CHAPTER 09

110 12 0
                                    

09

Zoe's Pov

Tapos na ang klase namin at lunch na sa wakas!

"Wow! Ang ganda ng performance niyo kanina ahh!" eksaktong naka salubong namin si Simon pababa.

"Nakita niyo?"

"Syempre tanaw namin dun e." sabagay malapit lang naman ang coverd court sa building namin at sa second floor lang naman sila.

"Wala kayong class nung time na yun?"

"Vacant namin."

"Ah. Bakit di kayo bumaba?"

"Tinatamad kami e. Haha." sabi niya at umiling nalang ako.

"Tara na." aya ni Aicha at nauna nang bumaba sumunod naman kami.

Pagdating namin sa canteen ay dumeretso na si Aicha sa lamesa namin dala ang gamit  namin. Kaming dalawa ni Simon ang mago-order ng pagkain.

"Manang isang canned coke nga po at ito at ito." sabi ko at tinuro ang pagkain na gusto ko.

"Ito na po." sabay abot sa inorder kong pagkain.

"Salamat po." sabi ko at inabot sakanya ang bayad. Hinintay ko muna si Simon na dala ang pagkain nila Aicha.

"Anong ulam niyo?"

"Gulay lang at manok."

"Wow. Healthy ang pagkain niyo ah."

"Yup. Diet kasi ako e."

"Wow nagda-diet ka pala?"

"Aba, syempre para ma-maintain ang figure ko." sabi niya at kikimbot kimbot maglakad.

"Umayos ka nga bakla!" sita ko pero hindi niya ako pinansin kaya napa irap nalang ako.

"Hello, Simon!" bati ng isang student na babae kay Simon. Iba siya teh, kahit bading may nagkakagusto parin diyan. Tsk tsk. Hindi pinansin ni Simon ang bumati sakanya.

"Hoy, bakit hindi mo naman pinansin yun?" sita ko sakanya pagdating namin sa table namin.

"Chee! Hindi kami close 'no." maarte niyang sabi.

"Tsk. Tsk." iiling iling si Aicha.

"Teka. Hindi ka ba nagselos kanina habang sumasayaw kami ni Harry?" tanong ni Aicha at may nakakalokong ngisi.

"Nagseselos syempre." sagot ng bakla.

Bahagyang nanlaki ang mata ni Aicha. "Talaga?"

"Syempre sino naman ang hindi magseselos. Hinawakan ka ni Harry e. Sana ako yung hinawakan niya, hindi ikaw!" Napa pout pa siya.

"Sabi ko na barbie eh." sabi ko at umiling

"Hahaha! Bakla ka talaga kahit kailan." sabi ni Aicha

"Hindi kana ba magbabago?" dagdag ni Aicha

"It's depends kong choice ko."

"Tama nga naman." sabi ko at inirapan siya.

"Teka teka. Bakit pala ako ang topic? Dapat si Zoe!" sabi niya at ngumisi. Sabi ko na e. Tsk tsk. Pinunasan ko muna ng tissue ang kutsara at tinidor bago magsisimulang kumain.

"Oo nga e." dagdag ni Aicha na may ngisi sa labi. Hayysst! Pagtutulongan nanaman nila ako!

"Oh ano ms. NBSB?"

Light in the Dark Night (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें