Agad akong bumaba at saka dumiretso sa sasakyan na bigay sa akin ni Nick nung birthday ko. Pumunta ako sa hotel kung saan niya ako madalas na pinapa-punta. Sabi niya may standing reservation na daw kasi siya doon. Ewan ko. Hindi talaga ako pala-tanong sa mga personal ganaps niya kaya rin siguro gusto niya akong kausap kasi literal na lumalabas lang sa kabilang tenga ko iyong mga sinasabi niya.

Pero syempre kailangan attentive pa rin ako sa kanya! Mamaya magkaroon kami ng question and answer portion tapos ma-realize niya na wala akong paki sa karamihan ng sinasabi niya! Magalit pa sa akin iyon, e! Ayoko ng bumalik sa past life ko—'di na bagay sa rich girl lifestyle ko ngayon.

Diretso na akong sumakay sa elevator. Hindi na ako tinanong pa nung bantay doon dahil madalas naman ako rito. Pinapa-nood ko lang iyong bilang ng elevator hanggang sa huminto iyon sa 20th floor.

Paglabas ko roon ay agad kong nakita si Jerry—iyong personal guard ni Nick. Iyong ever serious na ikamamatay niya ata kung ngumiti siya.

"Good evening, Jer—"

Mabilis siyang umiling.

"Busy?" tanong ko.

Nangyari naman na 'to na busy siya kaya kahit nag-effort pa ako na puntahan siya ay ang ending, uuwi din ako. Kebs lang naman. Ano ba naman 'tong effort ko kumpara sa nakukuha ko sa kanya?

"Okay," sabi ko ng naka-ngiti. "Alis na ako."

Tumalikod ako at saka naglakad pabalik sa elevator. Siguro didiretso na lang ako sa mall. Maka-nood nga ng movie. Afford ko nang manood ng movie sa sinehan! Dati sa Facebook lang ako nanonood, e! Ngayon sa sinehan na talaga tapos may popcorn at soft drinks pa ako!

"Hoy!" sabi ko nang hilahin ako ni Jerry bigla gamit iyong braso ko. Sinubukan niyang buksan iyong pintuan ng ibang suite sa floor na iyon pero walang bumubukas. "Hoy, Jerry, ha!" sabi ko habang inaalis iyong hawak niya sa akin. Aba hindi porke sa club ako pinulot ng amo niya e papatol ako sa kung sinu-sino!

"Nandyan iyong asawa ni Sir—"

Agad na natigilan ako.

A...sawa?

Ni Sir niya?

Asawa... ni Nick?

Putangina... kabit ba ako?!

Parang nawalan ako ng lakas lumaban sa pagkaka-hawak niya sa akin at sumunod na lang ako sa kung saan ako gustong dalhin ni Jerry. Para akong lutang habang pinapa-nood ko siyang buksan iyong mga pinto, pero lahat ay naka-lock.

At habang palakas nang palakas ang boses ng babae... na sa tingin ko ay asawa ni Nick...

Leche... kabit ako?!

"Sorry," sabi ni Jerry matapos akong payukuin at ipasok sa ilalim nung pushcart ng hotel na nilalagyan ng pagkain. Ni hindi ako nakapagsalita pa dahil agad kong narinig iyong boses ng babae na tinatawag si Jerry.

Tangina.

Kabit ako.

Tama nga iyong mga chismosa sa barangay namin—nahulaan nila iyong future ko.

"Who's the woman, Jerry?" tanong nung babae. Wala akong narinig na sagot mula kay Jerry. Alam kong hindi siya magsasalita dahil nabili na ata ni Nick ang loyalty pati kaluluwa niya.

Leche! Ni wala man lang nagbigay ng clue sa akin?!

"I know Nick is hiding something. I know—"

Agad na nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko na guma-galaw iyong pushcart. Gusto kong sumilip pero natatakot ako na baka makita nila ako. Boses pa lang nung babae ay pakiramdam ko nakakatakot siya! Baka makita niya ako at iyon pa ang maging katapusan ko! Buti sana kung hahayaan niya akong mag-explain!

