Chapter 21

11 3 0
                                    


Nanghina ang buong sistema ko nang makita ko siyang nakatayo sa harapan ko. Wearing a button back jacket that is not fully unzipped.

He's also wearing dark denim jeans while holding his black suitcase.

He looked so hot with his slightly disheveled hair.

The silence was so awkward, all if us were all shocked that he came. Lalong lalo na ako! Jusko paano ko niyan itatago ang relasyon namin?

"I'm joining is it fine?" His deep voice spoke with full manliness.

"A-Ah! Of course sir, it's a pleasure" Halata sa boses ni Ma'am Irish ang kaba at gulat.

Nagtama naman ang mata namin ni Mateo, his lips stretched in a smirk like he's won a competition or something.

"Wow naman sir ah! Nakasabay kayo!" Matt exclaimed, his eyes were shining.

"Of course" Tumingin siya uli sa'kin.

Ako naman ay nagiwas ng tingin at kinalma ang sarili. Hindi man lang niya ako sinabihan na sasama pala siya, he surprised the fuck out of me!

"Tara na" Ani ni Randy. He looked chill, parang wala lang sakaniya ang biglaang pagdating ni Mateo.

Lumunok ako nang magtama uli ang tingin namin.

"Okay ka lang?" Napaigtad ako nang biglang bumulong sa'kin si Caleb habang naglalakad kami.

"A-Ah, okay lang naman" Pinilig ko ang ulo at saka kinalma ang sarili. Oh gosh, I just know this vacation is gonna be chaotic.

***

Basang basa ang kamay ko habang papasok sa eroplano. Mabilis ang pintig ng puso ko at hindi ko mapigilang lumingon sa likod para makita siya.

Naramdaman kong hinawakan ni Caleb ang kanang kamay ko at marahang pinisil 'yon dahilan kung bakit napapatitig ako sakaniya.

"Pasmado ka, kinakabahan ka bang sumakay sa eroplano? 'Di ka naman ganito nung umuwi tayo dito ah" My lips formed into a thin line because of his sudden touch.

Kinuha ko ang kamay ko mula sa pagkahawak niya at hinawakan iyon. "Normal lang akong ganito, medyo mainit kasi" Kumunot ang nuo niya.

"Ang lamig kaya" Please makisunod ka nalang Caleb.

"Ah, medyo ano mainit pakiramdam ko-" He held my elbow to stop me from walking before putting his palm on my forehead.

"You're not hot, are you sick?" Umawang ang labi ko kasabay ng paglapit saming dalawa ni Mateo. That's when I noticed, everyone was looking at us.

I gulped so hard because of his stare. His deep dark eyes was piercing. He threw daggers while staring at us.

I moved away my head so he could take his hands off me. "Okay lang ako, tara na" Inunahan ko na siya at mas binilisan ang paglalakas para mapantayan ko sina Kacy.

"Sabihin mo na kaya kay Caleb na kayo ni Mateo? Grabe kung makalandi sayo Alexa. Kung ako siguro nakita ko boyfriend ko nilalandi sa harap ko baka makapatay ako" I rolled my eyes.

"At saka para magka chance na 'tong si Belle" Bumuntong hininga ako at saka tinignan si Belle na deretso lang ang tingin.

"If ever, don't settle for Caleb, Belle. He doesn't deserve you" Seryosong sabi ko sakaniya. Tumingin naman siya sakin ng mabilis bago umiling.

"This is my life, Alexa" Tinikom ko nalang ang bibig ko pagkatapos ng sinabi niya. Tama nga naman, I have no right to meddle in her life.

"Alam niyo kayo, lagi kayong nagaaway! Magbati nga kayo" Ngumiwi naman ako sa sinabi ni Kacy. Away ba 'yon?

Lost in the heavenly skies(Forgiving Her Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon