CHAPTER 37

64 9 0
                                    

37

•Zoe's POV•


Ang lamig! Kahit may dalawang damit na ako sa loob at pinatungan ko ng jacket ang katawan ko ay malamig parin. Iba talaga dito sa Baguio pano pa kaya sa Sagada?

Mag-aalas-tres na kaya gising na kami at nandito na kami sa labas ng hotel habang hinintay pa namin ang iba.

Ayos na ang mga gamit namin para sa camping. May anim na malaking tent ang section namin kaya walang problema doon at dahil makulit ang Benedict at Simon makiki-tent sila samin.

"Ready na ba ang lahat?" tanong ni Mr. Villoria.

"Yes, Sir."

"Okay. Sakay na kayo sa mga designated bus niyo."

Nagsisakayan na kami sa bus namin at gaya ng dati tabi ulit kami ni Yves.

Sakto malamig.. Yiiii

Sinampal ko ang sarili ko.

Sheet. Ano bang sinasabi ko? Arghh

"Why did you do that?" tanong ng katabi ko.

"Ha?"

"Bakit mo sinampal ang sarili mo?" naguguluhan niyang tanong.

"Ahh... Antok na kasi ako." nagpilit ngiti ako.

Tumango siya at sinandal na niya ang ulo niya.

Bumuntong hininga ako.

Napatingin nalang ako sa labas ng bintana ng bus.

Ang dilim... at buti nalang merong buwan at mga bituing nagniningning sa kalangitan.

Nakaka-antok...

Hinanap ko ang earphones ko sa bag ko at nahanap ko rin. Kinonect ko na siya sa phone ko at plinay ang mga relaxing songs.

Nagsimula nang umandar ang bus namin at kitang-kita ko kung pano nabalutan ng hamog ang bintana sa gilid ko.

Sinet nila sa dim lights ang ilaw ng bus kaya mas naging relaxing ang byahe. At hininaan ko din ang aircon sa taas namin dahil malamig narin naman.

Just close your eyes
The sun is going down
You'll be all right
No one can hurt you now
Come morning light
You and I'll be safe and sound

Hindi na ako nagpaalam na sumandal sakanya dahil antok na ako.

Just close your eyes
The sun is going down
You'll be all right
Come morning light
You and I'll be safe and sound

Dahan-dahan na akong hinala ng antok....

Nagising nalang ako sa ingay at mangha sa loob ng bus at dumagdag pa ang isang mabigat na bagay na nakapulupot sakin.

Pikit mata kong tinanggal ang nakapulupot sakin pero mas lalong humigpit kaya napamulat ako ng isang mata.

>_O

O_O

"Halaa!"

Nakayap sakin si Yves... habang nakasandal ako sa dibdib niya...

Napamulat siya ng mata at pupungay pungay pa... Antok pa ang loko.

"Sorry... Sige, tulog ka muna." ani ko.

Hindi niya parin tinatanggal ang yakap niya sakin at sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko kaya napaayos ako ng upo.

Napabuntong hininga ako.

Light in the Dark Night (COMPLETED)Where stories live. Discover now