CHAPTER 01

491 35 3
                                    

01


Kinabukasan nagising ako sa ingay ng alarm clock. Kaya nagunat-unat pa ako at kinusot ang aking mata at tinignan kung anong oras na at...

6:50 am na pala!

"Wah! Late na'ko!" kaya dali dali akong tumakbo papunta sa cr at naligo.

Nakalimutan kong lunes pala ngayon at may pasok pa'ko! 7:30 ang simula ng klase at siguradong late na ako. Pagkatapos kong mag ayos ay dumeretso na ako sa baba at nagpaalam kay mommy.

"Goodmorning, Mommy. Una na po ako," paalam ko kay mommy at hinalikan ko siya sa pisngi.

"Wait! Zoe, eat breakfast first!" Seryosong aniya.

"Nah. Mommy late na po ako, e. Sa school nalang po ako kakain."

"Okay fine," walang siyang ibang choice.

"Hehe. Thanks Mommy, bye!"

"Ingat anak, mommy loves you!" matamis siyang ngumiti.

"Yeah. Bye Mommy! I love you more.." tinalikuran at naglakad na palabas sa aming gate.

Naglakad na ako papunta sa gate ng Village namin. Sa bungad lang naman ang bahay namin kaya malapit lang sa gate ng Village at pwede siyang lakarin.

Nang nakalabas nako ay naghintay ako ng masasakyan taxi or bus ang sinasakyan ko kapag wala si Daddy.

Napabuntong hininga nalang ako. Naalala ko na naman si Dad.

Nang may nakita akong bus ay pinara ko agad ito. Medyo malayo ang school namin kaya madalas akong late.

Nang nakarating na'ko sa school ay kunti nalang ang mga student na naglalakad sa labas kaya tumakbo agad ako papunta sa gate at dali daling ti-nap ang ID ko. Nang matapos na ay tumakbo uli ako papunta sa room namin. Pagdating ko don ay hingal na hingal ako... buti nalang at wala pa ang Adviser namin.

Fourth year high school na'ko kaya medyo mahirap ang mga topic namin. Kailangan naming mag-advance sa topic dahil magsi-senior na kami next school year kaya hagard ang mga fourth year ngayon. Malapit narin ang third examination namin.

"Haaayyy!" sabay buga ng hangin.

Dumeretso na agad ako sa aking upuan. Hindi ko pa nalalapag ang bag ko ay sumigaw na si Aicha.

"Whaaa! Zoe, I miss you!" sigaw ni Aicha. Ang bestfriend kong siraulo at niyakap niya ako ng mahigpit 'yong tipong hindi kana maka-hinga.

"Aicha! Hindi ako makahinga!"

"Ayy sorry! namiss kita ehh.."

"Tch. Ang OA mo! Dalawang araw lang naman tayo hindi nagkita ahh?!"

"Hehe, peace!" Sabay peace sign kaya inirapan ko nalang siya. Buti nalang at pumasok na ang adviser namin.

"Goodmorning, Ma'am" bati namin at sabay tayo.

"Goodmorning! Okay take your sit." maligayang sabi ni Ma'am Agatha.

"Thank you Ma'am!" sabay sabay ulit naming sabi. Mabait si Ma'am Agatha at bata pa siya kaya ganyang ang trato ni Ma'am saamin.

Maganda siya at kitang kita mo ang maputi at makinis niyang balat dahil naka skirt lang si Ma'am kaya nga lang, medyo kinulang sa height.. Hehe.

"Okay our topic today is all about---" hindi pa natapos ni Ma'am ang sasabihin niya dahil may biglang kumatok sa pintuan.

Light in the Dark Night (COMPLETED)Where stories live. Discover now