Nagpaalam muna ako kay Papa at sa mga kaibigan ko bago ko siya hinayaang dalhin ako sa kung saan.

"You can take a nap. Medyo mahaba-haba ang ibabyahe natin." Saad niya. Tumango lang ako sa kanya at isinandal ang ulo ko sa may bintana.

Hindi naman ganun katagal ang hinintay ko para makatulog dahil pagod na rin ako.

=====

"Jema, gising na. We're already here." Malambing na sabi ng kung sino habang tinatapik ang balikat ko.

Dali-dali naman akong napaupo ng maayos at nagising dahil naalala kong kasama ko pala si Bea ngayon.

"Where are we?" I asked her habang kinukusot pa ang aking mga mata.

"Somewhere else. Basta halika na." Binuksan niya ang pinto ng kotse at inalalayan akong makababa.

Napako ang tingin ko sa city lights.

"Manghang-mangha ka noh." She said and giggled. "Nandito tayo sa WDLG'S Royale Restaurants. Alam mo naman, marami kaming branches and we decided na ganito ang gawin namin para habang kumakain yung mga tao, nakikita nila ang buong lungsod."

Wow. Just wow.

"Come on, pumasok muna tayo dun. I'm already hungry na rin eh." Sabi niya habang nakahawak siya tiyan.

Medyo natawa ako sa naging reaksyon niya pero agad din kaming pumasok dahil pati ako ay gutom na. As usual, siya ang nag-order para saming dalawa.

Nakatitig lang ako sa view habang hinihintay na dumating yung order.

After 10 minutes, they already served our orders and we immediately started to eat. While eating, I saw Bea stealing glances from me. Hindi ko na lang siya pinansin at tinapos agad ang pagkain ko.

"Aren't we goint home?" I asked her as I finished my food.

"Nakakailang oras pa lang dito Jema pero gusto mo nang umuwi." Sagot niya. Tinignan ko lang siya ng diretso.

"Okay okay. Iuuwi na kita but may I ask you something?"

"Go on." I shortly replied.

"P-pwede bang—" Hindi ko muna siya pinatapos.

"What is it?" I cut her off.

Ang tagal e.

"C-can I c-court you, Jema?"

——————————

Deanna's POV

"Deans! Wake up!"

"Hmm." I just groaned.

"Tatayo ka dyan o hihilahin kita paalis ng kama mo?" Agad kong iminulat ang mga mata ko nang pagbantaan ako ng kung sino.

Umupo ako mula sa pagkakahiga at sinamaan ng tingin ang babaeng nakatayo at nakangisi sakin.

"What on Earth is your problem? Huh Gastos? Ang aga aga pa oh!" Inis kong giit sa kanya sabay takip ng mukha gamit ang unan at nagtaklubong.

"Aba, have you forgotten that this is the day that your going to meet the newest board members or your company?" Dali-dali akong umupo ulit nang marinig ko ang sinagot niya.

Ugh! Nandito nga pala kami sa New Zealand. Badtrip naman oh! I still want to sleep!

"Oo na. Thank you for reminding me." Napabuga na lang ako sa hangin atsaka siya lumabas ng kwarto.

My Immortal Crush  Where stories live. Discover now