Prologue

90 24 53
                                    

"Ikaw na ang bahala sa lahat, Minerva" nagmamakaawang saad ng dalaga habang tinutulungan siyang mag impake ng mga gamit ng matanda.

Nang makatapos ay mabilis pa sa alas kwatro silang nagtungo sa likod ng bahay upang doon dumaan. Dito, walang makakapansin o makakakita sa kanila.

"Alagaan mo ang sarili mo, hindi natin alam kung magkikita pa ba tayo." Mahinang saad ng matanda bago siya inabutan ng pulseras.

"Isuot mo ang bagay na 'to. Mababatid kong hindi ka nila mahahanap"

"Salamat, aalis na ako" naiiyak niyang sagot bago niyakap ang matanda. Mabilis niyang nilisan ang bayan ng Nemia ng may takot at pagsisising nararamdaman.

Walang sino man ang nakakaalam sa pagtakas niya sapagkat lihim lang ang lahat. Nais niyang iligtas ang kanyang pamilya, ganun rin ang kanyang sarili.

Puno ng takot niyang binaybay ang masukal na gubat habang tangay-tangay ang malaking bag na naglalaman ng mga importanteng dokumento at damit. Matagal na nilang plinano ang lahat at nasisiguro niyang hindi na sila papalpak pang muli.

Mas binilisan niya pa ang pagtakbo pero napatigil na lang siya dahil hindi niya inaasahan na may nag aabang na pala sa dulo ng lagusan.

Kasabay ng pag-ihip ng napakalamig na hangin ay siya namang pag lapat ng napakalamig na boses sa kanyang tenga bago siya nawalan ng malay.

"Isang kataksilan ang ginawa mo."

Universal DreamsWhere stories live. Discover now