Chapter 01

217K 8K 3.6K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG01 Chapter 01

Mabilis akong naglakad papunta sa pinto nang maka-rinig ako ng katok. Agad na kumunot ang noo ko nang ibang pagmumukha ang nakita ko.

"Bakit may basura na naman sa kwarto ko?"

"Tangina ka, ako na nga bumi-bisita sa 'yo!" sagot ni Yana bago walang habas na dumiretso papasok sa condo ko. Wala man lang tanung-tanong kung pwede ba siyang pumasok! Wala talagang manners ang isang 'to! 'Di mo malaman kung pina-laki ba ng magulang niya o pinulot lang sa kanto, e.

"Bisita? Kailan pa tayo naging friends para bumisita ka rito? At tangina ka rin, ha. Maka-mura ka—ikaw nagpapa-lamon sa 'kin?"

Itong si gaga, dumiretso higa lang sa sofa ko! Ibig kong hatakin paalis kasi puting-puti iyong sofa ko tapos mukhang madumi siya! Leche talaga 'tong si Yana! Ito talaga papatay sa akin, e!

"May kasalanan ka sa 'kin, baka nakaka-limutan mo!"

Umirap na lang ako sa kanya. Inggitera talaga 'to. Kasalanan ko ba na maganda talaga ako kaya may sugar daddy ako? Tama ba na sugar daddy kasi wala naman akong sugar na binibigay. Ewan ko ba sa trip nung si Nick—wala atang maka-usap sa buhay niya kaya binabayaran pa ako para maupo sa tabi niya.

"Inggitera."

"Gaga ka kasi! Si Nick pinaka-mayaman sa client tapos sino-solo mo!" galit na sabi niya sa akin. "Ganda pa nitong condo mo! Nakaka-irita ka talaga, ha, Jerusha!"

Narindi na naman iyong tenga ko! Maka-Jerusha naman 'to! Sabi na ngang Jersey, e! Napaka-banal nung pangalan na 'yun tapos kung anu-anong kalokohan na ang nagawa ko rito sa Maynila! Parang hindi ko deserved!

Biglang nagring iyong cellphone ko. Mabilis akong lumapit doon. Isa kasi sa mga ayaw ni Nick iyong hindi ako nakaka-sagot agad kapag nagtetext siya—text lang talaga kasi busy daw siya sa trabaho niya. Ewan ko. Wala akong alam sa kanya bukod sa mayaman siya dahil afford niya 'tong rich girl lifestyle ko ngayon at saka na hiwalay siya sa asawa niya at matanda na iyong anak niya.

Ewan.

Mas okay na wala akong alam sa kanya para kumbaga, trabaho lang.

"Ano? May booking ka na naman?" chismosang tanong ni Yana.

"Bumalik ka na nga sa kung san ka man naka-tira," sabi ko habang binu-buksan iyong text ni Nick.

'2012.'

Agad akong tumayo at saka dumiretso sa kwarto ko para mamili ng isusuot kong damit. Syempre kahit usap lang naman ang gagawin namin ni Nick ay dapat mukhang tao ako dahil sayang naman iyong allowance ko sa kanya kung mukha akong basura na haharap sa kanya.

Saka in fairness naman, mabait siya sa akin. Medyo tahimik lang, pero mabait naman.

"Baka willing 'yang si Nick sa three-way—"

Binato ko iyong hawak kong tuwalya kay Yana. "Lumayas ka na nga," mabilis kong sabi sa kanya. Ilang beses ko nang sinabi dito na 'di naman ako nakikipagsex kay Nick, pero ayaw maniwala! 'Di ba pwede talagang good listener lang talaga ako?! Pag may kasamang lalaki, kailangan bukaka agad?!

"Tsk. Damot," sabi niya bago mabilis na lumabas. Sa wakas!

Mabilis akong naligo at nagsuot ng light blue na casual dress. Hanggang itaas ng tuhod iyong haba at gitna ng braso ko iyong manggas. Gusto ni Nick kapag mukha akong kagalang-galang, e. Pinapagalitan niya ako kapag maigsi ang suot ko—may krisis daw ba ng tela sa Pilipinas.

Wreck The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon