Chapter 1

73 15 99
                                    

Dedicated to Mekaikuchu

"Nagbabagang balita. Dalawang bangkay ang natagpuang patay malapit sa Colegio de San Juan de Letran kaninang madaling araw. Halos hindi na ito makilala dahil sa wala na itong balat sa mukha at tuyot na ang mga katawan. Batid ng mga pulisya na estudyanye ang mga ito dahil sa uniporme-"

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla na lang namatay ang tv nang akma ko nang kakainin ang binabalatan kong Sebuyas.

"Ano ba naman 'yan, Celeste. Ki' aga-aga nanonood ka na ng TV! Baka tumaas na naman ang kuryente!"

Napabuntong hininga ako ng marinig ko ang tinig ng tiya ko. Nahuli lang naman niya kasi akong nanonood kahit pasado ala-sinco pa lang ng madaling araw.

"Bilisan mo nga d'yan at baka mahuli si Bella sa unang araw ng klase!" nakasigaw nitong saad habang naghahanda sa pagpaplantsa ng uniporme.

Nangunguso ko namang binilisan ang kilos ko. Sinasadya ko talagang magising din ng madaling araw para makapanood sa telebisyon pero naalala ko nga pa lang magsisimula na ang klase ngayong araw.

Dahil sa kahirapan ay limitado lang ang pwede naming gamitin na kuryente lalo na't kapos din kami sa pera. Mahirap ang buhay namin dito sa Intramuros dahil nakatira lang kami sa ilalim ng tulay. Sumabay pa ang pag aaral ni Bella ngayon sa Sekondarya na sa kolehiyo, kaya doble-kayod ang dapat gawin.

"Ano ba! Pakeng ka bang bata ka? Sabi ng bilisan mo d'yan nang mailuto na 'yan! Anong oras na, Celeste!"

Halos mahiwa ko na ang daliri ko dahil sa lakas ng boses ng tiya ko. Sakto namang katatapos ko lang hiwain ang sibuyas ay siya namang pagdating ng tiyo ko.

"Ano ba naman Wilma? Kaaga-aga nangbubulabog ka na!" galit nitong sigaw.

Mabilis naman akong nagtungo sa labas upang magluto ng kaning lamig at itlog na may sibuyas, at para na din makaiwas sa bangayan ng mag-asawa.

Malapit na din sumilay ang haring araw ng makalabas ako. Malamig ang simoy ng hangin na siyang nakapag panginig sa'kin dahil sa suot ko.

Habang inaantay kong magbaga ang kalan de uling namin, nakarinig naman ako ng tawa sa likuran ko.

"Celeste, napag initan ka na naman ni Aling Wilma, no?" natatawang saad ni Shyna. Ang kababata ko. Saglit pa akong natigilan nang mapansin kong nakasuot na ito ng uniporme.

Binigyan ko na lang ito ng hilaw na ngiti bago siya tinanguan. "Oo, alam mo naman 'yon. Araw-araw atang nireregla," biro kong saad na lalong nagpatawa sa kanya.

"Kailan ka kaya makakausap ng matino, Celeste. Siya nga pala, dadaan ako sa Plaza mamaya para bumili ng isda. Sasabay ka ba?"

Natigilan naman ako at nag isip sandali. Kung araw ng Lunes ngayon ay paniguradong makakapag tinda ako ng madami. Maari na din akong makaipon.

Malaki ang ngiti ang sinagot ko kay Shyna at mabilis na tumango. "Bakit hindi? Sayang ang kita ngayon."

"Kung ganon ay magkita na lang tayo sa tapat ng lugawan," paalam niyang sagot. Kinawayan ko naman siya kahit na nakatalikod na siya.

Tinitigan ko naman ang Suot-suot niyang malinis at puting-puting uniporme. Natigilan lang ako ng maalala ko ang dapat kong lutuin. Sikat na ang araw at paniguradong lagot na naman ako sa Tiya ko.

Ilang minuto din akong nakatalungko bago pumasok at saktong kalalabas lang ni Bella sa kwarto ng makaluto na ako. Sandali pa akong natigilan nang makita kong tinutulungan ng tiya ko na mag ayos ng uniporme ang anak habang si Bella ay todo ayos ang ginagawa. Nakaramdam ako ng inggit at lungkot sa nasasaksihan ko, pero pinagsawalang bahala ko na lang din ang nararamdaman ko dahil sanay na ako.

Universal DreamsWhere stories live. Discover now