CHAPTER 23

61 8 0
                                    

23

•Zoe's Pov•

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha mga ko. Sino 'yung babae? Bakit siya buntis!?

"Zoe, why are you crying?" biglang sumulpot si Yves at agad kong pinunasan ang luha ko.

"Wala." at nag iwas ako ng tingin pero pilit niyang pinagtatagpo ang tingin namin.

"What's wrong?" seryoso niyang tanong.

"Wala nga." Bahagya ko siyang tinulak.

"Tell me then."

"Nothing."

"Zoe." Ma-awtoridad niyang sabi at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"I saw Daddy... With another woman... " nag unahang tumulo ang luha ko at napalunok muna ako bago ituloy ang sinasabi. "And the woman are... are pregnant.." napahikbi na ako. Niyakap niya ako at patuloy parin ako sa pag-iyak.

"Hush..." hinimas niya ang likuran ko. "Let's go home. Ihahatid na kita." aniya.

"Sila, Aicha."

"Ako na ang bahala. Basta, uwi na tayo." hinigit niya na ako palayo doon at paglabas namin loob ng mall ay magtatakip silim na sa labas.

"Hush. Stop crying." niyakap niya ulit ako.

"Pano niya nagawa samin 'to?" tanong ko at humiwalay na ako sa pagkakayakap sakaniya.

Pumara na siya ng taxi at pinagbuksan niya ako ng pintuan.

"Thank you." at pinunasan ko ang mga luha ko. Tulala ako habang umaandar ang taxi.

"Are you okay, now?" Umiling ako bilang sagot.

"Come here. I will comfort you even that just I can do." niyakap niya uli ako. I feel comfortable with him.

Hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako sa kaniyang dibdib at namalayan ko nalang ang paggising niya sakin.

"Zoe? Wake up, We're here." Bahagya niyang tinapik ang balikat ko. Imunulat ko ang mata ko at bahagyang kinusot.

"Sorry."

"It's okay. Tara na." Hinila na niya ako palabas ng taxi.

Tumapat na kami sa gate namin. Parang ayaw kong pumasok. Ayaw kong makita si mommy lalo na si daddy.

"I will tell, Mom?" tanong ko sakaniya.

"Hmm. Maybe?"

Pinagisipan ko muna ng mabuti bago ako pumasok sa gate ng bahay. Nilingon ko si Yves at bahagya ko siyang nginitian.

"Thank you. Bye!"

"Welcome." tipid siyang ngumiti at tinanguan ko siya bago ko sinara ang gate.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago pumasok sa loob ng bahay.

Inilibot ko ang mata ko sa loob ng bahay at wala si mommy sa salas at kusina. Pumanhik na ako sa taas at nagbabakasakaling nasa kwarto nila siya.

Pagtapat ko sa kwarto nila Mommy ay kumatok muna ako at ilang sandali ay bumukas na ang pintuan.

Walang pasabi ay agad kong niyakap si Mommy.

"What's wrong?" tanong niya dahil nagsimula na akong umiyak.

"Mom..."

"Hmm?"

Light in the Dark Night (COMPLETED)Where stories live. Discover now