Chapter 11

606 22 0
                                    

Megan

Maaga siyang nagising.Sunday na kasi at day off niya excited na siyang makita ang mga anak niya.Pati narin ang kanyang nanay na nag aalaga kay Cj na nagpapagaling pala.May tumulong kasi sa anak niya pero hindi niya alam konh sino ang alam niya lang ay babae daw.Panatag ang loob niya dahil malapit ng gumaling si Cj ang problema nalang niya ang yong death treat niya baka kasi pati anak niya idadamay sa kung sino mang tao na nasa likod ng gumagambala sa kanya.

Iniligpit na niya ang kanyang mga gamit.Inihanda na niya ang mga gagawin niya para umalis na.Nalaman niya na may nilakad si Crisstof kaya aalis nalang siya ng hindi nagpapaalam mag iiwan nalang siya ng note para malaman nito na umalis siya.

Excited siyang makita ang dalawa niyang kambal.Sabi kasi ng nanay niya perfect daw ang dalawa sa exam sa school.Kaya bago siya umuwi dadaan muna siya sa mall para makabili ng pasalubong sa dalawa niyang anak.

Umalis na siya at tumawid sa daan ng biglang may dumaang kotse mabuti nalanh at naka preno eto dahil kong hindi baka napuruhan siya.

"Hija ok ka lang?"


Tumingala siya sa babaeng nagsasalita.Napatulala siya kasi medyo hawig yong mukha nila at halatang mayaman pa.Pero bumaba talaga ito at tinulyngan siya kahit hindi naman siya napuruhan.


Ngumiti siya sa babae at nilapitan niya ito.Sobrang gaan ng pakiramdam biya para kasing nagkita nasila dati pero hindi niya maalala.It felt like meeting an old friend pero nakakasegurado siya na ngayon lang naman sila nagkita.


"Okey lang po ako"


"Dadalhin nalang kita sa ospital para makasigurado tayong okey kalang talaga may galos ka pa naman baka maimpeksiyon yan"


Sa totoo lang gusto niya talaga itong makasama ng mas matagal kaya lang nahihiya siya baka kasi nakaabala na siya eh.


"Wag nalang po okey lang talaga ako"

"No sumama ka na lang sa akin.Halikana magkikita rin kami ng asawa ko pupunta kami sa mall"

Ewan ba niya pero pagdating sa babae hindi talaga siya makahinde.Sumama siya sa babae papunta sa isang mall kung saan siya pupunta.Napakasaya siya para bang may nakumpleto sa buhay niya ng makasama niya ang babarng hindi naman niya kilala.

Pumasok sila sa entrance ng mall at sumalubong sa kanila ang lalaking kilala niya-ang doktor ni Cj na nagsasabing kamukha daw niya siya ng asawa nito.At tama talaga kamukha nga siya nong babae hindi lang kamukha kamukhang kamukha parang carbon copy nga eh.

"Hija kilala mo pala ang asawa ko"

"Hindi ho muntikan na kasi akong bangga ng asawa niyo na ako din ang may kasalanan"

"Sa susunod mag iingat ka naman hija"

"Oho"

"Ano nga pala gagawin mo dito hija?"

"Bibilhan ko ang mga anak ko ng laruan"

"May anak kana pala hindi halata"

Ngumiti siya totoo naman kasi hindi talaga halatang may dalawa na siyang mga anak.

"Honey may anak na siya at yon yong bata na nakita mo sa hospital na akala mo anak ni Cristtofer"

Nabitin sa ere ang mga ngiti niya.Natinig kasi niya ang pangalan ni Crisstof at nahulaan ng ginang na anak nga ni crisstof ang mga anak niya.


Naisip niya na kong si Crisstof ang makakita sa mga anak niya baka kukunin nito ang mga bata sa kanya.Malalaman at malalaman nito ang katutuhanan dahil kahit saang anggulo tingnan kamukha talaga nito ang dalawang kambal niya.

"Hija anak mo pala sila ang cucute mga batang yon sigurado kabang si Ryan ang ama nila at hindi si crisstofer."

Napaubo siya.Kasi naman sinabi nito na si Ryan daw ang ama eh ang layo kaya ng mukha nong tatlo kaya impossible talagang sila ang mag ama.

