Chapter 5

2 1 0
                                    

Hapon na nang makaalis ako sa bahay upang pumunta sa bayan para kuhain ang inuutos ng tiyo ko.

Nilakad ko na lang ito dahil malapit lang naman pero tatlong oras na lang rin ay lulubog na ang araw. Simula nang mailabas sa publiko ang mga nangyayari sa kababaihan ay nagkaroon na ng curfew saming bayan kaya hindi na ako p'pwede na mag tagal pa.

Kahit ako ay natatakot na lalo na nang malaman ko ang balita tungkol sa dalawang estudyante kaninang tanghali.

"Celeste,"

Nagulat naman ako nang may humawak sa balikat ko. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako naka upo.

"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa kasi namumulta."

Napa tingala naman ako at ngumiti kay aling Victoria na ngayon ay maingat nang inilagay sa bayong ang hawak kong itlog.

"Opo, salamat po pala sa itlog, napakadami po nito." Saad ko.

Tumayo na ako nang tuwid dahil nakakahiya naman sa inakto ko. "S'ya nga po pala, dumaan na po ba si Bella dito? Kailangan na rin kasi naming umuwi at mag hahating-gabi na."

Kunot noo naman ako nitong tinitigan sa mata. "Ha? E, kanina pa umalis si Bella dito. Ang sabi n'ya ay uuwi na s'ya dahil hindi raw maganda ang pakiramdam n'ya. Sabi ko nga dito na mag palipas ng araw dahil wala naman silang pasok bukas nila Janna."

Hindi ko alam ngunit bigla akong kinabahan dahil sa sinabi nito. "Po? E, binilinan po kasi namin s'ya na huwag uuwi hanggat hindi ako kasama." Kabado kong saad habang nilalabas ang cellphone ko.

Napahawak naman sa braso si aling Victoria sa sinabi ko. "Jusko, ang sabi-sabi rin kasi sa'kin ay hindi mo s'ya masusundo."

"Ha?! Sinong may sabi- aish, lagot ako kila tiyo nito." Mangiyak-ngiyak kong saad habang tinatawagan ang numero ni Bella. Nag ri-ring lang ito kaya mas lalo na akong kinabahan.

Hindi na ako nag patumpik pa at mabilis na akong tumawag ng tricycle. "Iiwanan ko po muna yung mga gamit ko, hahanapin ko lang po si Bella. Kung dumating po sila tiyo pakisabi na lang po yung totoo!" Sigaw ko habang papalayo sa pigura ng ginang.

Dumaretso ako sa school ni Bella pero ang sabi ng guard ay kanina pa raw tanghali walang klase dahil unang araw pa lang naman.

"Bella sumagot ka naman, oh." Kagat labi kong saad.

Nakaka ilang missed calls na ako pero wala talagang sumasagot.

"Kuya sa may plaza po." Saad ko sa driver.

Halos maikot ko na ang buong skwelahan pero aa talagang anino ni Bella, sa plaza, sure ako na baka andoon dahil mahilig itong nag pupunta doon.

Pero laking pang hihinayang ko na wala rin s'ya sa plaza. Napag tanungan ko na rin ang mga kakilala ko pero wala.

"Miss, may nakita po ba kayong babae na matangkad at morena? Eto, eto po s'ya." Saad ko sa babaeng nakasalubong ko.

Tanging iling lang ang mga natanggap ko sa mga taong pinag tatanungan ko. Hindi na ako mapakali dahil bukod sa takot na nararamdaman ay pakiramdam ko ay may hindi na magandang nangyayari.

Inabot na ako ng ala-sais sa plaza hanggang sa tumawag sa'kin ang mga tiyo ko.

"Celeste anong balita? Wala pa rin ba?!"

"Tiya, wala po talaga e, nag pa-blotter na rin po ako sa brgy." Humihikbi kong saad.

Aaminin ko na kahit maldita sa'kin ang dalaga ay tinuring ko pa rin itong bunsong kapatid.

