51. Alpha Male

Comincia dall'inizio
                                    

Naririnig ko ang pagpigil ng tawa nina Patrick. Gusto kong batuhin ng mani kasi natatawa na rin ako sa mukha ni Rico. Ang KJ pala talaga nitong taong 'to, hindi ko naman inaasahan. Hindi ko kasi siya napapansin dati kasi iba kami mag-usap at iba siya magalit kapag kami ang nag-aaway.

"Chill ka lang," sabi ko. Tiningnan ko sina Clark. "Iwan n'yo muna rito. Ako na ang tutulong. Baka manaksak, e."

Bigla silang nagtawanan. Natawa rin tuloy ako.

"Ha-ha-ha," sarcastic na pagtawa ni Rico dahil napagtutulungan namin siya.

"Sige na," pakiusap ko kina Clark.

"Okay," natatawang sinabi nina Clark at nagsilipatan sila sa puwesto kong naiwan doon sa lilim.

Naiwan pa rin si Patrick sa ihawan para asikasuhin ang niluluto roon. Tinabihan ko si Rico sa kaliwa niya at ang sama talaga ng timpla niya. Padabog niyang kinuha ang nakatayong kutsilyo saka ipinagpatuloy ang paghihiwa niya sa remaining ingredients ng marinade na ginagawa niya para sa barbecue later this night.

"Galit ka?" tanong ko ulit habang sinisilip ang mukha niyang pikon na pikon pero nagtitimpi na lang.

Wala siyang isinagot. Tahimik lang siya.

Si Clark kasi. Kaya nga bad trip na bad trip ako sa isang 'yon, ganito katigas ang ulo to the point na nakakairita na.

"Natakot ako kanina sa sigaw mo. Akala ko, tatagain mo na sa leeg si Clark," mahina kong sinabi habang tinutulungan siyang timplahan ang nakalagay sa malaking transparent dishware kung nasaan ang iba-barbecue. "May cayenne na 'to?"

Walang salita kay Rico, umiling lang para sabihing wala. Ano ba 'to? Nagtatampo? Bakit? Kasi inaaway namin siya? Hala!

"Galit ka talaga?" tanong ko na naman habang sinisilip ulit ang mukha niya. Nakayuko lang siya sa hinihiwa niya, ayaw mamansin.

Hindi ko alam kung kakabahan o matatawa. Nagtatampo ba talaga 'to? Paano ko 'to susuyin? Hindi nga alam ng barkada niya na asawa ko siya. Haharutin ko ba 'to sa harapan nila? Dala ba niya ang dino plushie niya sa maleta? Ibigay ko kaya si Mr. D para kumalma siya.

"Psst, Mr. Dardenne, nagtatampo ka?" natatawa ko pang tanong na hindi niya sinagot. Nagpatuloy lang siya sa paghihiwa at isinunod ang malalaking bell pepper para sa kebab.

Hala! Ano? Hindi niya ako iimikin?

Bahala siya, si Patrick na lang ang iimikin ko.

"Ayaw mo 'kong kausapin? Si Patrick na lang ang kakausapin ko. Pat!"

"Yes?"

"Diyan na lang ako. Tulungan kita."

"Go on!"

Ang kaso, bago pa ako makahakbang, biglang inangkla ni Rico ang braso niya sa baywang ko saka ako idinikit sa kaliwang gilid niya. Pagtingala ko sa kanya, nakalingon siya kay Patrick na isa ring naging biktima ng tingin niyang mas mainit pa sa ihawan.

Nandidilat ako habang palipat-lipat ang tingin kay Patrick na nakataas ang magkabilang kamay hawak ang tong para sumuko tapos kina Clark na natigilan sa pagpapak ng hotdog at marshmallow, at kina Will na kami na ang kinukunan ng picture mula sa kabilang panig ng pool.

O . . . kay?

Saglit kaming natigilang lahat. Feeling ko, huminto ang Earth habang nakatitig sa amin ni Rico. Pati paghinga ko, saglit ding tumigil at walang ibang rumerehistro sa akin kundi ang smoky flavor ng barbecue na niluluto ni Patrick.

Binitiwan na rin ako ni Rico saka niya kinuha ang white face towel na nakasampay sa balikat niya bago itinakip sa ulo kong nagsisimula nang mabilad sa init. Walang salita niyang ipinagpatuloy ang paghihiwa sa green bell pepper sa mesa pagkatapos.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora