CHAPTER 03

216 19 1
                                    

03

•Zoe's POV•

Pagkatapos kong maghugas ay lumabas na ako sa kusina.

Pagkarating ko sa sala ay nakita ko si mommy na nanonood ng movie kaya lumapit ako sakanya.

"Mom, ano pong tittle niyan?"tanong ko.

"Maleficent" sagot ni mommy.

"Wow, really? Maganda daw po yan."

"Manonood ka pa?"

"Hmm, sana po mommy."

"Next time mo nalang panoorin. May pasok ka pa bukas ehh.."

"Aww! Sige po Mom, Goodnight!"sabi ko at humalik sa pisngi niya.

"Goodnight!.. I love you anak.." aniya at humalik sa'king noo.

"I love you too mom!"sabi ko at ngumiti sakanya. Tinalikuran ko na siya at dumeretso na sa aking kwarto.

Pagkarating ko sa aking kwarto ay nahagip ng paningin ko ang cellphone ko.

Nakalimutan ko pala kanina dahil sa pagmamadali kong pumasok. Sabagay, hindi naman ako active sa social media. Kaya madalas ay hindi ko ito ginagamit.

Sa pagbabasa lang ng libro ang hilig ko at paglalaro ng chess pagmeron si daddy.

Humiga na ako sa kama at kinuha ko ang aking cellphone at tinignan kong may text ba si Aicha do'n at meron nga.

Aicha:

Hi Zoe! Im home..

basa ko sa text niya at 30 minutes ago na kaya agad akong nagreply.

Ako:

Hehe, sorry! Ngayon ko lang nabasa =(

Mayamaya lang ay nagreply siya.

Aicha:

Okay lang atleast nagreply.. hahaha!

Hindi ko na siya nereplyan at nagbasa nalang ako ng libro sa science.

Mayamaya lang ay humikab na'ko at ramdam ko na ang antok. Inilapag ko na sa side table ko ang book at ang reading glass ko at humiga na ako.

Hinga ng malalim at ipinikit ko na ang mata ko.


Naalimpungatan ako ng biglang lumamig ang buong kwarto.

Bumangon ako sa aking higaan at tinignan kung anong oras na. Nanlaki ang mata ko ng nakita ko kong anong oras na. 3:30 pa pala nang madaling araw.

Pumunta ako sa tapat ng AC at pinatay ito. Hindi naman masyadong malakas ang AC, siguro dahil sa magdamag itong naka-on kaya naging malamig ang buong kwarto.

Dederetso na sana ako sa aking kama ng mahagip ng aking mata ang bintana ng kwarto ko. Hinahangin nito ang kurtina ng bintana, kaya hindi ko maiwasang kabahan. Ito kasi yung mga madalas kong mapanood na mga movie, yung may biglang susulpot sa bintana. 'Ahhh!!..'

Hindi ko maalala na nakabukas 'yan kagabi. Lumapit ako don at isasara ko na sana ng may nakita akong anino sa gilid ng isang puno. Alam kong may tao sa likod ng puno, kitang kita ko mula dito dahil sa tapat lang ng aming bahay ang punong iyon.

Biglang tumakbo ang kaninang nagtatago sa likod ng puno. Nakita siguro ako ng taong iyon kaya tumakbo siya.

Nangunot ang noo ko.

Light in the Dark Night (COMPLETED)Where stories live. Discover now