"Anak naman ng tokwa, Celeste! Kasalanan mo 'to e, kung  sana umalis ka ng maaga e di sana andito na si Bella! Kung may mangyari man na hindi maganda sa anak ko malilintikan ka talaga sa'kin!"

Halos manlambot na ako dahil bukod sa nag aalala na ako, sermon at banta pa ang aabutan ko pag-umuwi ako na hindi kasama si Bella.

Humihikbi na akong naglakad uli kahit na ang paa ko'y paltos-paltos na mula sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa isang iskinita. Halos mawalan na ako nang hininga dahil sa takot na nararamdaman ko pero pinag sa walang bahala ko na lang ito.

Nabalitaan ko kasi na sa labas ng eskinitang ito ay may maliit na bayan na dinadayo ng iba. Sa sobrang tago nito halos kasing lapit na nito ang gubat na pinangyarihan ng aksidente kanina sa balita. Pero kailangan kong sumubok, baka andito si Bella.

Habang naglalakad sa madilim na pasilyo gamit ang phone bilang ilaw ay hindi na ako kumportable dahil sa mga tunog na naririnig ko. At hindi pa man nangangalhati ay halos himatayin na ako nang makaramdam ako ng malamig sa pisnge ko.

"Boo!" Saad ng sino man na nakapag pasigaw sa'kin at nakapag pa-upo.

"Woah, easy."

Umiiyak akong napahawak sa dibdib ko dahil takot na takot na ako. Pakiramdam ko ay ano mang oras ay mamatay na ako.

"Shit! Miss are you okay?"

Pakiramdam ko ay lutang na lutang na ako at tanging boses lang ang naririnig ko sa paligid ko. Dahil sa sobrang labo ng paningin ko. Mugto na siguro ang mata ko at namumula na dahil sa kakaiyak hindi ko na maaninag kung sino ba ang nasa harapan ko.

Nag pupumiglas ako sa taong nakayakap sa'kin ngayon. "Ahh! Huwag n'yo akong sasaktan, please!!" Sigaw ko at biglang napayakap sa sarili ko

"Its okay, I won't hurt you, okay? I'm sorry for scaring you."

Bulong nito sa tenga ko.

Hindi ko mawari pero ayoko talaga sa madilim at mas lalong na trigger ang trauma ko dahil na rin sa mga nangyayari sa paligid ngayon.

"Take a deep breath. Enhale, exhale, enhale, exhale. That's it. Slowly."

Ginawa ko naman ang sinabi nito at unti-unti rin ay naramdaman ko na na gumiginhawa na ang daloy ng pag hinga ko.

"B-Bella." Saad ko.

"What?"

"Si Bella, nakita mo ba s'ya?" Bulong ko habang nakayuko.

Nahihilo na ako dahil sa pagod na nararamdaman ko.

"Oh, you mean Bella Mandovas?"

Napa angat naman ako nang tingin sa lalaking ngayon ay nakayakap sa'kin. Malabo pa rin ang paningin ko pero batid ko na isa rin itong estudyante base sa suot na yunipormeng nakapa ko.

"Nakita mo ba s'ya?" Tanong ko pa.

Sa pagkakataon na 'yon ay bumitaw na ako sa lalaking nakayakap sa'kin at marahan hinilot ang sentido ko na ngayon ay kumikibot na ang ugat.

"Yes, actually, she's with us."

Natigil naman ako sa sinabi nito at nag angat nang tingin.

Totoo nga, kasama nga namin si Bella na ngayon ay nakangiti ng malaki sa'kin habang nakatutok ang Camera nito sa'kin, pati ng mga kaklase n'ya. Kahit malabo ang tingin ko ay nakakasigurado ako na si Bella nga 'yon.

"Aw, nice act!"

"Naks naman, Carlos."

"Ang daming viewers, pre. Nice one!"

'Yan na lang ang ilan sa mga narinig ko bago ako tuluyan nawalan ng malay.

To be continue...

Universal DreamsWhere stories live. Discover now