Chapter 3

42 10 70
                                    

"N-nakalutang? Anong nangyayari?" Tulalang saad ko habang nakatitig sa limang pisong baryang kumikinang dahil natatamaan na ng liwanag.

"Faster! It's too heavy!"

Natauhan lang ako nang makarinig ako ng sigaw kaya dali-dali kong dinampot ang barya at mabilis na sinaksak sa maliit kong bag. Hindi ko din mapigilan ang mapahinga ng malalim ng maramdaman kong bumibilis ang tibok ng puso ko.

Celeste, ano ba ang nangyayari sayo?

"Be careful next time. Tss." saad ng malamig ngunit malambing na boses.

Halos matulos ako sa kinatatayuan ko, hindi ko man lang magawang mag angat ng tingin hanggang sa makarinig ako ng mga yabag papalayo. Naamoy ko pa ang matapang nitong pabango kaya mabilis akong napalingon pero likod na lang ang nakita ko dahil lumiko na ito kaagad.

Tulala pa din ako habang nakatitig sa daan pero agad din akong umiwas ng tingin at hinablot ko na agad ang basket na nakatumba. At mabilis na lumabas ng hospital.

Halong kaba at takot ang nararamdaman ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko, nanlalamig din ang mga palad ko.

"Celeste, kumalma ka. Pagod lang 'yan." Saad ko habang binabaybay ang daan habang hinihimas at kinakabog ang dibdib ko.

Hindi ko namalayang nasa tapat na pala ako ng isang tindahan kaya naisipan ko munang magpahinga at magmiryenda kahit saglit. Bumili ako ng tinapay at tubig para pawiin ang gutom na aking nararamdaman.

Nakatitig lang ako sa mga sasakyang dumadaan habang lutang pa din ang aking isipan. "Sino kaya 'yun? Bakit kaya ganun yung puso ko, daig ko pa may sakit." bulong ko sa hangin at nginuya ang tinapay.

Akmang iinom na ako ng mapansin ko ang matandang nakatitig sa'kin. Napakunot pa ang noo ko ng mamukhaan ko ito, pero nawala din ang tingin ko ng may kumabalit sa'kin.

"Ay, anak ng tipaklong! Bata naman, wag ka ngang nanggugulat." saad ko sa kanya.

Ngumiti naman ito sa'kin na ikinangiti ko din. "Ate, bili kana po ng sampaguita, pambili lang po ng gamot ng nanay ko." saad niya.

Tinitigan ko ang batang babae sa'king harapan. "Magkano ba ang sampaguita mo?" Tanong ko na ikinangiti niya.

"Singkwenta po ang apat." Nahihiyang saad niya.

Nilapag ko naman ang hawak kong tubig at binuklat ang bag ko para kumuha ng barya. Napakunot naman ang noo ko nang mapansin kong may telang nakasuksok sa gilid ng papel at naalala ko nga pala ang inuutos sa'kin ni aling Roselda.

"Eto," ngiting saad ko habang inaabot sa kanya ang limang daan.

Nanlalaki ang kanyang mga matang tinanggap ito. "A-ate wala ka bang barya? Wala po kasi akong maisu-sukli sayo." Nahihiya niyang saad.

Napangiti naman ako at umiling. "Sayo na 'yan. Impabili mo ng gamot at makakain niyo, ha."

Nagulat naman ako ng yakapin ako nito ng mahigpit. Marungis siya pero hindi mabaho kaya niyakap ko din siya pabalik bago siya humiwalay.

"Malaking halaga na po ito! Maraming salamat po, ate! Pagpalain ka po sana ni Papa Jesus." Naiiyak niyang saad.

Napatango naman ako sa kanya at pinauwi na siya dahil napansin ko na ding kumukulimlim na. Kumaway pa siya sa'kin palayo bago nagtatakbong lumiko sa eskinita.

Mahilig ako sa bata kaya kahit unti na lang ang ipon ko ay handa ko itong ipamahagi sa nangangailangan. Tinapos ko na ang pagkain ko bago nagtawag muli ng sasakyan para magpahatid sa address na nakasulat sa papel. Napalingon pa ako sa pwesto ng matanda ngunit wala na ito kaya pinagsawalang bahala ko na lamang ito.

Universal DreamsWhere stories live. Discover now