Yakap ko na sa baywang si Drei ngayon habang si Ace ay duguan na pero hindi naman ganon kalala.

"I warned you! I told you to stay away from my girlfriend! Hinayaan ko kayong mag-usap kasi gusto ni Cassie pero yung siraan mo ako sa girlfriend ko ay ibang usapan na yun!" malamig na wika ni Drei.

Hinahatak kona si Drei papasok ng bahay habang akay ni Dad si Ace na nakasunod namin. Pinasundo kasi namin si Ace kay Tita Lucy.

Ginagamot ni Mommy Ria si Ace nang dumating si Tita Lucy.

"Tita I'm really sorry for what my boyfriend did  to your son," paumanhin ko na kinasimangot ni Drei sakin. "Hindi kasi ako tinitigilan ni Ace Tita,"

Tumingin si Tita Lucy kay Ace habang yung anak niya ay sakin lang nakatingin pero mapungay na ang mata sa kalasingan.

"My son loves you so much. 7 years ago, Noong nireject mo siya kahit may feelings ka din sa kanya pero dahil gusto siya ng ate mo ay sobra siyang nasaktan. You are so selfless of letting go the man you loved for the sake of your sister and I understand that she's your sister but we can't blame Ace for not understanding you, for hurting because of your decision," paliwanag ni Tita Lucy.

Napayuko nalang ako sa sinabi niya. Hindi nga naman maiintindihan ng  lahat ng tao ang naging decision ko nun pero masisisi niyo ba ako kung ang nasa isip ko nun ay ang maging okay kami ni Ate.

"Walang araw na hindi siya umiyak sakin dahil hindi mo siya magawang ipaglaban sa ate mo. Then now, Akala ko nakapag-move on na siya. Na nakalimutan kana niya pero hindi padin pala. He still love you! Siguro nag-assume siya na baka ngayon pwede na? Na ipaglalaban mona siya? Miski naman ako boto ako sayo para sa anak ko eh. Lagi kong sinasabi sayo yan lalo na sa anak ko pero mali ata yung ginawa ko kasi sa ginawa ko mas binigyan ko pa ng lakas ng loob yung anak ko," pagpapatuloy niya sa sinabi niya.

"I'm really sorry for hurting your son Tita. Ayoko rin siyang saktan pero may mahal na akong iba. We cannot back those time that I'm inlove with your son. He really need to moved on,"

"Don't worry, Pagsasabihan ko siya iha at pasensya na rin sa nagawang gulo sainyo ng anak ko," wika nito.

Tumango nalang ako saka hinayaan silang umalis ng bahay namin. Tumingin naman ako kay Drei na nakasimangot padin.

"Love galit ka ba sakin?" tanong ko pero hindi padin siya nagsasalita. "Sorry na love. Nakipag-usap lang naman ako saka nilinaw kona sa kanya na ikaw ang mahal ko,"

"Bakit kasi kailangan mo pa siyang kausapin?" naiinis niyang tanong.

"Drei nasasaktan ko yung tao. Yung katotohanang nireject ko siya dati ng dahil sa ate ko ay hindi madali para sakin. Sandrei ayokong nakakasakit ng ibang tao pero ngayon may nasasaktan ako. Hindi porket nakokonsensya ako sa nangyare dati ay nabawasan na yung feelings ko sayo," paliwanag ko.

Nakatingin lang siya sakin habang nagsasalita ako pagkatapos ay bumuntong hininga niya saka hinila ako payakap sa kanya.

"I love you," malambing wika ko.

"I love you too,"

Tinulak ko siya palayo sakin saka tinanong about sa gift ko sa kanya.

"Nakita mo na ba yung jeep commander mo?" ani ko. Umiling siya kaya hinatak ko papunta sa garahe namin kung saan nakaparada yung sasakyan niya.

"Do you like it?" tanong ko.

"I love it love kahit hindi ko naman kailangan ng bagong sasakyan syempre love ko yan dahil galing sayo at yan yung sasakyang gusto ko,"

Pagkatapos niyang tinignan yung loob ng sasakyan ay kinuha niya yung reviewer sa isang sasakyan niya saka nag-review sa kwarto ko.

Habang ako ay tinutulungan si Mommy Ria na maghain ng pang-hapunan namin.

Love Series 1: The Selfless LoveWhere stories live. Discover now