonzales in the most unlikely place, and you can guess that the most unlikely thing happens. He agrees to date other women, as Eleanor has stated, to help him move on wit...
