Chapter 8

662 19 2
                                    

Someone


Nakita niya ang dalawa kanina at hindi niya itatanggi na mahal pa ni Crisstof ang babaeng kinaiinisan niya.Nakita niya kasi kung paano ito nag alala ng makita nitong takot na takot ang babaeng kinaiinisan niya kanina.

Nakita din niyang umalis ang dalawa kaya naman sinundan niya para mabatid niya kong saan pupunta ang dalawa.Nakita niyang papunta ang dalawa sa burol kaya kahit na ayaw niya ang lugar na iyon nagpunta parin siya.

Kita niyang mahal na mahal ni Crisstofer ang babae.Kita kasi sa mga mata nito ang labis na katuwaan habang tinitingnan si Megan na walang alam sa pagtitig ni Crisstof.Galit na galit siya gusto niyang patayin si Megan para mapasakanya na si Crisstofer habang buhay.Naiinis siya nagawa niyang paghiwalayin ang dalawa noon pero nagkita rin ulit kaya gagawa siya ng paraan para magkahiwalay silang dalawa.Nagawa na niyang paghiwalayin ang dalawa noon kaya alam niyang kaya rin niyang ulitin yon sa ngauon lalo na at nakapasok na siya sa buhay ni Crisstof.

Umuwi na siya may mga bagay pa kasi siyang gagawin na alam niyang magwawagi siya.Ang plano niya ay ang palayasin sa bahay ni Crisstof si Megan.


"Hello nagawa na ba natin ang plano?"

"Nagawa na ate"

"Aasahan ko yan.Dapat sa ngayon hindi kana papalpak last chance mo naito dahil kong hindi i will never treat you as my sister.You understand??By the way wag mo akong tawaging ate hanggang di mo nagawa ang plano ko."

Ibinaba niya ang cellphone niya.Napangiti siya dahil alam niyang siya ang magtatagumpay sa ngayon.Sa kanya lang si Crisstof at walang pwede umagaw rito mula sa kanya.

A/N- Satingin niyo sino ang kausap sa babae sa phone??

Megan

Hindi niya nagawang kibuin si crisstof hanggang sa makauwi sila.Hindi niya alam kong anong sasabihin niya rito.Sa totoo lang ginusto niyang gumanti ng halik rito kanina.Hindi dahil sa nadala lang siya kundi mahal niya talaga ito.Kahit ilang taon na ang lumipas mahal niya parin si Crisstof at ang halik kanina ang nagpapatunay sa totoong naramdaman niya.

Pero hindi niya ikinatuwa ang nalaman niya.Dahil magiging katulad lang dati ang kalalabasan ng damdamin niya.Siya lang din ang masasaktan sa huli.Siya lang din ang aasa sa mga sasabihin ni Crisstofer na hindi totoo at papaniwalain siya sa ikinikilos nito kahit na malinaw pa sa sikat ng araw na hindi siya nito mahal dahil isa lang ang gusto nito ang mahigantihan siya sa kasalanang hindi niya naman ginawa

Papasok na sana siya ng biglang hinila ni Crisstof ang kamay niya.Napatingin siya rito at kitang kita niya ang lungkot sa mga mata nito habang nakatunghay sa kanya.

"Meg please mag usap muna tayo"

Nagbugtong hininga siya.Hindi niya alam kong anong gagawin niya.Naawa na siya kay Crisstof pero hindi niya pwedeng pagbigyan ang gusto nito.Dahil para sa kanya ang isang kasalanan ay hindi na pwedeng dagdagan pa ng isa pa.Bago pa magbago ang isip niya tumalikod na siya.Si Crisstof naman ay nasa likuran niya habang hinahawakan ang kamay niya.Hinila niya ang kanyang kamay sa pagkahawak nito humakbang na siya papunta sa pintuan ng bigla siyang yakapin ni Crisstof mula sa likuran.

Hindi niya mapigilan ang luha niya.Bigla nalang itong tumulo ng maramdaman niyang umiiyak rin si Crisstof sa likuran niya.

"Meg please mag usap tayo hindi ko na kaya to"

Humarap siya kay Crisstof na lumuluha kitang kita na niya ang mukha nitong hilam sa mga luha.Pero hindi parin siya naniniwala sa pinapakita nito dahil alam niyang hindi naman talaga siya nito mahal.

Itinaas niya ang kanyang kanang kamay at hinaplos ang mukha ni Crisstofer.Ayaw pa naman niyang makita na umiiyak ito dahil kahit papaano mahal niya pa si Crisstofer.

"Crisstof wag mo nang pahirapan sarili mo"

Umiiyak narin siya ang gusto sana niyang sabihin ay wag na nitong pahirapan ang damdamin niya.Pero alam niyang hindi niya iyon maisatinig.

"Meg ayusin natin tong problema natin handa akong mahing kabit basta bumalik kalang sa akin."

Mas lalo siyang naiyak sa sinasabi nito.Naisip niya na siya ang pinakamasayang babae sa mundo kong hindi lang nito pinaglalaruan ang damdamin niya.

Let Love Heal ( under editing ) Where stories live. Discover now