Sugar baby lang ako minus the sugar!

Good listener lang talaga!

Naramdaman ko na nasa elevator kami. Gusto ko sanang lumabas kaya lang ay nakita kong pumasok din iyong babae. Kitang-kita ng mga mata ko iyong paa niya at iyong suot niyang YSL heels. May ganyan din ako—bigay ng asawa niya.

Huh... iyan din iyong mismong design na meron ako.

Sumilip ako.

Maliit lang.

Oh my god.

May ganyan din akong damit?!

Bakit pareho kami ng outfit?!

Ako ba ang younger version niya?!

Ano ba itong trip ni Nick?!

Pakiramdam ko ay mababaliw ako sa realizations ko in life. Gusto ko nang lumabas dito sa pinagtataguan ko, pero hindi ako makaka-labas hanggang nandito iyong totoong asawa.

Tap.

Tap.

Tap.

Para akong nasa horror movie habang pinapa-kinggan ko iyong pagtapak ng takong niya sa floor ng elevator. Pakiramdam ko deliks ako. Pwede kaya na mag-explain muna ako? Kasi wala naman sa lifegoal ko ang maging kabit?

Alam ko maganda ako at iyong ganda ko iyong usually nagiging kabit ng mga politiko—pero hindi talaga kasama iyan sa lifegoals ko.

Para akong naka-hinga nang maluwag nang sa wakas ay bumukas ang pinto. Pinanood kong lumabas siya. At nang maka-labas siya, lalabas na sana ako mula sa lungga ko nang mapa-tigil ako dahil tinutulak na naman ako. Seriously! Ano ba'ng araw 'to! Pakiramdam ko malas 'tong araw na 'to dahil kay Yana, e! Puro malas talaga dala sa akin ng babaeng 'yon!

Halos mahilu-hilo ako dahil sa pagtutulak sa akin. Gustung-gusto ko nang lumabas pero naipit iyong dulo ng palda ko sa kung saan. At saka feeling ko nasa gitna kami ng lobby at baka magulat ang mga tao kung biglang may lumabas na babae mula sa pushcart.

Para akong ilegal na droga na pinu-puslit.

My god.

"Sa wakas!" bulong ko sa sarili ko nang sa wakas ay mahatak ko na iyong dulo ng damit ko mula sa pagkaka-ipit. Huminto na rin kung sinuman iyong nagtutulak sa akin. Seriously. Ni hindi ba niya napansin na ang bigat ng tinutulak niya?! Mukha bang lechon na iyong room service na dala niya at mukhang 'di siya nagtaka bakit biglang bumigat?!

Paglabas ko ay parang medyo nahilo ako sa travel ko mula sa 20th floor ng hotel papunta sa kung nasaan man ako. Medyo hilo pa ako paglabas ko at paghakbang ko, agad na nanlaki ang mga mata ko kung bakit liwanag ang sumalubong sa akin.

Shet.

Hindi ako pwedeng mamatay ng hindi nakakapag-explain.

Gusto kong tumakbo paalis sa harapan ng sasakyan, pero para akong natulos sa kinatatayuan ko. Bakit ako nandito?! Bakit may sasakyan?! Wala ba ako sa lobby ng hotel?! Saan ako dinala?!

Ang dami kong tanong pero wala akong makuhang sagot habang ramdam na ramdam ko iyong pagsampa ko sa hood ng kung sinuman 'tong papatay sa akin.

"What... the fuck," kita kong sabi niya habang naka-sampa ako sa windshield ng Jeep niya at dilat na dilat ang mga matang naka-tingin sa kanya.

Bakit sa lahat ng tao, si chicken wings pa ang papatay sa akin?!

***
This story is chapters ahead on Patreon x

Wreck The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon