Chapter 2

43 7 11
                                    


"Ma, Pa!" I ran to hug both of them.

"Anak, hindi mo sinabi sa'min na uuwi ka na pala" Ngumuso ako at niyakap sila muli.

"Gusto ko po kayong isurpresa eh! Asan si ate Alisha?" Nanlaki ang mata ko nang lumabas siya ng kwarto kasama ang anak niya. I smiled widely, Namiss ko si baby Rency!

The last time I saw him, he was still a newborn child, and now he's grown so much!

"Alexa? Ikaw na yan?" Gulat na gulat niyang tanong. Tumango naman ako at saka tumingin sa labas.

"Umiinom?" She bit her lower lip before nodding. Pinagsawalang bahala ko muna 'yon at saka binuhat si baby Lawrence.

"Kamusta baby ko?" Tanong ko at saka hinalikan siya sa pisnge. Medyo maagang nabuntis si Ate, kaya 5 na agad si Rency.

"Tita?" He tilted his head a little to the side which I nodded to.

"Anak, kamusta pala ang paghahanap kay Alia?" Nagkatinginan muna kami ni Ate Alisha sa tanong ni Mama. Ibinaba ko muna si Rency at saka mariing pumikit.

"P-Pasensiya na ma, pa. Wala po kasi eh. Wala pang lead. Nakikipag coordinate na ako sa mga police" Kita ko kung paano pinilit ni mama na itago ang pagkadismaya. Si papa din ay gano'n din ang reaksyon.

"Ma, ginagawa ni Alexa lahat ng kaya niya" Mariing hinawakan ni Ate Alisha ang pulsunan ni Mama. Ngumit naman si Mama at saka niyakap ako.

"Ayos lang anak" Ani papa at saka niyakap din ako.

Napaigatad kaming lahat nang marinig namin ang malakas na kalabog mula sa labas. Naginit agad ang ulo ko.

"Ate umiinom nanaman ba 'yon?" Hinilot ni Ate ang sentido bago pinapasok muna si Rency sa loob ng kwarto nila.

"Anak hayaan mo na-" Sinubukang hawakan ni Papa ang kamay ko.

"Hindi pa! Bwisit yan ah" Inis na sabi ko at saka naglakad papunta sa likuran ng bahay namin. Hindi ko ba alam kung bakit nagpabuntis si ate sa lalaking katulad niya!

Jacob Luriel Serrano, he looks deceivingly handsome. With this hair pulled back, that side profile every girl died for and his thin red lips that complimented his slightly tanned skin.

Tinignan ko muna ang suot ko bago dumeretso.

I'm wearing a white spaghetti strap and a red flannel to not show too much skin. And skinny jeans. My hair is also tied into a pony.

"Hoy Jacob, mahiya ka naman" Sumunod naman sa'kin si Ate Alisha na asa likuran ko lang, hindi ko siya pinansin at itinuon lang ang buong atensiyon sakaniya.

"Alexa wag-"

"Manahimik ka jan ate" Lumingon naman siya sa'kin at saka ngumisi at kapagkuwan ay tumayo.

"Pare ipakilala mo naman kami jan" Anang isa niyang kainuman. Inirapan ko lang 'yung lalaking 'yon, yuck!

"Aba andito na pala ang magaling mong kapatid-"

Akamang yayakapin niya ako nang lumayo ako sakaniya. "Punyeta ka ah? Ayusin mo sarili mo! Paalisin mo 'yang mga kasama mo" Singhal ko na ikinagulat niya, sinubukan ulit kunin ni ate ang kamay ko ngunit hinawi ko lang ang kamay niya.

"A-Anong sinabi mo? porke umangat ka lang ah!" May naglalarong ngisi sa labi niya na mas lalong nagpainit ng ulo ko.

"Lumayas ka dito!" Sigaw ko sakaniya at tinignan ang mga kasama niya.

"Pati kayo, magsilayas kayo dito! Ang babaho niyo punyeta naman" Napatakip ako sa ilong.

Jacob pushed his tongue inside his cheeks while he has both of his hands on his waist.

Lost in the heavenly skies(Forgiving Her Series#2)Where stories live. Discover now