Chapter 16

697 21 0
                                    

Megan

"Crisstof please naman wag kang pumayag"

"Tss. SHUT up wala tayong magagawa"

Nainis siya oo nga't mahal niya si Crisstof at nais niyang magpakasal rito pero hindi naman niya pinangarap na maikasal rito ng sapilitan.Pero si Crisstof parang wala man lang pakialam sa nangyari.Hindi nga nag react nong sinabi ng lola nito na ipakasal sila sa lalong madaling panahon.

At iyon nga wala itong pakialam kong daldal siya ng daldal.Nakahiga lang ito at parang matutulog na naman.Kaya nainis siya at binato niya ito ng unan na siya namang ikinagagalit nito.Tumayo ito at lumapit sa kanya na may galit sa mukha.

"Ano bang problema mo huh?? Kung magpakasal eh di magpakasal."

Napanganga nalang siya.Sa totoo lang nasaktan siya sa sinabi nito para kasing lumalabas na napipilitan lang ito na totoo naman at pinalalabas nito na siya may kasalanan kung bakit ito magpapakasal sa kanya.

"Kung ayaw mong pag usapan eh di wag wala namang nangyari sa atin eh kaya mas mabuti pa ngang umalis na lang ako rito"

Tumalikod na siya at humakbang sa punto ng biglang lumapit si Crisstof sa kanya at ibinalibag nito pasara ang pintuan.

"Fuck Megan dont leave again and this time we need to talk badly sa ating nakaraan"

Umalis na siya.Sa lahat pa ng pwedeng pag usapan bakit yong past pa nila napilit na nga niyang kinalimutan.

"Like what i have told you Crisstof wala ng magbabago pa i am married and i have my own family"

Hindi siya nakalabas ng pintuan dahil naharang ito.Wala na siyang magagawa pa kundi ang tumayo sa harapan nito.

"Married?? Enough of your stories Meg i know that your not married.I know a lot Meg."

Napatahimik siya natatakot kasi siya na baka nalaman nito ang tungkol sa anak nila at kukunin nito ang mga bata sa kanya.Siyempre hindi niya yon kaya.

"H-how did you know??"

Ngumiti ito sa kanya at pagkatapos ay lumapit sa kanya at inakay siya papunta ng sofa at naupo silang dalawa.

Naisip niya na iyon na siguro ang tamang pagkakataon para malaman nito ang buong katutuhanan sasabihin nia niya ang totoo at nakahanda na siya sa ano mangmangyari pagkatapos niyang kausapin ang lalaki.

"Yes i am not married and w-we....-"

Napayuko siya hindi niya kayang sabihin rito na may anak sila dahil natatakot siyang mawala sa kanya mga anak niya.Napaiyak nalang siya dahil alam niyang wala siyang laban kong sakali mang umabot sila sa korte.

"And yes we have a kids.And dont worry i will not going to take them from you.But in one condition"

Napaangat siya ang ulo niya at tumingin sa mga mata nito.Nakikita niya na nagliliwanag ang mga mata nito na ngayon niya lang ulit nakita matapos silang naghiwalay maraming taon na ang lumipas.Ito yong kinang ng mga mata nito noon pag sinasabihan niya ito ng I LOVE YOU o di kaya ay yong panahong masaya silang nagsasama.

Napailing lang siya namalikmata lang siguro siya noon at pati narin ngayon.Dahil paano ba ito magiging masaya pagsiya ang kasama eh hindi nga siya nito totoong mahal diba.

"What is it?"

"Marry me first Meg"

Napatayo siya.Ayaw niyang matali rito dahil lang sa mga bata dahil baka di niya mapigilan ang sarili niyang mahalin ito lalo.

"I cant Crisstof sorry i-im i-in love with someone else"

Napatayo na rin si Crisstof at hinawakan ang balikat niya.Galit na galit ang mukha nitong nakatunghay sa kanya.

Let Love Heal ( under editing ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon