I guess it is the latter. Alam ko namang imposible niya akong magustuhan. Gumawa na rin siya ng kondisyon na kailangan ko lang siya layuan pagkatapos ng isang linggo. That really made me curious.

"Saan ka nagpunta?" Emily said while waiting for me on the service. Alas kuwatro na kasi ng hapon at iyon ang schedule ng pag-alis namin.

"Kinuha ko lang ang gamit ko sa room. Andyan na ba silang lahat?" I asked her.

"Oo, nakasakay na. Ikaw na lang ang hinihintay," Emily said. Tumango ako. Gusto ko ng ikwento kay Emily ang napag-usapan namin ni Alastair but I know this is not the right time to talk about this. We lost the game and I know this is not the time to celebrate.

"Ano ba yan, paimportante talaga!" Celestine said in an annoying tone.

Hindi ko na pinansin ang pasaring dahil maayos ang mood ko. Iyon naman talaga ang gusto ko. Gusto ko lang makasama si Alastair kahit sandali... even if he doesn't like me. Alam ko naman na hindi talaga siya iyong tipo ng lalaking mabilis makuha. I underestimated him.

Unlike sa mga binabasa kong mga nobela, na nakukuha mo ang lalaking gusto sa mga pagpapacute, it's really different for him.

It's like he was raised to be cold and intimidating. He's very mysterious and secretive, too. Kakaunti lang ang nalalaman ko sa kanya. And even when I'm investigating about him, he's living on a high-end subdivision. Is he rich? Is he from an influential family?

"Here..." inabot sa akin ni Emily ang tubig at saka tumabi sa akin sa bus. Umaandar na ang sasakyan at tahimik na ang lahat. Wala naman talagang gaganahan magsalita. We are all tired and we even lost the game.

"Thanks, Emily.." I smiled at her.

"Something happened?" she asked. She probably saw my mood. Kilalang-kilala na talaga ako ni Emily. That's why I am so thankful I'm her friend. She's a bit dense, but she's really thoughtful and kind.

"Hmm... I don't know if I should tell it to you now.."

Emily also has a crush on Alastair. Baka magalit siya sa akin kapag nalaman niyang magiging nobyo ko si Alastair ng isang linggo.

"You don't have to tell me if you don't feel like it.."

Tumango-tango ako.

Kaibigan ko na si Emily pagtuntong ng highschool. Dahil kaibigan ng parents ni Emily ang Papa ko, she used to come to our house a lot. Her mother is sick and she has to receive continuous treatment. Meanwhile, her father's a carpenter kaya naman hindi kayang tustusan nito ang pampagamot ng Mama ni Emily.

Tinulungan ni Papa sila Emily na makareceive ng sponsor kaya hindi na sila namomorblema sa pambayad sa gamot ng nanay niya. Isa pa, Emily got a scholarship that's why she can attend the same university. Nagpasya siya ng Chemistry din ang kunin kaya magkaklase kami sa lahat ng subjects.

"I want takoyaki, Em. Daan tayo sa school?" I asked her. She frowned immediately. Ang pangit talaga ng kaibigang ito kapag nakasimangot. Daig pa ang nalugi e.

"Huh? Na naman? Di ka ba nauumay sa takoyaki? Parang araw-araw ka ng kumakain nun? Mamaya tubuan ka na ng pusit sa mukha.." she teased. Sinimangutan ko lang siya.

"Baliw ka talaga.." I laughefd. "Pero Emily.. I just wonder do you still like Alastair?" I asked her. She just smiled at me and nodded.

"Of course I do.. But I like you more than him. You're my best friend afterall.."

"Wala akong pera, Emily. Huwag mo akong bolahin. Wala kang maloloko dito," natatawa kong tugon. She laughed but she lower her voice not to disturb the other members.

Persia's PrayerWhere stories live. Discover now