Chapter 15

662 20 0
                                    

MEGAN

Pagod na pagod at ang sama ng pakiramdam niya nong dumating siya sa bahay ni Crisstof.Pinaglaba kasi siya ng lalaki ng mabibigat na gamit sa bahay at pagkatapos maglaba nagpunta pa siya ng mall para makita siya ng mga anak niya.Sabi kasi sa kanya ni Ryan umiiyak daw ang mga anak niya nong dumaan ito sa bahay niya.Sinama ito ng lalaki kahit na may trabaho pa ito.

Ngayon andito siya sa bahay ni Crisstof nagpapahinga dahil natapos na niya lahat ng gawain ng nag iisa.Wala kasi si Thea may aayusin lang daw at si Nanay Feh naman busy sa bahay nito.

Matutulog na sana siya ng mapansin niyang umuulan kaya dali dali siyang magpunta sa labas para kunin ang mga nilabhan niya kanina.Malakas na ang ulan kaya basa na rin siya pati na rin ang mga nilabhan niya useless lang din ang pagkuha niya ng mga ito.

"Lagot ako nito"

Naalala kasi niya ang sinabi ni Crisstof kanina na pagsapit ng hapon kailangang matuyo na ang nilabhan niya.

Pumasok siya sa loob ng bahay.Mas lalong sumama pakiramdam niya.Hindi nalang siya kumain at nagtungo na sa kwarto niya para matulog.

Hindi pa malalim ang naitulog niya ng biglang may bususina bigla siyang bumangon para pagbuksan ang dumating na alam niyang si Crisstof.

Pakiramdam niya kunti nalang babaksak na talaga ang katawan niya.Giniginaw siya tapos ang init pa ng pakiramdam niya.Ang sakit pa ng ulo niya.Mabuti nalang at nakarating siya sa gate ng hindi natutumba.

Isinara niya ang gate at nagtungo na sa loob ng bahay para magpahinga masama talaga ang pakiramdam niya.Nakita niya si Crisstof na papalapit sa kanya.Hindi na niya nagawang umalis pa dahil kahit sa paghakbang lang hindi niya na magawa dahil pakiramdam niya mabubuwal lang siya.


"Are you okey?"tanong nito na may halong pag aalala.


"Yeah im okey"


Humakbang na siya pero hindi pa siya nakakaalis sa kinatatayuan niya ng bigla nandilim ang paligid niya at natumba siya.Ang huli niyang natatandaan ay may matigas na bagay ang sumalo sa katawan niya..

CRISSTOFER


Dinala niya si Megan sa kanyang kwarto.Labis ang kanyang pag aalala ng malaman niyang ang taas ng lagnat nito.Inihiga niya si Megan sa kanyang higaan at pagkatapos ay lumabas para kumuha ng damit at gamot nito.


Dumaan siya sa kusina at nakita niya ang kanin na hindi pa nagalaw.Kaya sa tingin niya hindi pa ito kumakain.Nag luto siya ng mabilis,lugaw ang niluto niya dahil iyon lang ang pinakamabilis na lulutuin.Pagkatapos inilagay niya ang lugaw sa bowl at kumuha ng tubig.


Bumalik siya sa kwarto ng matapos niyang kunin ang dapat niyang kunin.Nadatnan niyang gising si Meg at hindi man lang tumitingin sa kanya.Agad niya itong nilapitan para pakainin.


"Kumain ka muna bago uminom ng gamot."


Kinuha nito ang niluto niya at kinain.Naubos nito ang lahat pero pagkatapos bigla nalang ulit natulog.Alam niya kong bakit ayaw kasi nitong uminom ng gamot dahil ayaw niya daw sa lasa.


Kailangan niya naman itong pilitin para mabilis itong gumaling.


Let Love Heal ( under editing ) Where stories live. Discover now