"Hindi naman po si Ryan ang ama ng mg anak ko eh kaibigan lang po kami pero daddy lang ang tawag nong mga bata sa kanya"


"I see"

Lumakad na sila at namili na ng kahit ano.At ang ginanag pa talaga ang nagbayad sa pinamili niya.Sabi kasi nito natuwa ito sa dalawang bata.Ayaw sana niya pero wala naman siyang magagawa.Kaya ang nangyari ayon umuwi siyang ang daming bitbit.

Excited na siyang makita ang mga anak niya.Isang linggo na kasi mula nong iwan niya ang mga anak sa pangangalaga ng ina niya sa tulong ni Ryan na sa pagkakaalam niya ang sobrang busy na sa paghahanap ng nawawalang anak ng mag asawang nakasama niya kanina.

Naawa siya sa dalawa ginugol talaga ang oras at pera sa paghahanp ng nawawalang anak ng mga ito na sa pagkakalam niya ay baby pa daw nong nawala at sigurado siya sa ngayon ay kaedad na niya or worst baka hindi na lumaki at pinatay nong kumuha.

Pumasok na siya sa bahay nila nadatnan niya doon si Ryan na kumakain.Welcome na welcome talaga ito sa bahay niya.Natatawa tuloy siya sa ayos nito.Napansin siya ng mga bata kaya tumakbo ito papalapit sa kanya.At gaya ng dati hindi pinapansin ng mga ito ang dala niyang pasalubong mad inuna nito ng yakapin siya at halikan.Ganoon niya pinalaki ang anak niya.

"Mommy okey lang ba ang work mo?"-jc

"Mommy hindi ba bad ang boss niyo po"-cj

Napangiti siya "babies okey lang si mommy get your pasalubong na mag uusap lang kami ng daddy gwapo niyo"

"K po"- cj and jc

Umalis ang mga bata at lumapit siya sa kaibigan niya.

"Kumusta ang work?"

"Ryan s-si C-crisstof ang naging amo ko"

Nalaglag ang kutsara ni Ryan.Tiningna siya nito at naghihintay talaga ito ng kasunod na sasabihin niya.

"I am such a fool Ryan i still love him even though sinaktan niya ako at ngayon parang hindi pa siya tumigigil Ryan"

Umiyak na siya.Niyakap naman siya ng lalaki.Hindi niya alam ang susunod pang mangyayari sa buhay niya habang nasa poder pa siya ng lalaki.Konti nalang kasi bibigay na siya,konti nalang maniniwala na siya na mahal siya ng lalaki at gaya ng dati masasaktan lang siya.Iiwan at paaasahin nito sa walang kwentang pangako nito.Hindi na niya kayang isugal ang puso niya ayaw na niyang masaktan pa pero kahit ayaw niya ang puso niya parin ang nasusunod.

"Meg not this time.Wag mo ng tatakbuhan ang problema mo Meg harapin mo siya lalo na at nangangailangan ng totoong ama ang mga anak mo"

Tama ang lalaki hindi nga solusyon ang pagtakbo sa problema para maayos amg lahat.Pero naisip niya na hindi niya kayang tanggapin ulit si Crisstof takot siyang baka sa huli maiiwan lang siyang mag isa at pati mga anak niya ay kukuni din ni Crisstof sa kaniya.


Crisstof

Maaga siyang umalis dahil may kailangan siyang puntahan at ngayon papauwi na siya.Excited na siyang makita uli si MEGAN.Pagdating niya sa bahay pinuntahan niya agad ito pero wala ito sa kwarto ang nadatnan niya lang doon ay si Samantha.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Binibisita lang kita.Kung hindi ako nagpunta dito hindi mo sinasabi na nandito pala si Megan but sad to say she leave again"

"No hindi niya yon gagawin"

"Yes crisstof nagawa na niya look at this"


Kinuha niyaang papel na nasa kamay ni Samantha at nakita niya ang sulat kamay ni Megan.Nanlumo siya sa nabasa bumalik sa kanya yong araw na iniwan siya ni Megan and for the second time nagawa na naman nito.

♥♥♥♥♥♥

Sorry late ud huh.Medyo busy lang ako eh.

♥♥♥♥♥♥

Let Love Heal ( under editing ) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum